"SIGURADO KA ba, Delaney? Sino'ng magiging kasama mo dito? Sino'ng mag-aalaga sa iyo?" Mahirap man sa aking kalooban, kailangan kong pauwiin muna sa kanilang bayan sina Nanay Emma at Alunna. Ayaw ko kasi na pati ang mga natitirang taong mahalaga sa'kin ay mapahamak sa gagawin namin ni Trinity. Ngayong alam na namin ang pangalan ng mga suspek, dahil iyon ang nilalaman ng sulat na binilin para sa'kin ni Sir Escubal, ay panahon na upang maningil. Ngunit bago pa man namin isagawa iyon ay kailangan ko munang masiguradong wala akong magiging pag-alinlangan.
"Nanay Emma, I can handle myself. Hindi rin naman ako mag-iisa dahil may kaibigan po akong titira dito upang samahan ako." I assured as I took her hands. Nilagay ko sa palad niya ang sobreng may lamang cheque.
"Ano ito, Delaney?" pagtataka ni Nanay Emma na agad kong ikinangiti. 'Tong si Nanay talaga, para namang hindi niya ako kilala.
"Gamitin niyo po ang perang 'yan sa pagsisimulang muli," tugon ko. Tinignan niya ang halagang nakasulat sa naturang papel. Napasasal siya at agad tinangkang isauli 'yon sa'kin. Mabuti na lang at mas mabilis ako kaya napigilan ko siya.
"P-pero ang laki ng perang 'to," pag-alinlangan niya. Umiling ako saka binigyan siya ng tiyak na ngiti.
"Hindi po ako mapapanatag kung aalis kayo sa puder ko nang walang kasiguraduhan ang magiging buhay niyo doon. Para ko narin kayong pinabayaan 'pag hindi ko 'yan ibigay sa inyo." Napakagat-labi ako nang makita ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata. Parang kinurot ang puso ko sa naging reaksiyon ni Nanay.
"Maraming salamat, Delaney," sabay yakap sa'kin nang napakahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik. Napatingala ako habang ninanamnam ang mga sandaling kayakap si Nanay Emma. I'm gonna missed her, for sure. Matapos ang yakapan naming dalawa ay si Alunna naman ang pinalapit ko.
"A-ate Delaney." I giggled seeing her crying habang hawak-hawak ang amulet na nakasabit sa kanyang leeg.
"Alunna, para sa'yo 'to," wika ko. Inabot niya naman ang sobre. "Para 'yan sa pag-aaral mo. Ensured na diyan pati pangkolehiyo mo." Higit pa sa nakababatang kapatid ang turing ko sa dalagitang 'to. Magaan kasi ang loob ko sa kanya at nakakatuwa siya. Of course, I want a brighter future for her.
"Ayaw kitang iwan, Ate Delaney," singhot niya. "Paano kung bumalik 'yong sakit mo? Sino ang aalalay sa'yo? Sino ang magiging instant nurse mo 'pag wala na ako?" Ginulo ko ang buhok niya.
"Hindi na babalik ang sakit ko, Alunna. At kung sakali man, sakali lang ha, ay may mag-aalaga naman sa'kin. Huwag kang mag-alala, hindi ko pababayaan ang sarili ko." Tinuyo niya ang mga luha sa kanyang pisngi.
"Pangako mo 'yan, ha?" Napahagikhik ako. Ang cute talaga niya.
"Pangako." Muli kaming nagyakapang tatlo. Nang umalis na ang nirentahan kong van para sa biyahe nila, napabuga ako ng hangin. Hindi gaya dati, wala ng buhay ang mansion. Hindi ko na maririnig ang mga kantang paboritong patugtugin ni Nanay tuwing wala na siyang ginagawa. Hindi ko na rin makikita si Alunna na ginagaya ang mga paboritong anime characters niya. Muli akong napabuntong-hininga.
"Are you okay?" salubong sa'kin ni Trinity nang makapasok na ako sa kuwarto. Umupo ako sa kanyang tabi.
"Oo naman. Gaya ng sabi mo, kailangan ko silang palayuin dahil maaari silang gamitin laban sa akin. Ayoko silang madamay." Trinity patted my shoulder.
"Now's the time, Delaney," she reminded. Napalunok ako. "It's time to begin achieving justice for Astrid. Oras na para pumasok muli sa Unibersidad na iniwan mo. Ang Unibersidad kung saan nag-aaral ang mga suspek na nasa listahang binilin sa'yo ni Sir Escubal."
MUKHA NG pagkabigla ang sumalubong sa'ming dalawa ni Trinity. Pagpasok palang namin sa main entrance hanggang sa corridor ay nakuha na namin agad ang atensiyon ng lahat. Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao sa Unibersidad de Bonaventura Esperanza ang nangyari kay Astrid. Ganoon din ang pagkaaksidenti ni Lucas na apo ng may-ari ng institusyong ito.
"All the looks are on you, Delaney," Trinity whispered. I unaffectedly shook my head.
"I think they're looking at you, Trinity," I opposed. "Are you sure about this?" She immediately put a smug smirked on her face.
