Noong matanaw na namin ang isang tahanan sa itaas ng bundok ay nagkatinginan kami ni Kaser tapos ay magkasabay kami na ngumiti.
Kasing laki lamang ng aming tahanan ang aming naabutan, inasahan namin na naroon siya sa labas ng kaniyang tahanan ngunit tila walang tao ang bahay na iyon.
Wala kaming magawa kung hindi ang pasukin na lamang ito ng walang paalalam, agad kaming kinabahan noong makakita kami ng isang tao na nakahiga sa sahig.
Agad namin itong inayos ng posisyon at nakita ang mukha ng taong aming hinahanap, ang aming mga takot ay agad na nawala noong mapansing siya ay humihinga pa.
Mahabang panahon kaming naghintay sa kaniyang paggising, pababa na ang araw noong siya’y magmulat.
“Bakit kayo naritong dalawa?” Hindi pa siya dumidilat ay alam na niya ang aming presensya, nakakapagtakang hindi man lamang namin siya nagulat noong kami ang una niyang nakita noong siya’y magising.
“Narito kami upang magtanong sa’yo,” diretsyong ani Kaser.
“Umakyat kayo dito sa aking lugar para lamang magtanong?” Humikab siya matapos ay ngumisi na nauwi sa pagtawa. “Sino ba kayo?” Pagkukunwari pa niya, sa paraan ng kaniyang pagsasalita noong siya’y magising ay sigurado akong kami ay kaniyang kilala.
Agad ko siyang pinagtaasan ng kilay, “Hindi gagana sa amin ang inyong pagkukunwari... ngunit... ako si Amara, ang babaeng anak ni Lieus,” sa huli ay ako’y bumigay din. Mahinang natawa si Kaser at sinundan ito ni Iyros.
“Ikaw ano ang pangalan mo?” Bumaling siya kay Kaser.
“Ang pangalan ko ay Kaser,” ngiti niya, tila nagyayabang pa dahil sa ganda ng kaniyang pangalan.
Napairap ako, “Kilala mo pala ang aking ama?”
“Sinong ama?”
“Si Lieus,” nagtatakang sabi ko.
“Sa aking pagkaka-alala ay wala akong kilalang Lieus...” kunwari ay tumingin siya sa ibang direksyon at doon nag-isip.
“Sino si Maximus na gumawa ng aking maskara?” Si Kaser naman ang nagtanong.
“Sinong Maximus at Lieus ang inyong sinasabi?” Nanliliit ang kaniyang mga matang nakipag palitan sa amin ng titig.
“Si Lieus ang aking ama na sigurado akong inyong kilala at hindi ko malaman ang dahilan kung bakit niyo nga alam iyon... ngunit sino si Maximus, Iyros?” Mahinahon kong tanong, matagumpay na naitago ang aking umiinit na ulo dahil sa kaniyang patuloy na pagsisinungaling.
“Ang pasensya ko ay hindi kagaya ng sa lalaking kasama ko ngayon, kung kaya’t kung ako sa’yo ay titigilan ko na ang pagsisinungaling.”
“Hindi ako nagsisinungaling!” Sigaw niya. “Ano ang dahilan ng aking pagsisinungaling kung hindi ko naman kayo kilalala! Sino ba kasi ang nagsabi sa inyo ng tirahan ko!? At talagang napakalakas ng inyong loob na magpunta dito...” saglit pa siyang suminghap ng hangin bago kami titigan ng masama.
“Noong ika’y lasing... mayroon kang sinabi patungkol kay Maximus at Lieus... hindi mo ba talaga naaalala?” Sabat ni Kaser.
“Si Ra Mi-Hi at Ansel, kilala niyo din ba sila?” Bakas ang gulat sa mukha ng matanda, ngunit agad niya din itong naitago.
“H-hindi... hindi ko sila kilala...” tumingin siya ulit sa kung saan.
Nagkatinginan kami ni Kaser at doon ako napabuga ng hangin dahil hindi na namin malaman kung ano ang aming sasabihin upang mapagsalita si Iyros ng katotohanan.
“Paano kong masasabi ang totoo sa inyo kung wala naman akong nalalaman... patungkol kay Maximus, Ra Mi-Hi, Ansel at Lieus!” Tumayo na ako dahil sa kawalan ng pasensya at sinubukang saktan siya.
Ngunit bago pa dumapo ang aking kamao sa mukha ni Iyros ay agad na akong napigilan ni Kaser. Umiling siya at hinila ako papalabas.
