Kabanata 7

9 2 0
                                    

Ngingiti ngiti akong naglalakad papunta sa pamilihan, hindi pa din nawawala ang magandang pakiramdam ko dahil sa nangyari kahapon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngingiti ngiti akong naglalakad papunta sa pamilihan, hindi pa din nawawala ang magandang pakiramdam ko dahil sa nangyari kahapon. Lahat ng madadaanan ko ay babatiin ko at ngingitian, hindi alintana ang magiging kasagutan nila, kung babati at ngingiti ba pabalik o magsusungit at hindi ako iintindihin.

Gusto kong iparamdam sa iba ang magandang nararamdaman ko. Nakakatuwa dahil ngayon ko na lamang yata muling naramdaman ang ganito, sa tingin ko noong huli ay isang paslit pa ako na walang pakialam at alam sa mundo.

Payapa akong naglalakad ng makasalubong ko ang isang pamilyar na tao, paatras akong naglakad at kinawayan siya sa mismong mukha. Napatigil siya kung kaya't nginitian ko siya, sinuklian niya naman iyon. Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi dahil tila hindi iyon pilit ngunit hindi din naman kusa, hindi ko maipaliwanag kung paano niyang ginawa ang ngiting iyon.

"Magandang araw," pabulong kong bati. Nagsimula akong maglakad at sinundan niya lang ako, ang totoo ay hindi ko alam kung bakit narito ako sa pamilihan o kung saan ako pupunta, naglakad lamang ako sa hindi malamang dahilan.

Napansin niya siguro na wala akong dala, "Anong ginagawa mo dito?" Seryoso niyang tanong na nagbibigay sa akin ng pakiramdam na hindi ako pupwede sa aming pamilihan kung wala akong gagawin.

Pilit akong tumawa, "Bakit mo kailangang malaman?" masungit ko siyang pinagtaasan ng kilay.

"Wala ka din naman palang gagawin... gusto kong pumunta sa ibang bayan at tignan kung paano silang mamuhay doon..." patuloy kami sa paglakad.

"Gusto mo bang sumama, mamaya na ang alis ko..." hinarap niya ako para lamang ngumiti. Ang puso ko ay tila sasabog dahil sa sobrang lakas ng bawa't pagpintig at hindi ko iyon maintindihan, hindi ko alam kung bakit ganoon iyong maghurumintado, ngumiti lang naman siya. Pakiramdam ko ay napaka-init ng mukha ko kaya agad din akong nag-iwas ng tingin.

"S-sige," maski ako ay nagulat sa mabilis kong pagpayag. "Kung aalis ka na ngayon at magpapaalam sa iyong mga magulang ay... siguradong mabilis tayong makaaalis, sigurado kasi akong matatagalan din tayo sa paglalakbay papunta doon..." binanggit niya ang mga salita na para bang ako'y isang paslit na tinuturuan pa lang na bumanggit ng mga letra dahil sa bagal at lambing ng boses niya. Humarap siya sa ibang direksyon ngunit hindi nakaligtas sa aking ang mabilis na pamumula ng kaniyang tainga dahil sa maayos na pagkakalagay ng kaniyang buhok sa likod ng tainga.

Agad ko siyang iniharap sa akin, tapos ay inilagay ko ang likod ng aking palad sa kaniyang leeg at noo gaya ng ginagawa sa akin ni ina kapag hindi maganda ang pakiramdam ko. Nahirapan pa akong abutin siya kung kaya't kailangan ko pang tumingkayad. "A-ano ang ginagawa m-mo?" Hindi ko malaman kung bakit nauutal siya.

"Sigurado ka bang ayos lang sa iyo ang maglakad ng mahaba?" Itinanong ko iyon sa pinakasenserong paraan. Tumango siya at pinilit akong ipihit sa daan papalabas ng bayan. Nasa likod ko siya at pinauna niya akong maglakad habang hawak hawak niya ang balikat ko gamit ang kaniyang mga kamay.

Noong makarating kami sa lugar kung saan kami magkakasalungat ng direksyon ay agad siya bumitaw. "Hihintayin kita dito..." itinuro niya ang lugar kung nasaan siya prenteng nakatayo habang nakasandal sa isang malaking puno.