"Doing things with doubt is not my cup of tea," sagot niya sabay talikod. "Just a reminder my dear, we're here not for studies." Humakbang na palayo sa'kin si Trinity. Nagpaalam siya na maglilibot muna sa Unibersidad. Napakibit-balikat na lamang ako bago pumasok sa classroom. Gaya ng mga naunang estudyante't propesor na aming nakasalubong kanina ay gulat din ang ekspresyon ng aking mga kaklase.
"D-delaney? Delaney Cosette Villarosas?" I glanced at the person who called me by my full name. My forehead wrinkled when I saw a lady with long hair wearing a 3/4 length raglan sleeve and a long skirt up to her legs.
"Do I know you?" I raised an eyebrow. Natigilan naman ang babae't napayuko. Napakamot ako sa batok. Paano ba 'to? Mukha atang napahiya ko siya, ah. Huminga ako nang malalim saka nagsalitang muli. "Look Miss, I don't know you."
"So, you forgot. Totoo pala ang mga sabi-sabi kaya sa online ka nalang nag-aaral." I shot her a prickly glare. Bigla kasing uminit ang ulo ko sa pinagsasabi niya. Ano'ng gustong palabasin ng babaeng 'to?
"Excuse me? I don't know what you're talking about, Miss!" singhal ko na ikinagulat ng mga nasa classroom. Bahagya rin akong nagulat sa inasal ko, pero wala na akong magagawa. Hindi ko na mababawi pa ang sinabi ko.
"Delaney, it's me Honeybee. Hindi mo ba ako natandaan?" My lips parted. Honeybee? That girl who saved me last time? Madalian ko siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Nang makita ko ang customized na relong suot niya, napasingap ako.
"S-sorry," paumanhin ko't hindi makatingin ng deretso sa kanya. "I am so sorry, Honeybee." Cack! Ikinuyom ko ang aking mga kamay. Ba't 'di ko siya agad nakilala? Honeybee sighed and sat on the empty seat next to me. She took my clenched hand and smiled at me.
"It's okay, Delaney. I understand kung bakit ka nagkaganyan. Marahil ay dahil hindi mo pa nakukuha ang hustisya para sa kapatid mo o baka nama'y hindi mo na makukuha 'yon kahit kailan." Mabilis nagrehistro sa'king isipan ang sinabi ni Honeybee at ganoon din kabilis na nagdilim ang buo kong paligid. I could see nothing but her smiling face. I could hear nothing but the deliriously beating of my heart and my heavy breathing.
Itinaas ko ang aking kanang kamay at sinakal siya nang mahigpit. Unti-unti ay inangat ko siya ng inangat hanggang sa hindi na abot ng mga paa niya ang sahig. Umiigting ang panga ko at nanlilisik ang aking mga mata. This spawn of devil! Natutuwa ba siya na hindi ko pa nakukuha ang nararapat na hustisya para kay Astrid? Cack! I'll choke her to death!
"Delaney." Namumula at nauubo na ang lapastangang babaeng nakilala ko sa pangalang Honeybee. Pilit niyang inaabot ang aking mukha ngunit bigo siya. Kitang-kita ko sa mga mata ng nanghihinang nilalang ang sumalimbay na kamatayan.
"Delaney?" Bakit niya sinabi sa'kin ang mga bagay na 'yon? May kinalaman ba siya sa nangyari sa kapatid ko? Ano'ng koneksiyon ng babaeng 'to sa krimen? I'll kill her! I'll kill her!
"Delaney!" Bigla akong napapikit nang halos mabiyak na sa sakit ang aking ulo. Pakiramdam ko'y nagsiputukan na ang mga ugat at utak ko. Damnit! Malakasan kong sinabutan ang sarili't napaupo nang wala sa oras.
"Miss Delaney, are you okay?" Halos kumawala ang aking kaluluwa nang hawakan ako ng sinuman sa balikat. Napatingin ako sa'king kanan at nakita ko ang aming baklang propesor. Wait, what happened? "Should I bring you to the clinic, Miss Villarosas?" Mabilis akong umiling.
"N-no need, Sir. Wala po 'to," pagtanggi ko. Pasimple kong nilibot ang tingin sa buong classroom at hinanap ang babaeng sinakal ko kani-kanina. I cursed silently when I saw that girl Honeybee crouching on her seat not far from me. I watched her and I almost growled seeing her smiling.
Muling umapoy ang dibdib ko. Gusto ko siyang lapitan at punitin ang kanyang mga labing nakakurba sa ngiti. Gusto kong basagin ang pagmumukha niya. Alam kong may laman ang mga salitang tinapon niya. Alam kong may koneksiyon 'yon sa nangyari kay Astrid. Muling kumirot ang sentido ko. Damnit! I'm confused! Sinakal ko siya kanina, eh. Kitang-kita ko ang unti-unting paglagot ng hininga niya, mapapatay ko na siya! Pero bakit ganoon? Bakit tila walang nangyari?
BINABASA MO ANG
Trinity's Law And Punishments
Mystery / Thriller[PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE] Limang taong nakapiit si Trinity sa lugar na hindi tukoy kung saan ang pagdurusa ay walang hanggan. Dahil sa sakit at galit na nadarama ng isang babaeng kilala sa pangalang Delaney ay natawag siya nito't n...