Kabanata 15

0 0 0
                                    

Hindi naging madali para sa akin ang muling sumakay sa kabayo, dahil ang kamay na aking nasugatan ay ang nakasanayan kong gamitin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi naging madali para sa akin ang muling sumakay sa kabayo, dahil ang kamay na aking nasugatan ay ang nakasanayan kong gamitin.

Paulit-ulit akong humingi ng paumanhin kay Kaser dahil sa pangamba na aking naidulot sa kaniya, wala din akong naiambag sa pakikipaglaban kahit na mayroon naman akong alam patungkol dito.

“Tila kilala nila ang aking ama...” napatitig ako sa kawalan at agad-agad na bumalik ang aking pangamba.

“Ano ang sinabi sa iyo ng lalaking iyon?” Aniya, bakas ang kuryosidad sa mukha.

“Ang sinabi niya ay anak daw akong tunay ng aking ama, wala din daw akong takot, siguro ay hindi niya nakita kung paanong nanlambot ang aking mga tuhod dahil abala siya sa pagtitig sa aking mukha.” Paliwanag ko, buntong hininga na lamang ang kaniyang naging sagot.

Hindi ko namalayan na mayroong hawak si Kaser na mapa, hindi ito kalakihan ngunit tama lamang upang makita naming dalawa ang tamang direksyon kung saan kami dapat na magpunta.

Sa loob ng tila gubat na lugar na iyon ay si Kaser lamang ang nag-iisip at gumagawa ng paraan upang maka-alis kami, nais kong tawanan ang sarili dahil sa wala man lamang akong tamang nagawa simula noong kami’y makaalis sa Zinambra. Isa lamang akong pabigat sa kaniya, dagdag sa sakit ng kaniyang ulo habang naglalakbay, kung hindi dahil mayroon akong dalawang dahilan upang sumama ay hindi ako mapupunta sa ganitong sitwasyon.

“Nais mo bang ikaw muna ang maupo dito? Ikaw na ang lumaban kanina, hindi ko nanaisin kung lalo ka pang mapagod,” suhestyon ko. Dahil sa alam niya na hindi pipilitin ko lamang siya kung sasagot siya ng hindi ay agad siyang tumango at inilapit muna kami sa isang puno upang itali ang kabayo.

Binuhat niya ako upang ako’y mabilis na makababa na agad na nagpa-init ng aking buong mukha, hindi muna ako humarap sa kaniya ngunit ramdam ko na mabilis siyang nakasakay sa kabayo.

Kinalabit niya ako, “Koi?”

Hinarap ko siya nang nakangiti, agad kong kinuha ang mapa mula sa pagkakahanap niya at nagkunwaring tinignan ito, mayroong apat na nakasulat sa bawa’t sulok ng papel, hilaga, silangan, timog at kanluran ang mga nakasulat doon.

Ako’y napakagat sa aking pang-ibabamg labi dahil wala akong alam sa kung paano tumukoy ng direksyon, nais ko na lamang na lumubog sa lupa dahil sa kahihiyan. Mabagal akong napa-angat ng tingin kay Kaser, ang mukha niya’y tila malapit ng sumabog dahil sa laki ng kaniyang pisnge, pinuno ng hangin ang bibig upang hindi makatawa.

Magka-ipit ang labi niyang kinuha pabalik ang mapa. Tinanggal ko naman sa pagkakatali ang kabayo. Itinakip niya ang mapa sa mukha at doon ay mahinang tumawa. Nais ko siyang hampasin ngunit mas umapaw ang pagpapasalamat ko sa kaniya dahil sa kanina.

Siya ang naturo kung saang direksyon kami dapat na pupunta. Maya maya pa nga’y natunton na namin ang isang bayan, kakaunti lamang ang tao na bumungad sa amin, bilang lamang sila sa aking mga daliri.

Bumaba na mula sa pagkakasakay si Kaser at kinuha sa akin ang kabayo, siya muli ang naunang maglakad, nakarating kami sa isang lugar, mukha itong luma at wala sa ayos, itinali ni Kaser ang aming kabayo sa isang puno, nakahilera ang mga ito, sa bawa’t isa ay mayroong kabayo ang nakatali.