Agad ko siyang tinalikuran, nang masigurado kong hindi niya na ako matatanaw ay mabilis akong tumakbo kung kaya't pagdating ko sa aming tahanan ay kinakapos ako sa hangin ngunit kahit na ganoon ay nakapagpaalam ako at kumuha ng ilang pagkain, damit at sandata. Itinago ko ang kinuha kong patalim sa ilalim ng aking suot upang kung sakaling may mangyaring masama ay handa ako.

Naabutan kong natutulog sa ilalim ng puno si Kaser, nakakatawang kahit na anong parte ng kaniyang katawan ay hindi niya hinahayaang masikatan ng araw dahil sa napakahigpit na hawak niya sa mga tuhod.

Kung ibang tao ang nakakita sa kaniya ay sigurado akong mapagkakamalan siyang taong nawawala. Natatawa ko siyang nilapitan at ginising, pupungas pungas pa ang kaniyang mga mata habang may kinukuha sa kaniyang likod.

Ng makuha na niya ang isang lalagyan na gaya ng sa akin ay tumayo na siya at lumakad na para bang wala siyang kasama. Wala sa sarili akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya at sinipa ang parteng likod niya, nakakagulat na umabot iyon sa bandang itaas ng kaniyang likod. Napahawak ako sa aking bibig, hindi dahil nagulat akong nasaktan ko siya ngunit dahil hindi ko inaakalang ganoon na pala ako kataas kung sumipa.

Nahinto siya ngunit diretsyo pa din ang pagkakatayo, nang mapagtanto ang aking ginawa ay mabilis akong lumapit sa kaniya, nagulat ako nang wala man lamang nagbago sa kaniyang reaksyon, at ang mismong reaksyong iyon at hindi ko maipaliwanag, dahil hindi naman siya nakangiti o nasaktan lamang.

Agad kong hinila ang nakalaylay na tela sa kaniyang braso, bumalik naman siya sa ulirat mula sa pagkakatitig sa kung saan. Ngayon ay sabay kaming naglalakad palabas ng pamilihan, katahimikan ang bumalot sa amin.

"Alam mo bang may kapatid ako?" Pambabasag ko dito. Mahina akong natawa dahil sa sarili kong tanong. Ngunit kahit na ganoon ay hindi siya sumagot, tila hinahayaan lamang akong magkwento.

"Simula mga paslit kami ay sobra ang inggit ko sa kaniya kasi... lahat ng mayroon siya ay wala ako. Pero kahit na ganoon ay hindi kami nagtatalo, oo't may inggit ngunit natatabunan iyon palagi sa t'wing magtutulungan kami." Huminto ako sa pagsasalita upang malaman kung mayroon ba siyang sasabihin.

At hindi nga ako nagkamali, "Nasaan siya?" Simpleng tanong ngunit nagawa nitong pag-initin ang gilid ng aking mga mata. Agad kong pinigilan ang pagbabadya ng mga luha. Kung mayroong araw upang maging mahina ay siguradong hindi ito ang araw na iyon.

"N-nawala siya matagal na panahon na ang nakalilipas," kung ang pagluha ay nagagawa kong pigilan, ngunit iba ang sa pagiging utal. Ito na siguro ang kapalit ng pagpiligil ko ng aking mga luha na nais kumawala.

"Hindi niyo hinanap?" Itinanong niya iyon sa pinaka-kaswal niyang paraan habang hindi gumagawa ng kahit anong paglingon man lang sa akin.

"Sa tingin mo ba ay papayag kami na mawala na lang basta siya?"

"Ang tanging hiling ko lang sa ngayon ay mahanap kung nasaan siya..." tumingin ako sa kaniya na para bang makikita ko ang kaniyang mukha, hindi naman niya kamukha si Ansel ngunit bakit pakiramdam ko ay siya nga?

"Kung ganoon ay... hanapin natin siya habang naglalakbay," nakangiting aniya na siyang nakapagpatunaw ng aking puso. Bago ko pa makalimutan na kaya ako narito ay dahil sa iniutos ni ama na bantayan ko ang bawa't kilos niya kung mayroon bang kakaiba ay tumango na ako.

Napakaganda ng suhestyon niya, ngayon ay dalawa na akong dahilan upang magpatuloy pang sumama sa kaniya.

Itutuloy. . .

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon