Mula sa bintana ng aking silid ay pinagmasdan ko ang buwan na tuluyang lumubog at sumikat ang araw. Agad akong napangiti sa tanawing iyon.
Ngunit ang ngiting iyon ay agad na napawi noong mayroon akong mamataan na isang tao, hindi ko matanaw ang mukha ngunit kita ko ang kaniyang kabuuan sa 'di kalayuan. Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo at kinuha ang panang nakatago sa aking silid, dahan dahan kong itinutok iyon sa kaniya na para bang tinatanaw kung ano ang ginagawa ko.
Ang tao ay nasa isang makapal na sanga ng puno, nakatayo at pawang masaya pa sa kaniyang nakikita.
Walang namutawing kaba o takot habang dahan dahan kong binibitawan ang palaso sa diretsyong pwesto ng niya.
Nakangisi ko pang tinignan kung saan tatama ang binitawan ko, pero ganun na lamang ang gulat ko nang maka-ilag ito.
Namangha ako ng bigla ay tumalon siya, nagmadali akong lumabas at nakita ang puno kung nasaan ang anino niya kanina.
Hindi ko malaman kung nagtago lamang ba siya o tuluyang umalis na, ngunit lumakad pa din ako nang may pag-iingat patungo sa paanan ng puno.
Isang maskara ang bumungad sa akin, gaya nang kung anong suot ng lalaking nakita ko sa pamilihan kahapon. Agad akong kinabahan nang maalala ko siya. Pinulot ko ang maskara at itinago sa suot ko.
Walang kahit anong bakas na mayroong tumalon mula sa isa sa mga sanga ng punong iyon, agad nanaman akong namangha.
Ngayon naman ay tinanaw ko kung saan ko siya nakita kanina, sa taas niyon ay maski siguro ang aking ama ay kakailanganin ng tulong para lang makababa o maka-akyat. Ang nakita ko kanina ay hindi lang basta-bastang umakyat sa puno at tinignan ako, kung papaano niya kasing nailagan ang aking palaso ay hindi ko maipaliwanag, napakabilis kong nakita kung papaanong lumipad papalapit ang palaso sa pwesto niya. Para bang sanay na sanay na siya sa ganoong pangyayari, dahil parang wala na lang sa kaniya.
Ilang minuto pa akong nanatili doon 'tsaka ako nagpasyang bumalik nang muli sa aming bahay. Naging ganun kahirap sa akin ang bawa't paghakbang, pinakikiramdaman ko kung mayroon bang mga matang nakatingin sa akin at baka malaman ng aking mga magulang na lumabas ako nang ganoong kaaga.
Tuluyan akong nakapasok nang walang nagagawa na kahit anong ingay at nag handa ng aming agahan.
Mayamaya pa'y narinig ko na ang yapak ng aking mga magulang na lumabas sa kanilang silid. Nginitian ko sila at binati.
"Napaka-aga mo yata ngayon?" Nakangiting bungad ng aking ina.
"Inabangan ko kasi ang pagsikat ng araw, ina."
"Mabuti."
Matapos ang salitang iyon ay umupo na siya at nagsimulang kumain na siyang sinabayan namin ni ama.
Nakangiti akong kumakain hanggang sa napatingin ako sa isang parte ng aming lamesa kung saan nauupo dati ang taong kasama ko sa lahat, mabuti man o hindi ang nangyari.
Hindi ko tinanggal ang aking ngiti, ngunit hindi na iyon gaya kanina na umabot sa aking mga mata.
"Ano ang mali, Shamara?" Bumalik ako sa wisyo nang marinig ang boses ng aking ama.
Nagpilit ako ng ngiti na aabot hanggang sa mga mata bago nagsalita, "Sa tingin ko'y kulang sa sangkap ang nailuto ko ama kaya parang may kulang." Ngunit ang totoo ay hindi sa aking kinakain ang kulang, kung hindi mismo sa aking sarili, sa aming tahanan at sa aming pamilya'y mayroong kulang. Ayaw kong banggitin ang pangalan niya sa hapag dahil baka mawalan ang lahat ng gana na kumain.
