MGA KAIBIGAN, kaklase, propesor, at kakilala. Ang kabuuang bilang ng mga dumalo sa libing ng aking namayapang kapatid ay patunay lamang na namuhay siya sa buhay na maraming nagmamahal. Bakas sa mga mukha naming lahat ang pagluluksa at panghihinayang sa sana'y mas makabuluhang maging buhay pa ni Astrid sa hinaharap. Lahat ay hindi maiwasang 'di mapaluha.
"Nagpupulong tayo dito ngayon upang ipagdiwang, parangalan at magbigay pugay sa buhay ng ating kapatid at kaibigan na si Astrid. Upang magpasalamat para sa kanyang naging buhay at mga karanasan na ibinahagi sa atin - at pagpalain siya, ngayong ang ating oras kasama siya ay natapos na."
I couldn't help but shed tears silently when the priest began the funeral ceremony for my late sister. Siyam na araw matapos ang lamay ay hindi ko parin matanggap na wala na siya. No matter how hard I tried to accept what happened, I just couldn't bear the pain every time I remembered those memories she left.
"Ang pisikal na tunay na buhay ni Astrid sa mundong ito ay nawala ngunit ang arbol niya ay nananatili at ito ay mas malaki dahil sa kanyang buhay at ang kanyang kamatayan. Gayundin ang magiging para sa atin. Habang narito tayo, ang dapat nating gawin ay ang mabuhay nang liyeno, maghanap ng kaligayahan at magmahal sa bawat isa."
I sobbed. Lucas, who was sitting next to me, immediately comforted me. He placed his right hand behind my back and gently stroked it up and down. Using the handkerchief I had been holding, I dried the tears on my cheeks. It was useless tho, as my tears are unceasingly streaming.
"Ligtas na si Astrid. Nakarating na siya sa dako at handa na sa anumang kagalakan na naghihintay sa kanya roon ngunit, para sa atin, mahalagang sabihin ang panghuling paalam na ito sa kanyang katawan habang ginagawa natin ito sa likas na pagtatapos nito. Astrid, pagpalain ka at salamat sa pagiging bahagi ng aming buhay. Pinarangalan namin ang iyong buhay dito sa mundo at ipinagdarasal namin ang iyong kapayapaan magpakailanman. Hindi ka namin makakalimutan."
Sa sandaling sinabi iyon ng pari ay bumuhos na ang iisang emosyon na nagmula sa iba't-ibang nilalang na naiwan ng aking kapatid sa mundong ibabaw. Kalungkutan ang bumalot sa paligid habang nagdarasal at isinagawa ang pagbubulaybulay. I closed my eyes and released an audible breath. I can respect my own feelings; maybe now- maybe in the next few days, months or years. Wala akong pakialam kung hanggang kailan ako dalhin ng pangungulila sa kanya.
Nagbuga ako ng hangin saka minulat ang mga mata. Tumayo ako at tinanggap ang isang maliit na bote ng bendita na binigay ng pari sa'kin. Before I blessed my sister's coffin, I made a promise that I'll give her justice. Lahat ay gagawin ko makamtan niya lang ang nararapat na hustisya para sa kanya. I stepped back and let the priest finish the ceremony.
"Pagpalain ka ng Panginoon at panatilihin ka; ang Panginoon ay pasilawin ang kanyang mukha sa iyo at maging mabait sa iyo. Itinaas ng Panginoon ang kanyang mukha sa iyo at bibigyan ka ng kapayapaan. Kaya't, pumunta sa kapayapaan, at ang Diyos ng buong kapayapaan ay sumama sa iyo. Sa ngalan ng ama, ng anak at ng diyos espiritu santo. Amen." Ang huling sinabi ng pari ay hudyat upang ibaba na ang kabaong ni Astrid sa lupa. Habang dahan-dahan itong binaba ay kanya-kanya naman kaming hagis ng mga puting bulaklak. Go well, my sister.
"DELANEY?"
"Hmmm?"
"Wala kang kibo sa kotse kanina. May iniisip ka ba?" tanong ni Lucas sa'kin nang makauwi na kami galing sa himlayan. "Oh, heto uminom ka muna." Tinignan ko ang laman ng basong ibinigay niya sa'kin. Imbes na inumin ang laman nitong juice ay tinitigan ko lamang ito at saka inikot-ikot. I smiled secretly when I saw the little vortex of orange juice. I remembered Astrid. This is what she does with any kind of beverage placed in a glass.
"Lucas, maaari mo ba akong samahan sa prisinto? Gusto ko lang malaman ang usad ng imbestigasyon." Tinigil ko na ang paglalaro sa baso at hinarap ang aking katabi.
"Oo naman. Ngayon na ba?"
"Yes. Mauna ka ng lumabas, may kukunin lang ako saglit sa kuwarto."
"Okay." Tumayo't tumalikod na si Lucas. Nauna na siyang lumabas. Ako naman ay nagpunta na sa silid. Ipipihit ko na sana ang pinto nang biglang may bumulong.
"Delaney." I turned around to see the owner of that voice, but I saw no one. My brows furrowed. Ilang segundo ang lumipas bago ko ipinilig ang ulo. Baka kulang lang 'to sa tulog kaya kung ano-ano na ang narinig ko. Muli kong hinawakan ang doorknob.
"Delaney." I closed my eyes tightly. Napahawak ako nang mahigpit sa busol ng pinto nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking ulo kasabay ng tila pag-alingawngaw ng isang matinis na tunog sa'king tainga. I bent down thoughtlessly causing me to lose my balance and just kneeled on the floor while covering my ears. My hands were shaking from the excessive pressure I put on. I screamed gutturally.
I let out a deep breath one after another and tried to calm myself down. I breathed in and out. When I gradually felt relief from that cruel pain, I opened my eyes. Napalunok ako. Hindi ko maiwasang hindi isipin kung ano 'yon. Maraming beses na kasi itong nangyari sa'kin. Pansin kong umaatake ito 'pag galing ako sa pag-iyak at pagod ang buong katawan, at nagsimula ito noong namatay si Astrid.
Tumayo ako nang tuwid saka binalingan ang boses na tumatawag sa'kin. Dahan-dahan kong hinakbang ang mga paa papunta sa kung saang dako man nang palapag ako dalhin ng mga ito.
"Nanay Emma? Alunna?" tawag ko sa mga kasama habang patuloy lang sa paglalakad. Weird! After I seizure like that, I should still be weak. But why is that? As usual, nothing seemed to have happened. Sa gitna ng pag-iisip habang naglalakad ay hindi ko namalayang malayo na pala ako sa kinaroroonan ng aking kwarto. Nasa isang hindi pamilyar na dako na ako ng palapag. My lips parted as I witnessed the part of the mansion's second floor I had never seen before.
Bakit hindi ko ito napapansin noon? Sabagay, wala naman talaga akong pakialam sa bawat sulok ng mansion. Sa laki ba naman nito ay mag-aabala pa akong maglibot? Basta alam ko ang pasikot-sikot papunta sa kwarto ko at kwarto ng mga kasama ay sapat na sa'kin.
"Nasaan ho ba kayo?" Umekis ang aking kilay nang wala akong natanggap na anumang tugon. Pero ang mas ipinagtaka ko ay ang higanteng pintuan sa may dulo ng pasilyo. Binilisan ko ang paglalakad. Nang marating ko na ang nasabing pinto ay napatigil ako. I can't believe what I saw. The door was so large that it had to be split in two. What could be inside those giant doors? Will I open it or not? Hindi na ako nag-isip pa at agad pinihit ang pinto. My eyes slightly dilated knowing the door wasn't even locked.
"Delaney!" Halos humilay ang kaluluwa ko sa'king katawan. Nagitla ako nang may biglang humawak sa aking balikat.
"Lucas, you startled me!" I growled and slapped his chest. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa panggugulat sa'kin ng magaling kong kaibigan. Tawang-tawa naman ang lalaki. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo diyan?" tanong niya sa pagitan ng agikik. "Kanina pa ako naghihintay sayo sa labas. Akala ko ba may lakad tayo ngayon?" Sasagutin ko na sana siya nang bigla niyang hinablot ang pala-pulsuhan ko.
"Lucas, wait!" Wala na akong nagawa pa kundi ang magpahila nalang kay Lucas. Wala rin namang saysay kung tututol ako dahil gagawa at gagawa parin 'tong kasama ko ng paraan. Hindi na ako nag-abalang isara o lingunin man lang ang malaking kwarto dahil nasisiguro kong sangkaterbang alikabok lang naman ang kayamanang naroroon.
"Fine!" Inikutan ko siya ng mata.
"Fine fine ka diyan. Alam mo bang naghihintay sa sala sina Nanay Emma at Alunna sa'yo?" pagsisimula ni Lucas at nakatutok parin ang atensyon sa dinaraanan. "Kakausapin ka raw muna nila bago tayo tumuloy sa prisinto," pagpatuloy niya. I didn't say a word. Napansin siguro ni Lucas ang pagtahimik ko kaya huminto siya sa paglalakad saka ako hinarap.
"Are you listening to me, Delaney?" pagtataas niya ng kilay.
"Oo naman," diretsong sagot ko sabay hakbang. "May lakad pa tayo, 'di ba? Tara na nga!" Ako naman ang kumaladkad sa kanya.
LINGID SA kamalayan ni Delaney at ng kaibigan niyang si Lucas ay nakatingin ako sa kanila. Malapad ang ngiting nakaukit sa'king mga labi habang pinagmasdan silang papalayo. Sa wakas, Delaney. Nagawa mo. Hindi mo alam kung gaano ako nagpupunyagi ngayon.
BINABASA MO ANG
Trinity's Law And Punishments
Mistério / Suspense[PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE] Limang taong nakapiit si Trinity sa lugar na hindi tukoy kung saan ang pagdurusa ay walang hanggan. Dahil sa sakit at galit na nadarama ng isang babaeng kilala sa pangalang Delaney ay natawag siya nito't n...