“Hindi na siya magsasabi ng totoo... wala tayong pag-asa sa lugar na ito,” mariin siyang napapikit.
“Mas mabuti na lamang kung bumalik na tayo sa Zinambra... tama na ang sinayang nating panahon sa paghahanap sa impormasyong sigurado tayo na walang nais na magsabi sa atin.” Bakas ang kawalan ng kumpyansya sa kaniyang tono.
Noong magbalik kami sa loob upang magpaalam ay doon nagsalita si Iyros, “Sikat noon si Lieus dahil sa hindi malamang dahilan, si Maximus ay sikat dahil sa mga magagandang disenyo ng kaniyang mga maskara... at ang disenyo ng kay Kaser ay sigurado akong siya ang gumawa dahil sa ganda ng disenyo...”
“Patawad kung ako’y nagsinungaling sa inyo...” hindi siya sigurado kung siya ba ay ngingiti ako hindi dahil sa pagsusubok niyang gawin ito ngunit hindi nabubuo.
“Salamat dahil hindi ka natamaan ng kamao ni Shamara, dahil kung nangyari nga ay sigurado akong hindi ka na makakapagsalita at makakita,” ngiti ni Kaser.
Maya maya pa’y aming napagdesisyonan ng umalis dahil sigurado kaming mahaba pa ang aming gagawing paglalakbay pabalik sa aming bayan.
Tatlong bayan pa lamang ang aming napupuntahan ngunit nawalan na kaagad ng pag-asa si Kaser upang maghanap, siguro ay napagod na siyang maghanap at makarinig ng kasinungalingan gayong inpormasyon lamang ang kaniyang kailangan.
Napatingin ako kay Kaser na aking kasabay naglalakad habang hawak ang aming kabayo, hinawakan ko siya sa balikat at ngumiti, “Maayos ang ginawa mo sa ating buong paglalakbay... hindi man natin nahanap ang aking kapatid ngunit ako’y masaya pa din dahil mayroon kang natanggap na impormasyon patungkol sa iyong katauhan.”
“Salamat sa pagsama... Koi,” ngiti niya pabalik
“Napagod na akong maghanap ng taong tila ayaw namang magpakita. Bakit ayaw nilang malaman natin ang katotohanan? Ito ba ay dahil mayroong mas malalim na dahilan na nagdulot sa kanila ng sugat upang hindi nila ibigay sa atin ang impormasyong ating kinakailangan?” Nagtaka ako sa kaniyang mga sinambit.
“Ano ang sinasabi mo...?”
“Hindi ko ba nakwento na naka-usap ko si Mi-Hi noong ika’y mawala? Alam kong siya’y mayroing nalalaman ngunit ayaw niya lamang itong sabihin...
Si Mi-Hi ay isa sa mga taong nag-alaga sa akin noong ako’y wala pang kaalam-alam, isa akong bata na walang kahit ano kung hindi ang aking mga maskarang iba’t-iba ang laki, iyon lamang ang aking kayamanan.” Natawa siya sa sariling sinabi. Bakit tila pati ang kaniyang pagtawa ngayon ay naging magandang marinig para sa akin?
“Inalagaan ka ni Mi-Hi!?” Hindi ko inaasahan ang nalaman. “Bakit hindi mo siya nakilala kaagad noong tayo’y kaniyang lapitan?”
“Kagaya ng sinabi ko noon, ang tao’y tumatanda at nag-iiba ng anyo. Bata pa lamang ako noong ako’y tumakas mula sa kaniyang pangangalaga... isa akong malaking sakit sa ulo ni Mi-Hi ngunit hindi ko na iyon matiis kaya iniwan ko siya.
Wala akong natanggap na balita na ipinahanap niya ako, ngunit alam kong dahil ito sa alam niyang kaya kong mabuhay mag-isa sa oras na ako’y magkaroon ng isip, hinayaan niya na lamang ako. Sa ugali din ni Mi-Hi ay alam kong alam niya kung ano ang aking mga ginagawa at kung nasaan ako. Napakabuti niya,” umiling siyang nakangiti.
Napakasarap pagmasdan ni Kaser ng masaya, tila nakakagaan ito ng puso.
Itutuloy. . .
![](https://img.wattpad.com/cover/260846504-288-k428564.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind That Mask
RandomAng buhay ni Shamara ay malapit na sa salitang perpekto, isang babaeng marunong lumaban, mag-isip at mabuting anak sa kaniyang mga magulang. Ngunit matapos makakilala ng estrangherong may maskara ay nakumbinsi siya ng kaniyang ama na tanggalan ng ta...