Matapos kumain ay pina-iwan ako ng aking ama.
Ang puso ko'y tumitibok ng mabilis at pinagpapawisan ng malamig. Sobra ang kaba ko, nakayuko lamang ako at wala sa sariling pinaglalaruan ang aking mga daliri.
"Gusto kong makilala mo kung sino ang lalaking nasa likod ng maskara na nakita mo kahapon habang ika'y namimili." Dire-direstsyong aniya. Agad akong napatingin sa kaniya, kinekwestion ang lumabas na mga salita mula sa kaniyang labi.
"Hindi ba't gusto mong makatulong sa bayan?" Tumango ako.
Isa sa mga pangarap ko ay ang makatulong sa bayang aking kinalakihan kahit na sa maliit na paraan. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung papaano ako makatutulong sa bayan sa pamamagitan ng pagkilala sa isang taong parang hangin lamang sa iba.
Nagbuga siya ng isang malalim na hininga at tumingin sa akin nang may pag-aalala sa mga mata. Ang lahat ng takot ko kanina para sa kaniya ay biglang naglaho. "Ang lalaking iyon... ay ang dahilan kung bakit kakaunti ang mga taong namili nang araw na magpunta ka doon..."
Mahabang katahimikan ang bumalot sa kinaroroonan namin. Hinayaan kong dumami ang tanong na nabubuo ko sa aking utak.
Ngunit sa lahat ng tanong na aking nabuo ay isang salita lang ang aking nasabi, "Bakit?"
"Matagal nang nagpapaikot-ikot sa bayan ang nakamaskarang iyon at sigurado akong may namumuong takot sa mga mamamayan, ngunit dahil nga natatakot sila ay hindi sila gumagawa ng paraan upang malaman kung sino ang nasa likod ng maskarang iyon, takot silang alamin ang misteryo sa likod ng taong iyon."
"Napakamisteryoso ng estrangherong iyon... at doon natatakot ang mga tao. Misteryo kung ano ang ginagawa niya sa bayang ito, misteryo kung sino siya." Dagdag ng aking ama habang nakatingin sa kung saan, tila ba may nakikita siya doong hindi ko nakikita.
"Ano ang maaari kong gawin upang matulungan ang mga tao at ang bayan na ito?"
"Tanggalan mo sila ng takot, takot ang nagiging dahilan kung bakit nagiging mahina ang isang tao... at kapag mahina ang mga tao ay hihina din ang bayan..." Muli ay tumingin siya sa akin at ngumiti, iyong ngiti na parang naramdaman niya na iyong ganoong klase ng takot.
"Ipakita mo sa kanila na walang dapat katakutan sa taong nakamaskarang iyon. Kung mayroon man ay tayo mismo ang magpapa-alis sa kaniya sa bayang ito... mabuhay man siya o hindi. Aalis siya, mawala lang ang takot ng mga mamamayan."
Doon na nga nagtapos ang usapan.
Nang nag gabi ay napuno ako ng pangamba. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling magkita muli kami.
Inilabas ko ang maskarang itinago ko sa suot ko kanina. Tinitigan kong mabuti iyon, bawa't sulok at disenyo, ang maskara ay mukhang bago pa dahil wala pa iyong kahit na anong gas-gas o kumupas na kulay sa panglabas man o sa pangloob.
Sino ka ba talaga?
Bakit ganun na lamang kung matakot sa iyo ang mga tao?
Bakit ganoon na lamang kung mag utos ang aking ama?
Ano ba ang nagawa mo?
At ano ang kaya mong gawin?
Kahit na walang kasiguraduhan na magtatagumpay ay susubukan kong magplano upang magawa ang mga nasabi ng aking ama.
Itutuloy. . .
BINABASA MO ANG
Behind That Mask
De TodoAng buhay ni Shamara ay malapit na sa salitang perpekto, isang babaeng marunong lumaban, mag-isip at mabuting anak sa kaniyang mga magulang. Ngunit matapos makakilala ng estrangherong may maskara ay nakumbinsi siya ng kaniyang ama na tanggalan ng ta...