HINDI KO alam kung ano'ng gagawin nang iwan sa'kin ni Trinity ang sanggol. Sabado, heto ako't naiiyak narin habang pinapanood ang batang umiiyak sa'king mga braso. That lady! After she came back from somewhere that night, hindi na siya nagpakita sa akin. Hindi ko alam kung nasaan o ano na ang ginagawa niya, basta ang bagay na tanging masisigurado ko ay kaya niya ang sarili.
"Sshh, tahan na," alo ko sa kanina pa umuuhang bata. "Tahan na, baby," I tried to feed her with a bottle of milk but still couldn't. Kinuha ko na siya mula sa kama at kinarga ngunit ganoon parin.
"Baby, please don't be like this," pakiusap ko habang sinasayaw siya. Habang ginagawa ko ang aking makakaya para lang patahanin si Csyshie, my cellphone ringtone rang. I picked it up and answered.
"Delaney?" Halos mapalundag ako sa tuwa nang marinig ang boses niya.
"Nanay Emma!" I exclaimed in delightfulness. "Nanay, puntahan niyo po ako dito. Emergency lang po talaga."
"May nangyari ba? T-teka, iyak ng sanggol 'yan, ah!" pagtataka ni Nanay sa kabilang linya.
"Oo, baby po 'tong karga-karga ko ngayon. Kanina pa po siya iyak ng iyak, eh, hindi ko naman alam kung ano'ng gusto niya." Umiyak pa lalo si Csyshie na siyang nagpasikip sa'king dibdib. "Nanay Emma, please! Iiyak na po talaga ako rito 'pag 'di niyo ako pinuntahan."
"Oh, siya sige. Pupuntahan na kita diyan ngayon din. Magpapahatid na ako sa pamangkin kong may kaibigang nagpaparenta ng van nang sa ganoon ay mapadali ang pagpunta ko diyan."
"Salamat po, Nay!" I ended up the call. Wala akong mapagsidlan ng tuwa sa tugon ni Nanay Emma. Napatalon ako't muntik ng mabitiwan si Csyshie. Phew! Mabuti nalang at naakap ko siya kaagad. "Csyshie, narinig mo 'yon? We're just going to wait for them, kaya tahan na."
Mahigit dalawang oras din akong naghintay kay Nanay Emma. Dahil sa tagal niyon ay tumahan na ang kawawang sanggol at mahimbing ng natulog.
"Saan mo ba napulot ang sanggol na iyan, Delaney?" tanong ni Nanay habang matamang pinagmasdan ang batang natutulog sa kama. Nagpakawala ako ng hangin bago tumugon.
"Si Tri-" I bit my tongue forcibly. Naalala kong nakiusap nga pala sa'kin si Trinity na huwag kong ipagsasabi kahit kanino ang tungkol sa kanya.
"Okay ka lang?" Agad akong tumango saka pilit na nginitian si Nanay.
"Ang totoo po niyan ay napulot ko lang po siya sa may basurahan. I was walking down the street that night when I heared her crying. Sinundan ko ang iyak na iyon hanggang sa makita ko siya sa isang basket na nasa basurahan. I felt pity kaya kinuha ko si Csyshie at dinala dito," pagsisinungaling ko habang nakatingin lang sa bata.
"Csyshie?"
"That's her name na nakalagay sa damit niya, ito po, oh," sabay pakita sa damit na sinuot nito noong nagdaang gabi.
"Kung ganoon, ano'ng plano mo?" napatingin ako kay Nanay Emma sa kanyang tanong. "Delaney, labing siyam ka lang, kaya mo bang buhayin ang batang ito? Alam ko namang marami kang pera at mabibili mo lahat ng kailangan niya, pero ang sa akin lang ay kaya mo ba siyang alagaan? Handa ka bang maging Ina sa kanya?" Napalunok ako.
I knew at first that I couldn't take care of the baby, but what about Trinity? Ano nalang ang sasabihin niya? Paano kung magalit siya? Nakita ko pa namang attached siya sa bata. Bahala na nga!
"I can't take good care of her, Nanay Emma. Hindi ko rin kayang tumayong Ina sa kanya. Isa pa, kung kaya siyang alagaan ng taong nag-iwan sa kanya, bakit siya nito pinabayaang mag-isa, 'di ba? Kaya Nanay, please take care of her instead. Be her guardian- her mother. Mahalin mo siya gaya ng pagmamahal mo sa akin- sa amin ni Astrid."
My face burned. Trinity brought the child, so she should be also the one to take good care of her. But as what she said before finally leaving, Csyshie would only make the mission difficult. Cack! What am I doing? Bibigyan ko lang ng ibang responsibilidad 'tong si Nanay, eh!
"Pasensya na po, naintindihan ko naman kung ayaw niyo." Napatungo ako.
"Ano ba ang sinasabi mo, Delaney? Syempre naman gusto ko siyang alagaan, palakihin, pag-aralin at mahalin na parang nagmula sa akin." Nanlaki ang mga mata kong tinignan si Nanay. May ngiti sa kanyang labi habang hawak-hawak niya ang mga maliliit na daliri ng bata. "Ang ganda-ganda niya, oh. Sino ba naman ang tatanggi sa anghel na ito?"
