REPORTER: HINDI sukat akalain ni Mang Tanio na bangkay ang matatagpuan nilang dalawa ng kanyang aso sa paghahanap ng pwedeng ikalakal na mga bagay sa loob ng isang abandonadong warehouse sa Sta. Lourdes street 342.
Ayon sa balitang ating nakalap, hindi tumitigil sa pagtatahol ang aso at pilit nitong hinihila ang laylayan ng pantalon ni Mang Tanio papunta sa isang sulok kung saan nakatumpok ang mga lumang plywoods. Nang kanya itong lapitan ay nakita niya ang katawan ng isang dalagang naliligo sa sariling dugo.
Kakapanayam lang natin sa mga awtoridad at ayon sa kanila, hinihinalang ginahasa muna bago pinaslang ang biktimang nakilala bilang si Angel Astrid Villarosas, isang estudyante sa Unibersidad de Bonaventura Esperanza- base narin sa ID na nakumpiska mula sa mga gamit nito.
Biglang tumigil sa pag-ikot ang aking mundo. Nanigas ang buo kong katawan at natigil ang aking paghinga. Mismong pagkurap sa sariling mga mata ay hindi ko magawa.
"Delaney." Hindi ko mahagilap ang aking sarili. I lost all my senses at pati kaluluwa ko'y bigla kong hindi maramdaman. Ano'ng nangyari? Bakit ko narinig ang pangalan ng aking kapatid sa balita?
"Delaney!" Angel Astrid Villarosas, iyon ang buong pangalan ni Astrid. Kapangalan niya ang estudyanteng natagpuang patay sa isang abandonadong warehouse sa Sta. Lourdes.
"Delaney, wake up!" Nanikip bigla ang aking dibdib. Ano'ng nangyari? 'Di ba kapangalan lang ni Astrid 'yong nasa TV? Eh, bakit biglang nanlata ang mga hita't binti ko? Bakit ramdam ko ang malaking batong nakaharang sa aking lalamunan? Bakit nanginginig ako?
"Delaney, come back to your senses, please!" No! This can't be happening! Hindi si Astrid ang nasa TV. Hindi!
"Delaney!" Lucas shouted loudly. I blinked thrice and faced my best friend. Nakita ko kung paano naglandas ang mga butil ng luha sa kanyang mga pisngi. He's crying.
"S-she's dead," he whispered. No! Hindi ako naniniwala. Paanong patay na si Astrid, eh, may usapan kaming magpapakasaya sa party niya? Uuwi siya. Naniniwala akong uuwi siya at ako ang masusurpresa dahil isang prank lang ang ginagawa niya all this time. Tama!
"W-who's dead?" I tried to look unaffected.
"Astrid is dead, Delaney! She's dead! Stop playing like you don't have any idea what's happening!" For some reason, a single tear fell from my left eye. Oh God! Don't believe on what Lucas and TV news reporter had said, dear self. Astrid is not dead. She's not dead!
"Delaney-"
"She's not dead, Lucas! Hindi totoo 'yang sinasabi mo! Hindi 'yan totoo!" pagmamatigas ko. I gulped nang muling naglandas ang luha sa aking mga pisngi. Oh God! Why am I crying? Why do I can't get rid this twinge of sadness engulfed within my heart? Hindi naman totoo ang ibinalita 'di ba? 'Di ba?
"D-delaney, please." Napaatras ako ng ilang hakbang. Napailing-iling ako habang pinagmasdan ang hitsura ni Lucas na nagmamakaawang paniwalaan ko. Hindi! Naikuyom ko ang aking mga kamay. What on earth am I doing? Hindi nga ba totoo ang nasa balita? O sadyang pinaniwala ko lang ang sarili kong hindi?
"Delaney." Nasapo ko ang aking bibig at napaluhod sa sahig. "N-no!" Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at inilabas ang kanina ko pa kinikimkim. Umiyak ako ng umiyak. Sobrang sikip na ng dibdib ko. Pakiramdam ko'y anumang segundo ay sasabog na ako. Gulong-gulo narin ang isip ko sa mga katanungan. Bakit? Bakit nangyari 'yon kay Astrid? Bakit siya pa? Ano'ng kasalanan ng kapatid ko?
"L-lucas, ang sakit!" hagulhol ko nang lumuhod sa'king harapan si Lucas. Unti-unti kong naramdaman ang pagyakap niya sa akin. Napayakap narin ako sa kanya. "Bakit ganito? Bakit lahat nalang ay kinukuha sa'kin?" Una, si Mama. Ngayon naman si Astrid. Wala na, wala ng natira sa'kin. Ano, tadhana? Masaya ka na? Masaya ka ng nakikita akong iniiwan at paulit-ulit na nasasaktan?
BINABASA MO ANG
Trinity's Law And Punishments
Mystery / Thriller[PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE] Limang taong nakapiit si Trinity sa lugar na hindi tukoy kung saan ang pagdurusa ay walang hanggan. Dahil sa sakit at galit na nadarama ng isang babaeng kilala sa pangalang Delaney ay natawag siya nito't n...