Kabanata 16

0 0 0
                                    

Nagpalipas kami ng gabi sa labas ng lugar na iyon upang bantayan ang paglabas ng estranghero, ngunit kahit na anino niya ay hindi namin nakita, hindi namin ininda ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao na sa amin ay nakakakita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagpalipas kami ng gabi sa labas ng lugar na iyon upang bantayan ang paglabas ng estranghero, ngunit kahit na anino niya ay hindi namin nakita, hindi namin ininda ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao na sa amin ay nakakakita.

Mabuti na lamang ay mayroong pabaon si Mi-Hi na pagkain kaya kahit na papaano ay nagkaroon ng laman ang aming mga tyan. Kinaumagahan ay agad akong ginising ni Kaser dahil nakatulog ako sa kaniya ng nakasandal. Humingi ako ng paumanhin dahil sigurado akong naging masakit ito.

Kakaiba ang nangyari ngayon, kung kahapon ay ako ang humihila kay Kaser papasok, ngayon ay nag-uunahan na kami upang doon ay kumain at tanungin na din ang nagpalabas sa amin kahapon.

Naupo kami mismo sa aming upuan kahapoon. Iba ang taong nagbigay sa amin ng pagkain, ngunit noong itanong ko kung nasaan ang lalaking naka-upo sa aming kinalalagyan ay hindi ito nagsalita at itinuro na lamang ang isang pinto.

Nagmamadali naming inubos ni Kaser ang pagkain, di alintana kung mainit pa ito dahil impormasyon ang dahilan kung bakit kami nasa lugar na ito. Ang mahabang paglalakad namin mula sa dulo ng Kamatchya hanggang sa lugar na ito ay hindi biro, ngunit wala kaming panahon upang maupo at manahimik kung gayong mayroon kaming kaunting nalaman.

Matapos kumain ay dumiretsyo kami sa pintong itinuro ng nagsilbi sa amin. Bumungad sa amin ang matandang nagpalabas sa amin kahapon na naka-upo at nakatitig lamang sa kawalan.

Ano ang ginagawa niyo dito sa aking silid?” Ang mga mata niya ay mabilis na lumipat sa akin.

Kunwari akong ngumiti, ngunut bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ng aking kasama, “Sino ang lalaking iyon kahapon? Sigurado akong siya’y natatandaan niyo.”

Pinagtaasan niya kami ng kilay, “Bakit? Ano ang kailangan niyo sa kaniya?” Hindi ako nakasagot dahil hindi ko nais na magbigay ng impormasyon sa taong hindi ko naman lubos na kilala.

“Mayroon kaming kailangan na itanong sa kaniya,” ani bigla ni Kaser.

“Nasaan ang tirahan niya?”

“Hindi ko sasabihin, hindi ko nais na sabihin, kung kaya’t umalis na kayo!” Galit na sagot niya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagagalit.

Matapos niya sumigaw ay mayroong tao na nagbukas ng pinto, “Ama, anong nangyayari?” Iyon ang lalaki kanina na nagturo sa amin kung nasaan ang nagpalabas sa amin kagabi.

Bigla ay hinila niya kaming dalawa ni Kaser papaupo sa lamesang aming pinanggalingangan kanina tapos ay isinara ang pinto ng silid ng kaniyang ama.

“Ano ba ang kailangan niyo?” Tanong niya.

“Kailangan naming malaman kung saan naninirahan ang matandang aming naka-usap kahapon.”

“Si Iyros ba?”

“Kung iyon ang pangalan niya ay siya nga.” Ani Kaser. Bigla ay napabuntong hininga siya. “Pasensya na... ngunit ang ama ko lamang ang nakakaalam kung saan siya naninirahan at sa t’wing mayroong nais na malaman ng kahit na anong impormasyon na mayroong kinalaman sa kaniya ay agad siyang nagagalit sa hindi namin malamang dahilan...”

“Wala munang papasok sa silid na iyon, maliwanag? Hindi ko siya sasaktan o ano man... mayroon lamang akong sasabihin sa kaniya na hindi niyo na dapat nalaman...” Tumango kami at mabilis na naglakad si Kaser patungo sa silid na iyon.

Napatingin ako sa kabuuan ng lugar, wala pa kaming ibang kasama. Napatingin ako sa pinto ng silid, iniisip kung ano ang sinasabi ni Kaser sa matanda. Sumagi na din sa aking isipan ang makinig sa kanilang usapan ngunit ayaw ko ng maulit muli ang nangyari ilang araw pa lamang ang nakalilipas.

Naiisip ko pa lamang na mararamdaman kong muli ang takot sa kahit na anong ginagawa niya ay nangangamba na ako para sa aking sarili.

Maya maya pa’y biglang bumukas ang pinto at bumungad dito ang umiiyak na mukha ng matanda, “Halika’t pumasok ka Amara,” halos hindi ko na maintindihan ang kaniyang sinabi dahil sa paulit-ulit niyang paghikbi dahil sa kaka-iyak.

Alanganin akong naglakad patungo sa silid, paulit-ulit din akong lumilingon sa kaniyang anak ngunit sinesenyasan niya lamang akong dumiretsyo.

Noong makatapak ako sa loob ng silid ay agad na isinara ni Kaser and pinto at nginitian ako, tila sinasabing ayos lamang ang lahat at wala siyang ginawang mali o makakasama sa lahat.

“Si Iyros ay isang tao na pumupunta lamang dito kung kailan niya gusto, uminom siya ng alak at nakatulog noong maka-usap niya kayo kung kaya’t posible na hindi niya kayo maalala.” Aniya habang nakatingin sa kawalan, tila mayroong nakikita roon.

“Ang tahanan niya ay nasa itaas ng isang bundok,” bumuntong hininga siya. “Pumupunta lamang siya dito upang uminom...” tapos ay mayroon siyang kinuha na papel mula sa gilid ng kaniyang higaan at doon ay nagsimula siyang gumuhit.

“Ito ang magsisilbing gabay niyo upang mapunta kayo sa kaniyang lugar, sa inyong madadaanan ay wala kayong makikitang tao kung kaya’t gugustuhin niyong magbaon ng madaming maiinom at makakain dahil sigurado akong kayo ay magugutom...

Kung ano mang impormasyon ang nais niyong itanong o makuha kay Iyros ay maipapayo kong mag-ingat kayo sa kaniya... hindi siya ganoon kainosenteng tao upang surpresahin niyo siya sa kaniyang tahanan, mag-matyag kayo sa inyong paglalakbay patungo sa kaniyang bundok, kayo ay mga estranghero lamang para sa kaniya kahit na mukhang mayroon siyang nalalaman patungkol sa inyo. Tinulungan ko lamang kayo dahil sa alam kong kabutihan ang inyong hangad...” nagseryoso siya.

Nakapagtakang madami siyang alam patungkol kay Iyros, ano ang ibig niyang sabihin sa hindi siya ganoon kainosente at kailangan naming mag-ingat?

Matapos gumuhit sa papel ay ibinigay niya na ito kay Kaser at sinenyasan na kaming umalis. Sa paglabas ay nakita namin ang kaniyang anak, tila naghihintay. Nginitian niya kami, “Ito ang pagkain para sa inyo, hindi niyo na kailangang magbayad dahil palagi namang may sobra ang pera ni Iyros kung kaya’t ituturing ko na lamang kayong kaibigan niya.”

Nagpasalamat kami bago tuluyang umalis. Dala-dala ang aming kabayo ay tinahak namin ang landas na nasabi ng mapang iginuhit ng matandang iyon.

Itutuloy. . .


Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon