"BOSS? IKAW ba 'yan?" paniningkit ni Nanay Emma nang makita akong nakatayo sa pintuan ng kanyang bahay. Hindi nagtagal ay gumuhit ang ngiti sa mga labi niya't napabulalas sa tuwa. "Bossoir Lucas Jaguel III, ikaw nga!" Tuluyan na akong napahagikhik at niyakap siya nang mahigpit.
"Nanay Emma naman, eh, hindi mo naman kailangang tawagin ako sa buo kong pangalan. 'Boss' nalang para mas madali." Natawa si Nanay sa sinabi ko. Ilang sandali lang kaming nagyakapan dahil pinatuloy na niya ako sa loob ng bahay. Doo'y pinaupo niya muna ako sa sofa saka tinuloy ang aming pag-uusap.
"Naku, hijo! Na-missed kita. Masyado ka yatang nagtagal sa ibang bansa, ah!" Tumamlay ang ngiti ko.
"I found peace at Japan kasi, Nanay. Nakuha ko na rin sa wakas ang kapatawaran mula sa mga magulang ni Almira." Bumuntong-hininga ako. "After years mula noong namatay siya, binigyan na rin ako ng basbas ng parents niya para magmahal muli. Susurportahan din daw nila ako sa kung sinuman ang babaeng ipapalit ko sa kanya." Kinuha ni Nanay Emma ang aking kamay at pinisil.
"Masaya ako para sa'yo. Kung ganoon man, maaari mo ng mahalin si Delaney nang walang pag-aalinlangan." And just by hearing her name, my heart beats at rapid pace. I can feel the tiny voltage of electricity dancing in my stomach. Delaney.
"I still haven't seen her since I got back here. Pupuntahan ko siya agad pagbalik ko sa Bonaventura Esperanza." Kumunot ang noo ni Nanay.
"Ibig sabihin ba niyan ay 'di mo pa nakita si Lucas at ang lolo mo? Dumiretso ka ba dito, hijo?" Tumango ako.
"I've got a call from Siraque kasi. Sabi niya pagbalik ko ng Pilipinas, pupuntahan daw kita agad dito."
"Ganoon ba? Hindi man lang sinabi sa'kin ng batang 'yon na uuwi ka," sabay tayo. "Ipaghahanda muna kita ng paborito mong turon saka natin ipagpatuloy ang pag-uusap. May gusto ka pa bang ipahanda?"
"Cassava chips po, Nay. 'Yong unflavoured sana," ngisi ko na ikinangisi rin niya.
"Oh, sige. Babalik ako pagkatapos ng ilang minuto." Tuluyan na akong naiwan sa sala. While waiting for Nanay Emma, I consoled myself by looking around the whole living room. I stood to observe the things that were there especially on the wall. Mga pinta't larawan ang kadalasang mapapansin doon. Mga ordinaryong paintings lang ng mukha at larawan ng kalikasan ang una kong napansin. Nang dumako ang paningin ko sa estampang nasa gitna ay napatigil ako.
"Pretty," salitang tanging lumabas sa'king bibig nang makita ang larawan ni Delaney sa nasabing estampa. She looks so innocent, her beauty is celestial. Katabi ng malaking estampang iyon ay ang isa pa niyang larawan kasama ang kakambal kong si Lucas at Astrid. They looked happy together that made my heart felt like being clutched. Hindi na kailanman mauulit ang nasa larawan, hinding-hindi na.
"Ito na ang turon at unflavoured cassava chips mo, hijo." Napabaling ako kay Nanay Emma na ngayon ay bitbit na nga ang tray na may lamang pang-merienda. Bumalik ako sa puwesto kani-kanina at sinimulan na ang pagkain.
"Salamat po dito, Nay," pasalamat ko sa masarap na merienda.
"Walang anuman, ano ka ba." Pagkatapos kong kainin lahat ng hinanda'y muli naming binalik ang pag-uusap na naudlot kanina.
"Hindi nagtagal si Siraque dito, hijo. Matapos kong sagutin ang mga katanungan niya'y agad siyang nagpaalam. Bibisitahin pa raw niya ang kakambal mong si Lucas sa hospital," tugon ni Nanay. Napatungo ako at napakunot ng noo. Bibisitahin niya si Lucas? Kailan pa siya nagkaroon ng concern sa kapatid ko?
"Nay, ano-ano po ba ang tinanong niya sa'yo? May napansin ka ba sa mga kinikilos niya?" Kilala ko si Siraque, alam kong malalim ang galit niya sa kakambal ko. Kahit pa siguro lumuhod si Lucas sa harap niya'y hinding-hindi niya ito mapapatawad.
BINABASA MO ANG
Trinity's Law And Punishments
Mystery / Thriller[PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE] Limang taong nakapiit si Trinity sa lugar na hindi tukoy kung saan ang pagdurusa ay walang hanggan. Dahil sa sakit at galit na nadarama ng isang babaeng kilala sa pangalang Delaney ay natawag siya nito't n...