Noong pumasok kami isang mahabang daanan lamang ang naroon, tinahak namin iyon at habang mabagal kaming naglalakad, pinakiraramdaman ang paligid, ay mayroon kaming naamoy, amoy iyon ng pagkain, sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan ang aking sarili, agad akong nagmadali habang hila si Kaser.

Bumungad sa amin ang isang hardin, madami ang tao doon, lahat ay mayroong kasama at hindi ganoon kaingay, wala ng bakanteng lamesa, ngunit mayroon akong nakita na isang lalaki, siya lamang ang nag-iisang walang kasama sa lugar na iyon kung kaya’t dali-dali akong naglakad papunta sa kaniya.

Batid kong nais akong pigilan ni Kaser ngunit hindi niya ito magawa dahil sa hindi ko malamang dahilan. Noong makalapit ako sa mesa ng matanda ay binitawan ko na si Kaser, narinig ko ang kaniyang buntong hininga, marahil ay iniisip na niya ang posibleng mangyari.

Ngumiti ako sa matandang iyon, mayroon siyang isinensyas sa kawalan at pinakita ang dalawa niyang daliri. Maya-mayabpa ay mayroong dalawang tao ang dumating, may dala silang dalawang upuan, iyong kagaya din ng inuupuan ng matanda at inilagay iyon sa harap niya. Binigyan din nila ito ng isang bote na sigurado akong naglalaman ng likido. Naupo kami ni Kaser.

“Ang ama mo ay mayroong grupong pinanghahawakan noon, ngunit noong maisilang ang iyong kapatid ay tumigil na siya sa lahat ng iyon,” putol putol na aniya, dahil siguro sa epekto ng alak.

Hindi ko malaman kung totoo ba ang kaniyang mga sinabi o hindi, dahil imposible sa isang tao ang makakilala kaagad ng estranghero na hindi pa niya nakikita sa kaniyang buhay.

Bigla ay itinuro niya ang aking kasama gamit ang kaniyang panggitnang daliri, “Si Maximus ang gumawa ng maskarang iyan... at ibinilin niya ma ibigay iyan sa kaniyang magiging anak.... kung siya’y magkakaroon man... si Lieus ang nakita kkng huling tao na kumuha niyan...” bumibigat na ang talukap ng kaniyang mga mata at ilang saglit pa ay tuluyan nang bumagsak ang kaniyang ulo sa lamasa.

Nakakagulat na alam niya ang pangalan ng aking ama, nagdadalawang isip ako kung tunay nga ba o hindi ang kaniyang mga sinasabi dahil talagang imposible. Hindi ko mawari kung paano niya itong nagawa kung siya’y nagsisinungaling man.

Posible ding isa siya doon sa mga tao na nagmamasid sa amin sa kalayuan, ngunit gaya ng sabi ni Kaser ay tatlong pares lamang iyon ng mga mata... Ngunit bakit niya kilala ang aking ama? Ano ang koneksyon niya dito?

Muling nabuo ang aking kuryosidad, dumagdag ito sa dahilan upang magpatuloy akong sumama sa paglalakbay ni Kaser.

Tatangkain ko sana itong itaas upang gisingin siya at tanungin ngunit mayroong kamay ang agad ma pumigil sa akin, sinundan ko gamit ang mata ang pinanggalingan nito at bumungad sa akin ang isang matandang lalaki.

Umiling siya ngunit ginamit ko ang aking isapang kamay upang magtangka ngunut agad niya din akong nahuli, “Ano ba ang problema niyo? Nais ko lamang siyang tanungin!”

Matapos ang sigaw na iyon ay natagpuan ko kaming dalawa ni Kaser sa labas ng lugar na iyon at nakatitig ng masama dito.

“Malaki ang posibilidad na mayroon siyang alam sa aking nakaraan... kailangan ko siyang maka-usap... alam niya ang pangalan ng iyong ama at ilang impormasyon patungkol sa akin ama, sapat na iyon upang masabi kong mayroon siyang masasagot sa aking mga tanong patungkol sa aking pagkatao...” kagat na ni Kaser ang kaniyang daliri at nagpapabalik balik ng lakad.

Maski ako ay iyon ang naiisip, mayroon nanamang tanong ang nabuo sa aking isipan,  at napagtanto kong hindi ko ganoon kakilala ang aking sariling ama...

Sino ka ba talaga, Aelius? Aking ama...

Itutuloy. . .

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon