Ang buhay ni Shamara ay malapit na sa salitang perpekto, isang babaeng marunong lumaban, mag-isip at mabuting anak sa kaniyang mga magulang.
Ngunit matapos makakilala ng estrangherong may maskara ay nakumbinsi siya ng kaniyang ama na tanggalan ng ta...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nabilang ko ang tatlong beses na pagsikat ng araw. Pinalipas ko ang mga araw na iyon sa pag-iyak at pagsisi sa aking sarili, tila naging manhid ako sa iba pang bagay at iyon lang ang kayang maramdaman.
Naisipan kong maglakad lakad at noong bumalik sa wisyo ay matagpuan ko ang aking sarili sa mismong lugar kung saan ko inihulog si Kaser.
Ang luhang akala ko’y natuyo na ay muling nagsibagsakan. Napa-upo ako at muling tumayo upang tignan ang kabuuan ng lugar.
“Akala ko'y matatanggal ng kalikasan ang lahat ng aking nararamdaman, ngunit bakit ang nabubuong pagmamahal ko kay Kaser ay hindi naman nawala!” Sigaw ko. Ang aking sariling mga luha ay hindi ko mapigilan, para itong ulan na patuloy sa pagbagsak at hindi matigil-tigil hangga't hindi ito naibubuhos lahat.
Naalala ko ang lahat simula noong takpan niya ang araw at hanggang sa pagtulak ko sa kaniya, lahat ng aking naramdaman ay tila bago. Nakakainis man ngunit nagustuhan ko ito, ang lugar na ito ang magsisilbing palatandaan ko na mayroon akong nakilalang tao na nagparamdam sa akin ng iba't-ibang pakiramdam sa bawa’t nagdadaang araw.
Sinamahan ko siya sa kaniyang paglalakbay at sa maikling panahon na ito ay pakiramdam ko’y kilalang kilala ko na siya na nagbigay sa akin ng lakas ng loob upang itulak siya sa banging ito.
Hinampas ko ang aking sarili dahil sa sakit na nararamdaman, inaasahang maalis ito sa pamamagitan ng isa pang sakit. Niloloko ko ang aking sarili.
Pumikit ako, muling dinama ang hangin at tumalon, ngunit hindi ko pa iyon nagagawa ay mayroon nang isang kamay ang humawak sa akin.
Noong magdilat ay nanuyo ang aking lalamunan noong makita si Kaser, bigla ay niyakap niya ako. Hindi ko iyon mairehistro sa aking isipan.
Binitawan niya ako, doon ay nalaman kong totoong si Kaser nga iyon. Napakagat ako sa aking pang-ilalim na labi.
“Hindi ito totoo... hindi ito totoo...”
“Shamara!” Sigaw niya. Nanlaki ang aking mga mata.
“Ito’y isang panaghinip lamang... ama... gisingin mo na ako,” patuloy ako sa pagbulong.
Muli ay lumapit siya at tila hindi ko maigalaw ang aking katawan. Sa hindi malamang dahilan ay huminto siya kung saan malapit na siya sa akin at doon ipinatong ang ulo niya, “Shamara... hindi ka nanaghinip... hindi ako isang patay na dinadalaw ka sa iyong panaghinip,” narinig ko ang paghikbi niya.
“Amara, kahit nais kong magalit sa iyo ay hindi ko magawa,” kusa akong lumapit at niyakap siya. “Kaser, bakit hindi? Hawak mo ako ngayon, ganoon din ang buhay ko, itulak mo ako sa banging ito... kagaya ng ginawa ko sayo,” hinawakan niya ang aking dalawang balikat at doon ay iniangat ang ulo, bigla ay tinanggal niya ang kaniyang maskara, agad akong nagulat at napapikit.
“Amara... mahal kita, sa pagmamahal ko sa iyo ay nais kong walang mga sikreto,” hinawakan niya ang aking mukha at pinunasan ang aking nga luha.
Noong dumilat ako’y nakita ko na ang totoong itsura ni Kaser sa likod ng kaniyang maskara. Hindi ganoon kaespesyal ang kaniyang itsura, normal lamang ito, ngunit dahil siya si Kaser ay agad na bumilis ang pagtibok ng aking puso.
“Koi... gusto kita,” ngiti niya. Nanlaki ang mga mata ko at paulit-ulit na umiling.
“Kaser... ikaw ba talaga ‘yan?” Hindi ko pinansin ang nauna niyang sinabi dahil sa kabang agad kong naramdaman, hinawakan ko ang mukha niya at muling tumulo ang mga luha mula sa aking mata.