"Nanay," paglabi ko sabay yakap sa kanya. Nagsimula ng uminit ang aking mga mata. Kumakati narin ang aking ilong, palatandaan na naiiyak ako sa labis na tuwa. "Salamat po."
"Ano ka ba wala 'yon," tugon niya at gumanti rin ng yakap. Mabuti nalang talaga at pumayag siya.
"Ehem, Tita?" Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa may pinto. Kunot-noo ko itong tinignan. Nakasuot ang binata ng kulay itim na shirt and pants. Pinaresan din iyon ng kulay itim na sneakers. Sino kaya 'to?
"Delaney, siya nga pala si Levis, pamangkin ko. Siya 'yong sinasabi kong maghahatid at sasama sa akin. Levis, siya naman ang maganda kong alaga na para ko naring anak, si Delaney."
"Hi, Ate Miss," masayang bati ng sa tantiya ko'y nasa sixteen o seventeen years old na lalaki. "Levis Lucci by the way, I'm fifteen years young po." Napangiti ako sa pagsambit niya sa words na 'fifteen years young'. Ang cute kasing pakinggan.
"Hello, Levis. I'm Delaney Cosette Villarosas, thank you for calling me 'Ate Miss'. An'sarap pakinggan." Napakamot naman sa batok ang binata at nahihiyang ngumiti. I giggled. "Anyways, Nanay and Levis, ipaghahanda ko muna kayo ng merienda."
"Tulungan na po kita, Ate Miss."
"Sure."
"TITA EMMA, hindi sa pang-aano, ah, parang ang creepy naman po ng mansion na 'yon," ani Levis habang nagmamaneho, pauwi na kasi kami.
"Ano ka ba naman, Levis. Talagang ganoon ang bahay na 'yon. 165 years old na kaya iyon."
"165 years old?!" bulalas nito at wala sa oras na nae-preno ang sasakyan. Mabuti nalang at naitukod ko agad ang aking libreng kamay sa upuang nasa unahan kaya hindi kami nasubsob ni Csyshie. "Ay! Hala Tita sorry."
"Levis naman, dahan-dahan ka nga! Paano kung napahamak ako o di kaya itong bata?" Yumuko ang aking pamangkin, halatang na-guilty sa ginawa.
"I'm sorry, Tita. Sadyang nagulat lang ako sa edad ng bahay na iyon," paumanhin nito na agad ko namang pinalampas.
"Oh, sige. Okay lang iyon basta magdahan-dahan ka na. May bukas pang naghihintay sa magandang batang ito."
"Opo." Muling umandar ang sasakyan. Umayos naman ako ng upo upang maging mas komportable ang bata sa'king kanlungan.
"Tita, maiba naman..." pagsisimula na naman ni Levis. "Bakit ho siya ganoon?"
"Sino? Si Delaney ba?" Ano na naman ba ang gustong sabihin ng pamangkin ko?
"Yes, po. Parang may kakaiba sa kanya, parang may tinatago." Napatigil ako. Hindi lang pala ako ang nakapansin sa ikinikilos ni Delaney kun'di pati narin si Levis. Sa loob ng mahabang panahon na nakasama ko ang alaga kong 'yon ay kanina ko palang napansin na para itong may inaalala. Panay ang paglipad ng isip nito na tila nasa ibang lugar. Nahahalata ko na rin ang pagbabago ng pananalita at pag-uugali nito.
"... kanina kasi habang tinutulungan ko siya sa paghanda ng merienda, iba, eh. Cautious siya na para bang lahat ng galaw niya'y maingat, may sukat. Tahimik din siya, feeling ko nga hindi ako nag-eexist sa paligid niya, eh. Hayst, ganoon po ba talaga siya?" Hindi mawala-wala ang kunot sa'king noo. Si Delaney tahimik? Hindi naman siya ganoon dati, ah. May pinoproblema ba siya na hindi niya kayang sabihin sa'kin o kay Alunna?
"... Pero in fairness naman po, ang sarap niyang kausap, madaldal. Ang dami niyang kayang gawin, 'yon nga lang grabe siyang makatitig. Tila kinakabisado niya talaga ang mukha ko, naiilang tuloy ako. Hahaha!"
Napakagat-labi na lamang ako. Siguro kaya naging tahimik si Delaney para kay Levis ay dahil sa kondisyon ng dalaga. Kung may pinoproblema man siya, marahil dulot lang iyon ng mga naging pangyayari sa buhay niya. Sana nga'y walang katotohanan ang agam-agam ko tungkol sa'king alaga, dahil kung totoo man, hindi ko na alam kung ano ang gagawin lalo pa ngayong may inaalala't inaalagaan na ako.
BINABASA MO ANG
Trinity's Law And Punishments
Bí ẩn / Giật gân[PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE] Limang taong nakapiit si Trinity sa lugar na hindi tukoy kung saan ang pagdurusa ay walang hanggan. Dahil sa sakit at galit na nadarama ng isang babaeng kilala sa pangalang Delaney ay natawag siya nito't n...