Chapter 10- Bloody Message on The Wall

177 4 0
                                    

I FRANTICALLY looked around. Kumunot ang noo ko. Mga bote ng alak, basyo ng mga chichirya at tira-tirang pagkain lamang ang nakikita ko. Nasaan na kaya ang mga taong 'yon? Ba't nila ako iniwan?

Kahit medyo nahihilo pa man ay tumayo na ako at naglakad papuntang kusina habang himas-himas ang leeg na sumasakit. Marahil dulot ito ng naging posisyon ko sa pagtulog. Tss. Agad akong lumapit sa refrigerator at kinuha ang pitsel saka nagsalin ng tubig sa baso.

Napapikit ako nang humagod sa'king lalamunan ang lamig ng tubig. Matapos kong uminom ay tumalikod na ako upang ilagay sa lababo ang bitbit kong babasaging bagay. Doo'y tumambad sa akin ang kulay dugong mga letrang nakasulat sa pader.

HOW'S YOUR LIFE AFTER ASTRID'S DEATH, KENNETH?

Nabitiwan ko ang baso. Bigla ko nalang naramdaman ang panginginig ng aking mga tuhod at binti. Tila nahimasmasan ako sa hangover. Sino'ng gago ang gagawa sa'kin ng prank na 'to? Bakit ito pa ang naisip ng mga kaibigan ko?

Lumunok muna ako bago nilapitan ang pader. Pigil-hininga kong hinawakan at inamoy ang mga letra. Holy shit! It's blood! Napaatras ako habang nanlalaki ang mga mata. Hindi na ako nagdalawang-isip pa't tumakbo ako pabalik sa sala.

"Ang tagal mong nagising, ah? It's already 2:25 am na kaya." Agad akong napahinto nang bumungad sa'kin ang isang nakaputing babae na nakakuwadrado pa ang paang naupo sa sofa. "Oh, what's with that face? Para ka atang nakakita ng totoong demonyo, ah?" Nagtiim ang aking panga.

"Sino ka?" singhal ko sabay bunot sa baril na nasa aking likuran at agad itong itinutok sa hindi kilalang babae. Napamura ako nang makitang hindi man lang ito natinag.

"Tss. Wala ka namang good manners. Gusto ko lang namang itanong kung may kilala ka bang Angel Astrid Villarosas." Namawis ang aking mga kamay at noo. Halos matuyuan ako ng laway nang marinig ang pangalang 'yon. Sino ba 'tong kaharap ko? Paano niya nalaman ang pangalan ng babaeng iyon?

"I-i know nothing about that person," I responded. Hindi siya kumibo at nanatiling nakatitig lamang sa'kin. Naaasiwa ako sa mga mata niya pero pilit ko 'yong tinatago. Kailangan kong malaman kung sino siya at ano pa ang alam niya. "Don't change the subject you cunt! I'm asking you who you are!"

The lady stood up and went straight to me. It was as if she did not noticed my gun pointed at her. I looked at her garments. Cack! Why didn't I discerned the blood spattered on it?

"How about Ralph Lacorta and Jayboy Aquino? Do you know them?" My breath entangled with my whizzing heartbeat. "And this thing?" I saw Ralph and Jayboy's necklaces. Holy shit!

"What did you do to them?" I was about to shot her when something hard smashed my ear. I could hear painful sound vibration inside. My nose discharged scarlet and I blacked out.

I WOKE UP. Nagising ako sa isang madilim na paligid. Where am I? Ginalaw ko ang aking leeg. Saka ko lamang napagtanto na sinakluban pala ang aking ulo. Cack! Binuka ko ang bibig ngunit hindi ko magawa 'pagkat binusalan pala ito.

Tinangka kong kumilos upang sana'y kalagin ang tali sa'king mga kamay ngunit nakagapos rin pala ang katawan ko sa inuupuan. Yati! Who the hell did this to me? Muli kong binalikan ang nangyari. Nasa bahay ako ni Ralph at nagising na nag-iisa. Nauuhaw ako kaya nagpunta sa kusina. Sa pader nakita ko ang nakasulat. Nagulantang ako't bumalik sa sala. Holy shit! That woman!

"Mukhang nagising na ang ating ikatlong panauhin." That voice! Siya nga ang kaharap ko bago ako nawalan ng malay. Ano ba'ng kailangan niya sa'kin? Sa'min?

"Good morning!" bati nito sa'kin nang alisin ang kostal sa ulo ko. "Tamang-tama ang pagising mo't gising pa ang mga kaibigan mo. Ayan sila, oh!" Agad nanlaki ang aking mga mata nang makita ang dalawa kong kaibigan.

"Ralph! Jayboy!" sigaw ko matapos ding alisin ng babae ang panyong nakatali sa'king bibig.

"Kenneth!" they simultaneously responded. Uminit ang ulo ko at sinamaan ng tingin ang babae.

"Alisin mo ang panyo sa kanilang bibig ngayon din!" pabulyaw kong utos sa nakaputing babae ngunit tinawanan lang ako nito. Umusok ang ilong ko. "Ano'ng tinatawa mo diyan? Ang sabi ko, alisin mo ang mga nakatali sa kanilang bibig! Nakakaintindi ka ba-"

Halos mabaklas ang buong ulo ko nang ginawaran niya ako ng isang malakas na upper cut. Kung hindi lang ako nakatali sa inuupuan ay siguradong nalagpak na ako sa sahig. Pansamantalang lumabo ang aking paningin kaya panay ang alog ko sa'king ulo. Damn her!

"Ang kapal naman ng mukha mong utusan ako, Kenneth. Sayang, cute ka pa naman sana," she seductively whispered and caressed my cheek with the back of her fingers. "Wala akong ibang sinusunod kun'di ang utos ng aking boss."

Napalunok ako. Halos mapasingap ako sa patuloy niyang paghaplos sa'king pisngi papunta sa aking tainga. Cack! Alam na alam niya ang sensitibong parte ko sa katawan. Damnit! Pilit kong inaaninag ang mga mata niya. Tuluyan akong napasingap sa nakita ko. Ang mga matang iyon ay pamilyar sa'kin. Parang nakita ko na ang mga ito dati pa. Kung sana maalis ko lang ang mask niya.

"Hindi lang kayo ang may amo, dear, ako rin. At ang amo kong 'to ay nasa malapit lang, nagmamasid!" at sinampal ako. Sa naramdamang pinagsamang init at manhid sa'king pisngi ay umapoy ang aking dibdib. 'Di na ako nagpigil pa.

"Who's your boss? Dalhin mo siya dito at nang mapatay ko!" I can see her eyes dilated. Hindi rin nagtagal ay pumalakpak ito't marahang napailing-iling, parang namangha sa'king sinabi.

"You wanna see her? Are you serious, dear?" Matalim na tingin ang tinugon ko sa kanya dahilan upang isuko niya ang mga kamay at tumalikod. "Looks like your desperate. Okay, I'll let you behold the beauty of my commander."

Mabilis itong nagpunta sa madilim na bahagi ng lugar. Doo'y naririnig ko ang tila usapan ng dalawang tao. Hindi nagtagal ay lumabas mula sa dilim ang isang babaeng kagaya ng kumidnap sa'min ay nababalot din ng puting kasuotan.

"Sino nga ulit ang papatayin mo? Ako ba?" Cack! She's wearing mask just like the other. Paano ko siya makikilala? "Alam mo, hindi naman ako madamot na tao, eh. Kung gusto mo talaga akong makilala, puwes, pagbibigyan kita."

Inangat nito ang kaliwang kamay at unti-unting inalis ang puting telang nakatakip sa ibabang bahagi ng mukha. Hindi ako mapakurap. Nanatiling namilao lamang ang aking mga mata nang makilala kung sino siya. Impossible!

"D-delaney Cosette Villarosas, i-ikaw?" panginginig ng mga labi ko. Nginitian lang niya ako nang nakakapangilabot saka muling naglakad. Rinig ko pa ang sinabi niya bago tuluyang maging isa ng dilim.

"Napakalaki ng kasalanan ng mga taong iyan sa aking kapatid, Trinity. Huwag mo ng patagalin sa mundong ito ang mga kagaya nila!" Naalarma ako't tila maiihi na sa niyerbos.

"A-ano'ng g-gagawin mo? Delaney, huwag mong palapitin sa'min ang utusan mo! Huwag!"

Trinity's Law And PunishmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon