Ang buhay ni Shamara ay malapit na sa salitang perpekto, isang babaeng marunong lumaban, mag-isip at mabuting anak sa kaniyang mga magulang.
Ngunit matapos makakilala ng estrangherong may maskara ay nakumbinsi siya ng kaniyang ama na tanggalan ng ta...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pumunit ako ng isang parte sa aking kasuotan at bumalatay sa akin ang pakiramdam na ako'y nagkasala nang maalala ang mga sinabi ni Mi-Hi tungkol doon. Hindi ko man malinaw na makita ang aking nagdurugong sugat dahil sa nabitawan ko ang aking lampara ay nararamdaman ko naman ang kirot na binibigay nito kung kaya't madali ko iyong nagamit upang matigil ang pagdurugo.
Hindi ko alam kung magpapatuloy pa ako sa paglalakad o mananatiling naka-upo sa lilim ng puno, napalingon ako sa aking likuran, puros kadiliman ang naroon kung kaya't niyakap ko ang aking sarili at ipinatong ang ulo sa mga tuhod. Ang buwan ang nagsisilbing ilaw ko, ngunit dahil sa puno ay pati iyon ay hindi ko maaasahan. Bumigat ang aking mga talukap kung kaya't pinili kong manatili na lamang dahil sigurol sa pagod mula sa pagtakbo kay Kaser.
Nang mag-umaga ay agad akong nagpasalamat dahil sa ganoong pwesto at lugar ko pa din natagpuan ang aking sarili, ngayong maliwanag ay mas lalo akong nagpasalamat dahil natanaw ko ang isang sapa hindi kalayuan sa akin, pupwede akong uminom ng tubig mula doon dahil sa sobrang linaw at kung nagpatuloy ako kagabi ay siguradong may posibilidad na madisgrasya ako dahil sa mga bato doon.
Napabuga ako ng hangin, napagtanto ko na kung maalala ko man ang daan pabalik at makita si Kaser sa aming bayan ay ano ang magiging turing niya sa akin, at kapag nangyari iyon ay posibleng mag-iba ang lahat at masira ang lahat ng ginawa kong plano, masisira ko din ang tiwala ni ama dahil hindi ko ginawa ang aking mga ipinangako, gusto kong umiyak ngunit walang lumalabas na luha sa aking mata at wala akong magawa kung hindi ang tumitig na lamang sa kawalan.
Pakiramdam ko ay mapupunta lamang sa wala ang lahat dahil sa pagkakamali kong iyon, napasampal ako sa sarili. Matagal na akong naka-upo at noong tumayo ay tila mabilis din akong babagsak dahil sa aking paa at masakit na likod, mabuti't mabilis aking nakahawak sa puno, hindi ko kinalimutang kunin ang aking tanto na nakalagay pa din kung saan ko iniwan.
Ilang saglit pa ay dinama ko ang aking sarili at doon tumayo ng tuwid upang lumakad papunta sa sapang aking natanaw. Napangiti ako bago kumuha ng tubig gamit ang aking mga kamay at inumin, uhaw lang ang aking nararamdaman, ngunit alam kong mamaya ay magugutom na din ako.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, umaasang mayroon akong madadaanang puno na mayroong bunga at pupwedeng kainin. Ngunit ang lahat pag-asang iyon ay nawala noong lumingon lingon ako at nakitang puro berdeng dahon sa puno lamang ang narito. Muli ay naramdaman ko ang kagustuhang umiyak.
Nanatili akong nakatayo, hindi malaman kung anong direksyon ang aking tatahakin, bigla ay mayroon akong naramdamang kung ano sa parte ng aking paa, ngunit hindi ko iyon inintindi, maya maya pa'y ramdam ko na itong paparating sa aking tuhod at doon ay itinaas ko na ang aking kasuotan.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang ahas na gumagapang papataas sa aking katawan! Gusto kong sumigaw sa gulat at takot ngunit nangangamba akong mayroong makarinig at agad akong mahanap. Sa pagkakataong iyon ay blangko ang aking isipan at paulit-ulit ko na lamang pinapatatag ang sarili tapos ay mapapapikit dahil sa pag-ikot nito sa aking tuhod habang inilalabas ang kaniyang dila, tila pinalalala ang aking kaba.
Noong alam kong patuklaw na ang ahas na iyon ay kusang gumalaw ang aking kamay upang tanggalin ang takip ng tanto at saksakin ang ito. Sa ahas ay takot ako, ngunit bakit hindi ako takot sa aking sarili, sumama ako kay Kaser dahil sa utos ng aking ama na mayroong posibilidad na siya'y aking mapatay?
Ipinikit ko ang mga mata nang maramdaman ang panlalambot ng mga tuhod dahil sa sobrang kaba, mataas na ang araw at simula nang magmulat ako ay wala pa akong ibang nailalagay sa aking bibig maliban sa tubig na hindi sapat upang punan ang aking gutom.
Tinanggal ko ang ahas na naiwan sa aking tanto at dumiretsyo sa sapa upang hugasan ito doon, iniwan ko ang ahas na iyon sa kung saan dahil sa takot at hindi pag-iisip na maaari ko iyong makain.
Naisipan ko na lamang na maupo at maghintay na maabutan ni Kaser kahit na alam kong posible ko nang hindi makita ang susunod na pagsikat ng araw kapag ako'y naabutan niya, kahit na hindi ko alam kung paano siya magalit.
Gusto kong saktan ang sarili sa ginawa na wala naman sa plano at hindk dapat na nangyari kung hindi ko pinairal ang maiksi kong pasensya, pero ngayon ay alam kong walang magagawa o maitutulong ang pananakit sa sarili at makadaragdag lamang sa sakit na aking nararamdaman.
Inabutan na ako ng dilim na puro tubig lamang ang iniinom, hindi ko malaman kung dapat ba akong malungkot na wala aking makain at may pumipigil sa akin upang manghingi ng tulong o maging masaya na lamang dahil hindi pa ako nahahanap ni Kaser.
Bumagsak na din ang ulan galing sa madilim na kalangitan at tanging ang puno lamang ang aking silong, ang puti kong damit ay puro na dumi, nakadagdag din ang dilim sa nararamdaman kong takot. Si ama at ina, ang kagustuhan nilang manatili akong buhay sa oras na alam nilang kasama ko si Kaser ay sapat na para sa akin upang hindi ko kitilin ang sarili.
Isang beses ko pang nakita ang pagsikat at paglubog ng araw na wala pa ding kinakain at ang sakit na idinudulot ng aking sugat ay nagpapalala ng aking pakiramdam.
Bumibigat na ang aking mga talukap noong may marinig akong kung ano mula sa malayo, tila tumatakbo, ngunit hindi ko iyon pinagtuunang pansin at sa halip ay naghanap na lamang ng mas komportableng pwesto sa ilalim ng lilim ng malaking puno.
Noong magmulat ako ay nakita ko ang likod ng isang lalaki, kahit na hirap ay agad akong napatayo nang makita ang isang malaking lobo sa harap ng lalaking iyon. Agad akong nanghina at mabilis ding bumagsak.