Chapter 24- Blog Post

166 4 0
                                    

“HEY, WHAT are you doing here?” tanong ko kay Trinity na nakaupo sa’king tabi at mataman akong pinagmasdan. “Why are you staring at me like that? Has anything changed in my face?” Her blank expression disappeared and gradually drew a smile. Inabot niya ang aking ulo at lalong ginulo ang magulo ko ng buhok.

“Get up already. Someone’s waiting for you outside. I didn’t invite him in. You know that I don’t want someone to see me.” I frowned.

“Sino?”

“He was a tall and muscular man. Moreno at maitim ang maalon-alon niyang buhok.” Kumunot ang kilay ng aking kaibigan habang inaalala ang hitsura ng taong naghihintay daw sa’kin na sigurado akong si Boss. “His eyebrows were thick enough to match his long eyelashes. Ang ilong niya ay matangos at ang mga labi nama’y parang inukit na arko.” Napahilot siya bigla sa kanyang sentido at napamura. Dali ko naman siyang dinaluhan.

“Trinity, are you okay?” Ramdam ko ang pagkagitla niya nang hawakan ko siya. “What’s wrong?” Umiling-iling siya saka ngumiti.

“Nothing,” she replied. “Teka, ‘yon bang naghihintay na lalaki sa labas, siya ba si Boss?” Napakamot ako sa ulo at nahihiyang tumango.

“Siya nga, hehe.” Tumaas ang isang kilay niya saka ngumiti nang nakakaloko.

“Mukhang may lakad kayo, ah! Date ba ‘yan?” Tumango lang ako sa kanya. Tumawa naman siya na para bang may lamang joke ang tugon ko. Pakiramdam ko tuloy lahat ng dugo ko’y umakyat sa’king pisngi. Nag-iwas ako ng tingin at tumayo na. “Oy! Namula siya, hahaha!”

Pinaningkitan ko siya ng mata saka nagmartsa papuntang banyo. Nakakainis talaga siya minsan. Lakas mang-asar pero ‘di mo maasar-asar.

“Maliligo na ba ‘yan? Hahaha!” I rolled my eyes and just released a deep sigh. Ayokong ipakita na talagang naiinis ako sa kanya, baka kasi mangatog lang ako sa takot. “Yōdanda. Anyways, matanong nga kita. Ilang years ba ang age gap niyo ni Boss?”

“Twelve years,” tipid kong tugon saka siya muling hinarap. Napalunok ako nang makitang biglang nagdilim ang kanyang mukha “Bakit?”

“Wala, nagtatanong lang. ‘Di ba puwede?”

“S-syempre, puwede naman.” Tumayo na siya at nagsimula ng maglakad palabas.

“Iwan na kita dito, Delaney. Basta umuwi ka ng maaga, okay? Mag-ingat ka. Tawagan mo ako ‘pag may kailangan o problema ka.”

“Mag-ingat ka. Tawagan mo ako ‘pag may kailangan o problema ka.” Napangiwi ako nang marinig iyon. Tila narinig ko na ‘yon dati. “Ingatan mo ang sarili mo dahil iniingatan kita.” Agad kong nilagay sa’king magkabilang tainga ang mga palad at sinusubukang hindi iyon pakinggan. Ang boses na ‘yon!

“Delaney, ano’ng nangyayari sa’yo?”

“Kahit saan man ako naroroon dadating ako para sa’yo. Tandaan mo ‘yan.” Umiling-iling ako upang mawaksi iyon sa’king isipang tila may pilit na inaalala. Cack!

“Delaney!” Para akong nabuhusan ng isang balde ng malamig na tubig at nagising. Napahawak ako sa’king dibdib upang mapigilan ang tila pagkakarera ng mga kabayo doon.  “Huminga ka nang malalim, Delaney.”

Sinunod ko ang instruction ni Trinity. Kahit na lumuwag na ang aking dibdib ay ‘di ko parin maiwasang hindi mag-alala.

“Ano ba’ng nangyari sa’yo?” Napakagat ako ng labi bago siya sinagot.

“My head suddenly hurt and I heard a voice.”

“Voice?”

“Yes, I seem to know the owner of that voice very well. May imahe ring sumusulpot sa’king isipan pero hindi ko maaninag, masyadong blurry kasi, eh.” Natahimik bigla si Trinity. Hindi nakaligtas sa’king mga mata ang pagtaas-baba ng kanyang lalagukan. Ganoon din ang pamimilog ng kanyang mga mata. “Sino kaya siya at bakit napapadalas ang pagpapakita niya sa’king isipan?”

Trinity's Law And PunishmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon