Wakas

5 1 0
                                    

"Shamara

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Shamara..." ani ama noong magmulat ako ng mga mata.

Siya ay nasa aking gilid at patuloy sa pagsuklay ng aking mga buhok gamit ang kaniyang mga daliri, mabilis akong napa-ayos ng upo.

"Ano iyon ama?"

"Si Kaser... kilala ko ang kaniyang mga magulang," walang reaksyong aniya habang ako'y gulat.

"Kung mayroon nga kayong alam ay ano ito?" Pinili kong manatiling kalmado dahil hindi ko nais na makapagsabi ng masasakit na bagay lalong lalo na sa aking ama.

"Ang mga magulang ni Kaser... paano sila nagkakilala... halos lahat patungkol sa kaniya," lalong nanlaki ang aking mga mata at bumagsak ang mga balikat.

"Si Maximus at Geb ang mga magulang ni Kaser. Ang kaniyang ama ay sikat dahil sa paggawa niya ng maskara habang si Geb ay binenta sa akin ng kaniyang mga magulang dahil sa kawalan ng kanilang pera upang mabuhay...

Si Geb natuwa pa noong maibenta siya dahil nakawala na siya sa tila kulungan nilang tahanan, hindi ko malaman kung tahanan ba ang tawag sa lugar kung saan palagi kang pinapahirapan at sinasaktan... si Geb ay isang malakas na babae... hindi na ako nagtaka noong kinaya ni Kaser ang mabuhay ng mag-isa.

Binantayan ko si Kaser simula noong siya'y isang paslit... wala aking sapat na lakas ng loob upang lapitan siya at sabihing siya'y aking kukupkupin... nais kong humingi ng tawad sa kaniya, at ang unang hakbang ko ay ipaglapit kayong dalawa... ginamit kita Shamara... anak ko ginamit kita," bigla ay naluha siya.

"Sinadya kong paglapitin kayo ni Kaser upang hindi niya maramdaman na siya'y nag-iisa at buhat niya ang buong mundo sa kaniyang mga balikat, ngunit hindi ko inaasahan na mayroon pala siyang kasama..." dagdag niya pa.

"Ama! Ano ang nangyari sa mga magulang ni Kaser?" Mahinang tanong ko matapos mapagtanto ang lahat ng kaniyang nasabi.

"Sila'y... namatay," kaswal na aniya, tila hindi ito mahalagang bagay para sa isang tao. Naalala ko ang sinabi ni Iyros, ani niya'y mayroong isang grupo na pinanghahawakan ang aking ama ngunit ngayong siya ay umaanin ay wala siyang sinabi patungkol dito. Ngunit sa aking sitwasyon at nalalaman ay sigurado akong kaya ko muna iyong isantabi.

"Bakit ngayon mo ito sinasabi!?" Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Ama! Isang taon na ang nakalilipas noong huli kong makita si Kaser! Kung ganoong may alam ka bakit hindi mo kaagad sinabi! Ama..."

"Shamara wala na si Kaser! Ano pa ang magagawa mo ngayon!?" Umiling ako.

"Buhay si Kaser ama... si Kaser ay buhay!"

"Shamara gumising ka! Matagal nang wala si Kaser wala na siya!"

"Ama... buhay siya..." tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa aming pinto.

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon