Kabanata 18

0 0 0
                                    

Pansin ko ang pagbabago sa aking nararamdaman, kung noon ay nanginginig ang aking mga tuhod sa t’wing siya’y nariyan, sa kasalukuyan ay ang tanging nararamdaman ko lamang ay ang pagiging komportable at ligtas sa kaniya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pansin ko ang pagbabago sa aking nararamdaman, kung noon ay nanginginig ang aking mga tuhod sa t’wing siya’y nariyan, sa kasalukuyan ay ang tanging nararamdaman ko lamang ay ang pagiging komportable at ligtas sa kaniya.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili, siguro ay dahil ito sa madalas naming pagkakasama at unti-unti ko na siyang nakakabisado.

Sa maiksing panahon na aming pinagsamahan ay nakalimutan ko na kaagad ang pinakadahilan kung bakit ko siya kasama sa kasalukuyan, at ito ay ang ibinyag ang kaniyang tunay na pagkatao, ngunit ano na lamang ang aking gagawin gayong pati siya ay hindi alam ang kaniyang pinagmulan. Ang nalalaman ko lamang sa ngayon ay hindi siya isang masamang tao kagaya ng aking inakala.

Ngunit kahit sabihin ko iyon kay ama ay hindi niya ako paniniwalanan, balewala ang lahat ng aking ginawa kung sa aking pagbabalik ay hindi ito tatanggapin ni ama.

Palagi siyang may naisasagot at nairarason sa lahat, kung sasabihin kong sa mga panahon na kasama ko siya ay wala siyang ginawang mali o masama, ang alam kong kaniyang magiging sagot ay baka ito ay balatkayo lamang. Napabuga ako ng hangin.

“Kaser ano ang tingin mo sa iyong sarili?” Tanong ko habang patuloy pa din sa paglalakad pabalik sa bayan ng Kamatchya.

“Ang tingin ko sa aking sarili ay... masama... dahil buong buhay ko ay palagi lamang akong nakatago, at kapag naman ako’y lumalabas ay ang kanilang mapanghusgang tingin ay agad na nalilipat sa akin. Wala pa naman akong ginagawa ngunit ang tingin na nila sa akin ay masama...” pumikit siya’t umiling.

Noong magdilat ay nakangiti na siya at nagpatuloy, “Siguro ay mayroon silang alam patungkol sa akin kaya ganoon sila... nakakapagod nang marinig ng paulit-ulit ang kanilang kasinungalingan...”

“Ikaw Shamara, anong tingin mo sa akin?” Pagbabakik niya ng tanong.

“Sa tingin ko’y isa kang... mabuting tao noong makasama na kita... ngunit noong hindi pa ay... isa kang masamang tao para sa akin,” nahihiya akong tumingin sa kaniya ngunit nginituan niya lamang ako.

“Ikaw Shamara, anong tingin mo sa iyong sarili?” Tanong niyang muli.

“Hindi ko masasagot ‘yan sa ngayon...”

Nagpatuloy kami sa paglalakad at nagpalipas ng gabi sa isang sulok ng Kamatchya. Nais ko mang pumunta sa tahanan ni Mi-Hi ay hindi ko na ito magawa. Pinipigilan ako ni Kaser dahil madami na ang nagawa ni Mi-Hi para sa amin.

Noong makarating kami sa Zinambra ay agad naming naagaw ang atensyon ng lahat. Nagulat ako at nagtaka, ngunit noong sandaling naalala ko na normal na sa aming bayan ang ganito ay akin na itong ipinagsawalang bahala.

Nagsimulang magbulungan ang ilan ngunit sinugurado nilang hindi namin ito maririnig. Nginitian ako ni Kaser at bumulong, “Sanay na ako. ”

Napabuga na lamang ako ng hangin. Dinala kami ng aming mga paa sa lugar na una kaming nagka-usap ng maayos, sa isang bundok kung saan pareho naming nanaisin na doon na lamang manirahan, malayo sa mga taong mapanghusga.

“Kaser... ano ang nararamdaman mo kapag kasama mo ako?” Bigla ay tanong ko.

“Pakiramdam ko’y kailangan kitang protektahan kahit ano man ang mangyari sa akin. Sa’yo ko lamang naramdaman ito... ikaw lamang ang nagparamdam sa akin ng ganito,” aniya

Nasa harapan siya ng bangin at ako’y nasa kaniyang likuran, mabilis akong naka-isip ng ideya ngunit iniling ko na lamang ito.

“Shamara... may nais akong sabihin ngunit wala akong lakas ng loob sa ngayon, siguro ay sa susunod na pagkakataon na lamang, sa eksaktong panahon at lugar.”

“Kaser...” bulong ko noong maalala na hindi ko na kailan man malalaman ang kaniyang pagkatao dahil pati siya’y sumuko na rito, ang lahat ng aking plinano ay mapupunta sa wala kung hindi ko ito gagawin. Dumagdag pa sa aking dahilan ang alam kong magiging sagot ni ama.

“Ang tingin ko sa aking sarili... Kaser ay... isang masamang tao.” Nagtatakang tumingin sa akin si Kaser habang nanginginig kong itinaas ang aking mga kamay at itinulak siya sa bangin.

Nanlaki ang aking mga mata at sunod-sunud na nagbagsakan ang aking mga luha, hindi ko na inabala ang aking sarili na tumingin sa bangin dahil alam kong mas lalo lamang akong masasaktan. Tumakbo ako papunta sa aming kabayo at pinatakbo ito papababa, patungo sa aming tahanan.

Halos hindi ko na makita ang aming dinadaanan dahil sa aking mga luha, naiisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni Mi-Hi kapag nalaman niyang inihulog ko sa bangin ang taong kaniyang inalagaan, binigyan ng pagmamahal at itinurin na kaniyang sariling anak. Napahawak ako sa aking kasuotan at lalong napa-iyak.

Humahagulgol akong naglakad papasok sa aming tahanan, napansin iyon ni ina at mabilis niya akong niyakap. “Ano ang nangyari Shamara, hmm? Sabihin mo kung ano ang ginawa sa’yo ng Kaser na iyon upang mapa-iyak ka ng ganiyan, anak ko sabihin mo...” pati siya ay nagsimula na ring umiyak.

Nakita kong papasok si ama, agad akong tumakbo sa kaniya at nanghingi ng tawad dahil ako’y binabalot ng takot sa aking nagawa.

“A-ama... napatay ko si Kaser... ama,” pati ako’y hindi ko na maintindihan ang aking sinasabi, ngunit tila naintindihan iyon ni ama dahil sa paglaki ng kaniyang mga mata.

“Shamara... ano ang ginawa mo?” Napalunok ako.

“Ama... patawarin niyo ako.... nakapatay ako ng tao... itinulak ko si Kaser sa bangin pagkatapos niya akong protektahan...” kay ama ako humihingi ng tawad kahit na alam kong kay Kaser ako nagkamali, siguro ay masyado ko lamang talagang kabisado ang aking ama.

“Shamara! Wala akong anak na mamamatay tao! Dahil sa walang kwenta mong galit o kung ano mang iyong naiisip o nararamdaman ay nakapatay ka ng tao... nasa tamang pag-iisip ka ba!? O hindi ka lamang talaga nag-iisip!?”

Paano ako hihingi ng tawad kay Kaser kung siya’y wala na? Napakalalim ng bangin na kaniyang hinulugan.

Itutuloy. . .

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon