Epilogue

172 4 2
                                    

“UNTIL NOW, I still can’t believe what happened. Masyadong masakit para sa’kin ang lahat, Alunna. Pakiramdam ko, ako ang may kasalanan.” Marahang nagbuga ng hangin si Boss. “Kung sana noon pa man, inintindi ko na si Lucas. Kung nalaman ko lang nang mas maaga na may psychological disorder siya, sana inilayo ko na siya sa mga magulang namin na palaging nag-aaway.”

Nakita namin sa mga records noon ni Lucas na sa murang edad, he’s already suffering from psychological disorder. Lumala ang condition niyang iyon dahil palagi niyang nakikita ang mga magulang nila na nag-aaway, nagsasakitan. Iyon ang dahilan kung bakit niya napatay ang mga magulang ni Siraque, he saw them quarrelling. Naiingayan siya kaya niya pinatahimik ang mga ito, pinatahimik ng panghabang-buhay.

“Galit na galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa parents ko, kay Almira at Astrid. But after witnessing everything that night, sinakal ang puso ko, naaawa ako sa kanya. Doon ko unti-unting naintindihan na kaya niya nagawa ang krimen na panggagahasa’t pagpatay ay dahil hindi niya kayang kontrolin ang sarili. Naisip ko siguro mahirap sa parte niya ang labanan ‘yon, lalo na’t gaya ng sabi niya, nagiging tao lang siya ‘pag nasa tabi niya si Mia.” Rinig ko sa boses ni Siraque ang pagsisisi at awa. “Ang kailangan lang pala niya ay suporta, pagmamahal at intindi. Hindi ko pa naibigay sa kanya.”

“Okay lang ‘yon, Sir, pareho lang naman tayo,” pagtapik ni Boss sa balikat ni Siraque. “Anyways, ikaw naman Alunna? Kamusta ka na? Iyong totoong naramdaman mo inside, ah.” Ngumiti ako at nilanghap ang preskong hangin.

“I’m still coping. Nawala man ang halos lahat sa’kin, nandito parin naman kayong dalawa, si Nanay Emma at ang mga bata.” Ngumiti silang pareho. Sandaling namayani ang katahimikan nang binasag ‘yon ni Siraque.

“Sino ba naman ang mag-aakala na ang katawan ng katorse anyos na batang si Trinity ay nasa kuwartong iyon lang pala nakatago, nakahimlay sa isang salamin na kabaong.” Noong nabasa ko ang tungkol doon na nasa journal ni Tita, kinilabutan talaga ako.

“Iyon pala ang trigger sa pagkakaganoon ni Delaney. Kaya pala ayaw noon ng Tita mo na buksan ang kuwartong iyon.” Ginulo ni Boss ang aking buhok. “At kaya ka niya pinakilala kay Delaney at Astrid bilang anak ni Nanay Emma ay dahil gusto niyang makasama mo ang Ate mo kahit papaano.” Naintindihan ko na ang lahat ng iyon matapos kong mabasa ang journal. My existence alone can bring Ate Delaney into trouble. Pero hindi parin naiwasan ang gulo.

“It’s almost four o’clock, baka mahuli tayo sa flight. Ano, magpaalam na tayo sa kanila?” Tumango ako at muling lumapit sa puntod nina Ate Trinity at Ate Delaney. Ganoon din ang ginawa ng aking mga kasama sa puntod nina Papa at Lucas.

“Ate Trinity, Ate Delaney, kung saan man kayo naroroon, sana magkasama kayo at masaya. Huwag niyo akong alalahanin pa, kasama ko naman sina Boss at Sir, eh.” Napasulyap ako sa dalawa na taimtim ding nanalangin. “Mga Ate ko, aalis na kami dito sa Bonaventura Esperanza, sasama na kami nina Nanay Emma at mga bata kina Boss at Siraque sa Japan. Makikita ko na rin sa wakas ang mga mangaka doon.” Napangiti ako. Sigurado ako na ‘pag narinig ‘to ni Ate Delaney, magpapadyak ‘yon sa inggit.

“Alunna, let’s go?” Tumango ako. Bago pa man kami tumalikod at tuluyang umalis, muli ko munang sinulyapan ang puntod ng aking mga kapatid. Matamis akong ngumiti at lihim na nag-iwan ng mensahe. Mahal ko kayo, paalam.

The End.

TRINITY’S LAW AND PUNISHMENTS

Written by Nox Era Vargas

All Rights Reserved 2021

Trinity's Law And PunishmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon