Chapter 29- The Infamous Trinity Bonifacio

164 4 0
                                    

“BAKIT BA kasi kailangang doon pa natin sila susunduin? Ang kipot kaya ng daan doon! Hindi ba puwedeng sa Plaza de Bonaventura Esperanza nalang tayo magkikita?” reklamo ni Ford.

“Oo nga naman, Anton,” pagsang-ayon naman ni Paul. “Bakit hindi mo nalang kaya sila e-text ngayon?” Lihim akong napamura sa kaartehan ng dalawang ‘to. Sinulyapan ko sila at tinapunan ng tinging matalas.

“Sabi nga ni Darell na sira ang kotse niya at tsaka wala namang sariling kotse si Jameson, nakalimutan niyo? Ano ba kayo? Dalawa lang naman silang susunduin natin, ah! Bakit kayo nagrereklamo diyan? Kotse niyo ba ‘to? Kayo ba ang nagmamaneho?” inis kong bulyaw sa dalawa.

“Ows, chill lang,” ani Paul at itinaas pa ang dalawang kamay. Napailing ako.

“Sabi nga namin kotse mo ‘to kaya dito lang kaming dalawa ni Paul at magpapakabait. Hindi ka na po namin iinisin,” pairap namang wika ni Ford.

“Mabuti.” Binalik ko na ang tingin sa kalsada. Bakit ba kasi bigla-bigla nalang lumipat ng tirahan ang dalawang ‘yon? Eh, sa noong nakaraang araw ay nandoon pa sila sa kanilang apartments. Minsan talaga hindi ko kayang intindihin ang mga kaibigan ko.

“Anton, stop!” sigaw ng dalawa sa likod. Nanlaki ang aking mga mata at nanlamig. Napakabilis ng pangyayari. Ngayo’y natulala ako’t mahigpit na nakahawak sa manibela. Habol-habol ko ang hininga habang iniisip na muntik na akong makasagasa.

“Ano ka ba naman, Anton! Tulog ka ba at hindi mo nakitang may papatawid na babae? Pambihira naman, oh!” hindi makapaniwalang singhal sa’kin ni Paul. Agad naman siyang bumaba at tinignan ang babae. Maya-maya pa’y bumalik na siya sa loob ng kotse at inalalayan naman ni Ford ang muntik ko ng masagasaan. “Kailangan mong pagbayaran ang nangyari. Kaya dapat lang na ihatid natin siya sa kanyang pupuntahan.”

Marahan akong napapikit at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Nilingon ko ang babae upang maayos na matignan.

“Look Miss, I’m so sorry. Okay ka lang ba?” pagsigurado ko. Pinagmasdan ko siya at ‘di ko maiwasang humanga lalo na sa kanyang mga mata. Sigurado akong mala-anghel ang kagandahan niya kung wala lang siyang suot na face mask.

“Oo, okay lang ako medyo nagulat lang sa nangyari,” nauubo nitong tugon. “Pasensya na, may ubo kasi ako.” Lihim akong napatango-tango, kaya pala.

“Naku! Ako nga ‘tong dapat na humihingi ng despensa, eh. Sorry talaga.”

“Okay lang ‘yon, hindi naman ako nasugatan o nagasgasan.” Tipid nalang akong ngumiti. Tumikhim ako at muling tinoon ang pansin sa daan. Binuhay kong muli ang makina at dahan-dahang pinaandar ang sasakyan.

“May I know your name, Miss?” rinig kong pagtatanong ni Ford.

“It’s Trinity.”

“Trinity, what a nice name, bagay sa’yo.” komplimento naman ni Paul. “How about your surname?”

“Bonifacio,” tipid nitong sagot. Kumunot ang aking noo. Trinity Bonifacio, parang narinig ko na ang pangalang iyan dati.

“Your name sounds familiar. Trinity Bonifacio, kapangalan ng isang killer sa Sta. Lourdes na pumatay mismo sa kanyang pamilya at mga bisita,” komento ni Paul. Doon ko na naalala kung saan ko narinig at nabasa ang pangalang ‘yon, kaya pala. Wala naman kasing ibang laman ang balita noon kun’di ang tungkol sa batang si Trinity Bonifacio. “That was five years ago at pinaniwalaan ng mga awtoridad na kasali ito sa namatay dahil sa isang pagsabog na nagmula mismo sa mansion nito.”

“Pero hindi ba wala naman talaga silang nakuhang bangkay ng isang dalagitang nasa trese o katorse anyos?” pagtuligsa naman ni Ford. “Naku! Huwag na nga nating pag-usapan ‘yan, nakakakilabot.”

Trinity's Law And PunishmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon