Mahaba ang nilakad namin, kung kaya’t kahit na kumain na ay bumalik ang aming gutom. Isang malaking tahanan ang bumungad sa akin, tila isa itong palasyo dahil sa ganda’t laki nito.
Pinagbuksan niya kami at agad naming nakita ang isang hapag kainan na mayroong nagsasarapang pagkain, agad kong isinara ang aking bibig dahil baka mayroong tumulong laway mula doon.
Kakat’wang kahit na parehas na gutom ay mas pinili naming itanong kung para kanino iyon at marahang naglakad nang malaman na ang lahat ng iyon ay para sa amin.
Kahit na nagtataka ay magsimula kong kainin ang mga nakahanda ng mahinhin kahit na sobra na ang gutom, pinipigilan ko ang aking sarili na dumakot ng malaking piraso dahil hindi naman namin kilala ang naghanda ng mga ito.
“Ano nga pala ang pangalan niyo?” Nahihiyang tinanong iyon ni Kaser, kung ako man ang nasa kaniyang pwesto ay ganoon din ang mararamdaman ko. Ang pagkain niya kasi’y tila isa ng bundok dahil sa taas ng pagkakapatong-patong.
Mahinang natawa ang matanda, “Ang pangalan ko’y... Ra Mi-Hi, at alam kong nagtatanong kayo kung bakit ko kayo inanhahayan ay mayroon lang isang nakapagsabi sa akin na nais niyong makita kung paano mamuhay ang mga taong naririto,” ngumiti siya.
Nagkatinginan kami ni Kaser, sigurado akong naiintindihan niya iyon dahil kumurba ang kaniyang labi sa isang hindi maipaliwanag na ngiti at ibang reaksyon naman ang sinasabi ng kaniyang mga mata, nagulat ito. Nakakaloko, hindi ko malaman kung ano ba talaga ang nais na reaksyon ang kaniyamg ipakita.
“Ano ang pupwede naming itawag sa inyo?”
“Mi-Hi.”
“Mamaya’y may pupuntahan kayo,” doon ay bumalik ako sa ulirat. Hindi na kami nagtangkang magsalita dahil sa gutom na nararamdaman.
Matapos kumain ay dinala niya kami sa isang silid, wala iyong kahit na anong disenyo. Nakalagay sa sahig ang dalawang pares ng damit, ang isa ay gaya ng kulay ng dilim habang ang isa naman ay kakulay ng mga ulap. Parehas iyon ng disenyo, may isang tali sa bandang gitna at sigurado ako na lalaylay ang mga natira kapag naitali na.
“Sa inyo ang mga ‘yan,” ani Mi-Hi tapos ay tuluyang lumabas ng silid, naiwan kaming dalawa ni Kaser na nakatitig sa magagandang bagay na iyon sa aming harapan. Nakatatakot akong hawakan ang kahit na alin man doon sa hindi malamang dahilan.
“Sa’yo ito...” itinuro ni Kaser ang puting kasuotan habang hawak na niya ang isa. Nais ko sanang sabihin na ayaw ko iyon ang suotin dahil baka mabilis madumihan dahil alam kong hindi naman ako mahinhin kung kumilos.
Agad siyang tumalikod at isenenyas ang damit, nanlaki ang mga mata ko, at tila alam niya na ako’y nagaalinlangan dahil tinakpan niya ang kaniyang mga mata gamit ang palad tapos ay ipinatong niya ang kaniyang susuotin sa ulo, dahilan para maging komportable ako.
Nagsimula kong suotin iyon pataas habang kasabay na hinahayaan ang aking kasuotan paibaba, sinisiguradong wala siyang makikitang kahit na ano sa aking katawan. Matapos ay ginawa ko din ang kaniyang katawan.
Kinalabit niya ako, simbolo na tapos na siyang magpalit.
Naroon ang kaniyang maskara, nakatakip sa kaniyang mukha, ngunit bakit tila kaaya-aya siya para sa akin. Siguro ay dahil lamang iyon sa malinis na kasuotan na kaniyang suot.
Bigla ay inilahad niya ang kamay niya sa akin, hindi pa napoproseso ng aking isipan ang nangyayari ngunit agad niya iyong marahang hinawakan na malakas na nakapagpatibok ng aking puso, nag-aalala ako na baka lumabas iyon mula sa aking katawan.
Sabay kaming naglakad papalabas, sa hindi inaasahan ay naroon si Mi-Hil, nakatayo sa labas ng pintuan at nakangiti habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko malaman kung bakit ako kinabahan nang dumapo ang kaniyang paningin sa kamay naming magkahawak at agad ko iyong binitawan, kung kaya’t napatingin si Kaser. Binigyan ko na lamang siya ng nagtatanong na tingin kahit na alam kong nagiisip din siya kung bakit.
“Oh sige na’t lumakad na kayo,” gumilid siya at maya maya pa’y kasabay na namin siyang maglakad papalabas sa malaki niyang tahanan. Naabutan pa namin ang aming pinagsaluhang pagkain kanina na isinasaayos at nililigpit ng kaniyang mga tauhan. Ikinwento din niya kung papaano kaming makakapunta sa magandang lugar dito sa kanilang bayan, kakat’wang naikwento niya ang lahat sa maikling panahon.
Tahimik kaming naglakad ni Kaser patungo sa lugar na nabanggit, sa daan pa lamang papunta doon ay namangha na ako, dahil mayroong nagkalat na iba’-ibang kulay ng tela na nakakabit sa mga puno, mayroon ding mga nagtitinda at naka-isang hilera sila sa gilid. Ang akala ko’y hindi na ako mamamangha kapag makarating kami sa mismong lugar ngunit ako’y nagkamali.
Mayroong nakatayong estraktura doon, gawa iyon sa bato at hugis palasyo na hindi ko alam kung papaano nilang nagawa. Bigla ay mayroong humila sa akin, kasabay nito ay ang pagsayaw niya, at nang nilingon ko ay isa iyong napakagandang babae. Hinila niya ako paparoon sa sentro ng lahat, tuloy ay nasa amin ang atensyon ng karamihan, ang mga palakpak nila’y nagsisilbing musika upang kami’y umindak sa sayaw.
Maya-maya pa’y si Kaser na ang may hawak sa akin, ang mga tunog na ginagawa ng mga narooon ay naging mabagal kung kaya’t naging mabagal na din ang aming pagsayaw, nakahawak ang isa kong dalawa kong kamay sa balikat niya habang nakapwesto ang isa niyang kamay sa aking balikat habang ang isa ay sa aking balakang.
Unti-unting nawala sa aking paningin ang mga tao sa amin na nakapaligid, naging tahimik na din ang lahat, hindi ko malaman kung bakit tila nakaramdam ako na mayroong lumilipad na kung ano sa aking tyan kahit na ang totoo’y wala naman at ang hindi ko maipaliwanag ay kung paano akong nakasabay sa kaniya.
Wala sa sarili akong napangiti dahil nakikita ko ang kaniyang mga mata, at tila ito ang nagsasabi ng kung ano ang kaniyang nararamdaman ngayon, masaya siya... gaya ko.
Itutuloy. . .
BINABASA MO ANG
Behind That Mask
RastgeleAng buhay ni Shamara ay malapit na sa salitang perpekto, isang babaeng marunong lumaban, mag-isip at mabuting anak sa kaniyang mga magulang. Ngunit matapos makakilala ng estrangherong may maskara ay nakumbinsi siya ng kaniyang ama na tanggalan ng ta...