Pinunasan niya ito at hinayaan aking sumandal sa kaniyang balikat. “Nakita ko na si Ansel... ngunit galit siya sa akin dahil sa nagawa ko sayo... patawad Kaser... patawad.”
“Si Ansel... ang kapatid na matagal kong hinanap... ang kapatid na ninanais kong mayakap... ang taong matagal king hinintay... ay galit sa akin, Kaser ano ang nangyari? Kilala mo ang aking kapatid ngunit bakit mo agad iyon sinabi,” nagsimula ko siyang hampasin.
“Kailan man ay wala siyang nabanggit na siya’y mayroong kapatid na kasing ganda mo... wala siyang sinabi sa akin na kahit ano...”
“Ngunit bakit mo siya tinanggap? Bakit mo siya hinayaang tumira sa iyong tahanan? Bakit? Bakit?”
“Dahil alam ko ang pakiramdam ng iniiwanan Amara... alam ko kung gaano ito kasakit at hindi ko nanaising maramdaman din ito ng iba pa... hindi ko malaman kung paano kong nalagpasan ang lahat ng pang-iiwan sa batang isip kong iyon...” mahina siyang natawa.
Naubos na ang aking luha ngunit hikbi naman ang punalit dito, hindi ko nang pinilit pang magsalita dahil alam kong nasabi ko na lahat. Hinayaan niyang maupo ako at sumunod siya.
“Koi... alam mo ba ang pakiramdam ng maiwan?”
“Siguro ay oo... dahil iniwan na ako ni Ansel noon, nag-iisa ako’t panay ang tulo ng aking mga luha... naiinis ako dahil nawala siya... tuloy ay nag-isa na lamang ako... walang kalaro o kausap na nagdulot sa akin ng ugaling ganito...”
“Sa batang edad kong iyon ay naramdaman ko ang sakit ng maiwan, ganoon ko kamahal si Ansel.” Dagdag ko.
“Nais mo bang kwentuhan kita patungkol sa amin ni Ansel?” Nakangiti siya, tila nalala ang ginawa nila noon.
Ang lahat ng aking nararamdaman noong nagpunta ako sa bundok na ito ay nawala noong makasama ko si Kaser. Bakit ganito? Anong nangyayari?
Masyado akong naging komportable sa kaniya na pati ang aking mga naramdaman noon ay naikwento ko na. Naikwento sa akin ni ina noon kung paano niyang nalaman na mahal niya si ama ay sa t’wing tumitingin siya dito ay nagiging masaya siya’t pakiramdam niya’y ligtas siya kasama ito kahit pa anong sama ang tingin ng tao sa aking ama.
Bakit parehas ang nararamdaman ko kay Kaser ganoong alam kong hindi kami pwede dahil kay ama?
Kahit anong sabihin ko patungkol kay Kaser ay alam kong hindi ako paniniwalaan ni ama, sasabihin niyang isa siyang masamang tao sa kaniyang paningin at tapos ang usapan. Ito ang alam kong dahilan kung kaya’t hindi kami pupwedeng mahulog sa isa’t-isa.
“Bakit ganoon? Kung ano pa ang ating pinaka gusto ito pa iyong hindi natin nakukuha?” Napatitig ako sa kaniya. Ako ba ang tinutukoy niya na kaniyang gusto?
“Kailangan ko ng umalis...” umiiyak akong tumakbo.
“Amara mahal kita!” Patuloy siya sa pagsigaw ng mga salitang iyon habang patuloy ang pagkawasak ng aking puso. Sa bawa’t bagong hakbang sa aking pagtakbo ay humihina ang kaniyang sigaw. Hindi niya ako hinabol... ngunit hindi ba’t iyon ang nais ko? Bakit ngayong ginawa niya ay hindi ko ito nagustuhan? Nakakaloko.
Siguro nga ay gusto na kita... ngunit hindi ko nais na mayroon muli akong magawang kamalian dahil sa aking walang kwentang nararamdaman. Hindi ko maipagpapalit ang aking pamilya... kahit na kailan.
Muli ay mayroong nang-iwan sa kaniya, nakakainis lamang na ako iyon.
Ito na ba talaga ang dulo? Kung ganoon ay nais kong magpasalamat sa mga masasayang bagay na iyong idinulot sa akin, ginawa mong makabuluhan ang aking maikling panahon.