Ang buhay ni Shamara ay malapit na sa salitang perpekto, isang babaeng marunong lumaban, mag-isip at mabuting anak sa kaniyang mga magulang.
Ngunit matapos makakilala ng estrangherong may maskara ay nakumbinsi siya ng kaniyang ama na tanggalan ng ta...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gabi na ako ng maka-uwi sa aming tahanan, bumungad sa akin ang aking mga magulang, ang aking ina ay namamaga na ang mga mata marahil ay dahil sa kaiiyak habang inaalo naman siya ng aking ama sa pamamagitan ng paghaplos-haplos sa buhok nito at pagsasabing ako'y siguradong nasa maayos na kalagayan.
Pinangaralan ako ng aking ina at sinabi na todo ang pag-aalala niya noong malaman niyang wala ako sa aming tahanan noong sandaling magising siya. Hindi ako nagpaliwanag, sa halip ay todo ang paumanhin ko at sinabing ako'y namasyal lamang upang lumanghap ng sariwang hangin.
Kinuwestyon iyon ng aking ina, ngunit nang wala akong maisagot ay tumigil na siya sa katatanong at naghanda na para sa aming hapunan.
"Ama, ang pangalan ng lalaking nakamaskara ay Kaser." Sabi ko, isang hapon kinabukasan matapos kong hindi tuparin ang sinabi ko kay Kaser.
Sa pagkakatingin pa lamang ni ama ay tila nalaman na niya kung papaano kong nakuha iyon. Nginisian niya lamang ako at bumalik na muli sa kaniyang ginagawa.
Lumipas ang isa pang araw na ako'y nagtagal dahil sa paggagwa ng plano, plano kung papaano kong matatanggal ang misteryo ni Kaser upang huwag na siyang katakutan ng mga tao. Dalawa ang planong aking ginawa, ang una ay payapang pagsalitain siya't tanggalin ang kaniyang maskara sa harap ng madaming tao, ang ikalawa ay ang paalisin siya sa bayan, buhay man o hindi.
Noong ikatlong araw ay napagdesisyonan ko na pumunta sa lugar kung saan ko siya iniwan.
Nagulat ako noong makarating doon, may isang tao't naka-upo. Nakaharap siya sa kasalukuyang sumisikat na araw.
"Kaser?" Pagtawag ko, agad ko namang nakuha ang atensyon niya kaya humarap siya sa akin.
Ngumiti siya, "Amira," mahinang aniya ngunit dinig pa din, tapos ay may ngiti siyang tumango tango. Bigla ay tumayo siya't tatlong beses na humakbang upang makalapit sa akin.
Bumilis ang tibok ng aking puso, nang bigla ay yakapin niya ako. Ngunit mas lalo akong nagulat noong maramdaman kong komportable ako sa yakap at sa paghaplos niya sa aking buhok. Niyakap ko siya pabalik.
Humiwalay siya. Doon ko lang napagtanto na may mga luha na ang bumagsak mula sa kaniyang mga mata.
Ang tingin ko'y napako sa kaniyang kabuuan. Hindi ko maipaliwanag.
Maya-maya pa ay niyaya niya na akong maupo. Sa eksaktong pag-upo ko ay nagsalita siya. "Paborito mo talaga ang ganitong tanawin." Aniya na akala mo ay madaming beses niya na akong nakasama kung kaya't nakakapagtaka.
May naalala ako sa nakaraan, ngunit mas pinili ko na lamang itong ilingan. Masyado na kasing masakit upang balikan.
"Hindi ba halata?" Sigurado akong bakas ang pagka-inis sa aking tono.
Ang nagsisimulang mag-init kong ulo ay biglang naglaho na parang bula noong maramdaman ang walang kasing preskong hangin. Kahit ano talaga ang nararamdaman ko'y posibleng matanggal gamit ang kalisan.