Kabanata 1

21 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa init ng sikat ng araw na direktang tumatama sa aking mukha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ako dahil sa init ng sikat ng araw na direktang tumatama sa aking mukha. Nagmamadali kong nilisan ang aking silid.

Kinuha ko ang pera na nakalagay sa gilid ng aming lutuan at nagmamadaling umalis papunta sa pamilihan upang ang mga sariwang gulay at isda ang aking mabibili. Sa umaga'y binabagsak ang mga gulay, isda, prutas at iba pa kaya sariwa pa ang mga ito, sa hapon ay unti-unting nauubos, at sa gabi naman ay nagsasara na ang lahat.

Matagal akong naglakad papunta sa pamilihan, at ng makarating ay laking pasasalamat ko na kakaunti pa lamang ang mga taong naroon, kadalasan sa ganito kaumaga ay nagsisimula ng mamili ang mga tao.

Dumeretsyo ako sa mga tindahan at binili ang lahat ng aking kailangan. Hanggang sa isa na lang ang natira dito.

Naglakad ako papunta sa bilihan ng pinakamurang prutas sa pamihilan, agad kong natanaw ang mga prutas na inaayos ng tindera habang inaasikaso ang isang namimili at ng makaalis ito ay atsaka 'ko binilisan ang paglalakad patungo doon.

"Magkano po ang isang tumpok ng prutas na ito?" Turo ko sa isa sa mga itinitinda niya. Ngumiti ang tindera at sinabing, “‘Yan ay tatlong put lima.”

Napatingin ako sa aking palad, 'tsaka muling binalikan ng tingin ang ale. "Bibilhin mo ba?" Tanong niya habang nakaturo doon sa mansanas.

"Pupwede bang kalahati lang niyan?"

"Bibilhin ko na 'yan," bigla ay ani ng kung sino, napatingin ako sa pinaggalingan ng boses.

Naiinis ko siyang nilingon, isang matangkad na lalaki ang bumungad sa akin, ngunit hindi sapat ang laki ko upang makita ang kaniyang mukha.

Ngunit ganoon na lang ang gulat ko noong bigla ay humangin nang malakas, lumuwag ang pagkakahawak ko sa aking pera na siyang naging dahilan para lumipad ito.

Kasabay ng paglakad ko patungo kung nasaan naroon ang nilipad kong pera ay siya ring paglakad ng estrangherong iyon papunta sa kung saan ako patungo, bigla ay mabilis niyang tinakbo ang pera at binagalan ang paglalakad nang malapit na siya doon dahilan para mapahinto ako.

Ngumisi ako't mas mabilis na tumakbo patungo sa kung nasaan siya't binangga ang balikat niya 'tsaka ko nagmamadaling kinuha ang pera na nasa lapag at mayabang na tinignan siya.

Pero nagtaka ako ng pumunta siya sa ibang direksyon at may pinulot doon.

Mula sa pwesto niya, ng umupo siya para kuhanin iyon ay 'tsaka ko lang nakita ang kaniyang kabuuan, itim ang lahat ng suot niya, ang nakapagtataka ay mayroon siyang maskara na hanggang sa dulo ng kaniyang matangos na ilong, dahilan para ang mata, butas sa ilong at labi niya lamang ang aking makita. Bukod doon ay mayroon rin siyang mahabang buhok, ang kabuuan niya'y pinakatitigan kong talaga.

Bumalatay ang pagtataka sa aking mukha. Sa init ng panahon ay nakakaya niyang magsuot pa ng maskara at napakahabang damit gayong ako nga na maikli na ang mga manggas ay hindi pa din natitiis ang temperatura.

Noong makatayo siya ay agad siyang tumingin sa akin, pinanlisikan niya ako ng mga mata tapos ay dumeretsyo sa ale.

Doon ay napagtanto kong ang pinulot niya kanina ay isa ding perang papel, kasing halaga ng akin. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa isip ko'y sinabi kong pinagtangkaan niyang nakawin ang pera ko.

Ngunit ng iabot niya ang perang iyon kasabay ng ilang barya na hindi ko alam kung saan niya dinukot ay muli akong nakaramdam ng galit.

Kita ko kung papaanong ibinalot ng ale ang mansanas at ibigay iyon sa lalake.

"Ako ang nauna sa mga mansanas na iyan, bakit sa kaniya niyo ibinigay?" Tanong ko habang naglalakad patungo doon.

Ngumiti ang ale, "Nauna siyang magbayad iha," itinuro niya ang estranghero. "At mukhang hindi kakasya ang pera mo para sa isang tumpok." Dagdag pa niya.

Tinignan ko ang itinuro niya at ng makita ay sa akin na agad nakabaling ang atensyon niya. Binigyan niya ako ng isang ngisi na nagpakulo nanaman ng aking dugo.

Lalakad na sana ako paalis nang marinig siya, "Ano ang pangalan mo?"

"Bakit?" Muling akong humarap para makita niya ang pagkakakunot ng aking noo.

"Sa iyo na 'to," aniya tapos ay naglakad patungo sa direksyon ko, ng marating ay agad niyang kinuha ang kamay ko para doon ipahawak ang nakabalot na mga mansanas 'tsaka niya hinablot ang hawak kong pera at kampanteng umalis habang ako'y naiwan ng nakanganga.

Napatingin ako sa ale, ganun na lang ang laki ng ngiti niya sa mukha.

Matapos ang pangyayaring iyon ay lumakad na ako paalis at umuwi na dahil tapos na akong mamili.

"Oh, bakit ngayon ka lang nakauwi?" Bungad sa akin ni ina habang naghahanda na magtimpla ng tsaa.

Nginitian ko siya, "May nangyari lang na hindi maganda sa pamilihan, ina." Paliwanag ko habang isinasaayos ang aking mga napamili.

Nagtataka akong tinignan ng aking ama, kunot na kunot ang kaniyang noo at nakapatong ang isang kamay sa kaniyang tuhod. Sa paraan niya ng pagkakatitig sa akin ay parang alam niya na ang naging sanhi kung bakit ngayon lang ako nakauwi.

"Maupo ka," at iyon na nga ang aking hinihintay na sabihin niya, hininto ko ang aking pagaayos at sinunod ang kaniyang sinabi.

Itinago ko ang aking mga kamay sa ilalim ng aming maliit na lamesa atsaka ko siya tinignan sa mata.

"Nakita mo ba ang lalaking nakamaskara?" Ganun na lamang ang gulat ko nang itanong niya iyon, ang kaninang takot na nararamdaman ko ay napalitan ng pagtataka, ang mga mata ko'y nagtatanong.

"Sagutin mo ako," lalo akong natakot sa paraan niya ng pagsasalita.

"Oo ama," sinikap kong hindi mautal at nagtagumpay naman ako, yumuko ako't tumungin sa aking mga kamay na ngayon ay nanlalamig na. Ang paraan niya ng pagsasalita ay hindi iyong normal, oo't nakakatakot na iyong normal para sa mga taong bagong nakakasalamuha niya lamang, ngunit hindi ko alam na mayroon pa palang mas maikakatakot pa iyon.

Nagbuga siya ng isang malalim na hininga kaya muli akong napatingin, ang tingin niya'y napako sa lalagyan namin ng espada. Dumagdag nanaman ang mga tanong na nabubuo sa aking isipan.

Matapos ang usaping iyon ay puros buntong hininga ang naririnig ko mula sa aking ama sa t'wing ako'y napapatingin sa kaniya.

"Bakit may mansanas dito?" Napalingon ako sa aking ina nang sabihin niya iyon.

"Idinagdag ko po iyan sa aking mga binili, ina," ngumiti ako.

"Hindi ba't kulang ang perang dala mo upang makabili pa ng isang tumpok ng mansanas?" Takang tanong niya.

"Naawa yata sa akin ang nagtitinda kaya dinagdagan niya ang mansanas," pagsisinungaling ko.

Nang gabing iyon ay naglayag ang isipan ko, hinahanapan ng sagot kung bakit naging ganun ang reaksyon ng aking ama, kung bakit nakamaskara ang lalaking aking nakita sa pamilihan, hindi ko malaman kung bago ba siya sa bayan o hindi dahil ngayon pa lamang ako nakakita ng isang tao na nakamaskara, ang mas lalo pang nakakapagtaka ay kakaunti lamang ang tao na naroon para mamili kanina, at matapos kong makipagsalamuha sa lalaking nakamaskara ay halos lahat ng aking madaan ay pinakatitigan akong talaga na para bang may ginawa akong mali para makita ko ang awa sa kanilang mga mata.

Nakatulog ako ng hindi man lang nasagot ang isa sa mga tanong ko sa isipan, hindi ko mahanapan ng sagot kahit anong pag-iisip ang gawin ko.

Itutuloy. . .

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon