Chapter 32- Man Behind the Mask

169 4 0
                                    

NAKAKUNOT ANG noo ko habang hinahanap ang tape na sinasabi ni Tita Mercedes sa journal niya. Hindi ko naman alam kung saang mansion ko ‘yon hahanapin dahil wala naman siyang nilagay doon, kaya nagsimula nalang ako dito sa Casa De Bonifacio.

“Nasaan na ba kasi ‘yon?” I bit my lower lip while panicking. Hindi ako puwedeng magtagal dito. The ambiance of this old mansion of ours is creepy. Pakiramdam ko may ibang naririto bukod sa’kin at sa anino ko. Muli kong binasa ang nasa journal ni Tita. Nakalagay daw ang tape sa isang maliit na treasure box. Gosh! Where in the corner of this eerie mansion should I look for that?

Tumayo ako at nilibot ng tingin ang kuwarto. Ginamit ko ang flashlight sa cellphone at sinimulang hanapin ang treasure box. Inisa-isa kong inalis sa sahig ang mga debris pati na ang iilang furnitures na buo pa. Nanlaki ang mga mata ko. Napatalon ako’t nagitla sa dagang gumapang sa sapatos ko. I almost screamed in spook. Mabuti nalang at nasapo ko ang aking bibig.

Pinakalma ko muna ang sarili bago muling naghanap. Hinalungkat ko na lahat, kulang nalang ay halughugin ko narin ang mga bricks para mahanap lang ‘yon. Hanggang sa may nadaanan ang ilaw ng aking cellphone. Nang lapitan ko ‘toy napabuga ako ng hangin at napangiti. Sa wakas, nakita ko rin ang maliit na treasure box. Nang buksan ko ito, tumambad sa’kin ang tape. Agad ko itong kinuha at nilagay sa dala-dala kong knapsack.

Pababa na ako mula sa kuwartong hindi ko na maalala kung sino ang nagmamay-ari niyon noon nang may naaninag akong isang babaeng nakaputi. I gasped and ducked. I immediately turned the flashlight off and hid myself. My heart beats at rapid pace when I finally caught a glimpse of her face. No way! What the hell is she doing here? Ba’t ka nandito, Ate Trinity?

A DILAPIDATED AND old mansion in a secluded area of Bonaventura Esperanza is the location where Johny and I will meet. I was already at the threshold of a narrow road with towering grasses and trees on the side. I was walking there quietly and cautiously. The whole place was vociferously silent that I could even heard the whispers of insects.

After few minutes I had spent walking, I finally reached the large door of Casa De Bonifacio. My chest automatically tightened as well as my throat. I’m home, after five long years I’m home. Trinity, wala tayong oras sa drama. Get a hold of yourself! Bago pa man ako maging emotional, pumasok na ako sa loob. Hindi naman kasi nakasara ang pinto na para bang may nauna na sa’king pumasok. Siguro ang demonyong si Johny na ‘yon.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. From the looks of it, it’s beyond doubt that the mansion had been abandoned for a long time and the damage was also significant. I looked up and I could see somehow the stairs going up. I grinned and headed for it, but even before I stepped foot on the first rung of the stairs, I stopped.

May narinig kasi akong kalabog. Sinundan ko ito hanggang dinala ako ng mga paa sa isang pinto. Umekis ang kilay ko. Hindi ako sigurado kung dito ba nagmula ang ingay na ‘yon. Pinakiramdaman ko muna ang paligid. Nang muli akong nakarinig ng kalabog na nagmula sa kabilang panig ng pinto, dali-dali ko itong binuksan.

Hindi ko inaasahan ang nakita at lalong hindi pa ako nakapunta dito noon. Hindi ito kuwartong karaniwang nakikita kun’di hagdanan pababa. Nagkibit ako ng balikat at hindi nag-alinlangang bumaba. Too dark! For fifteen minutes I remained still in my position and trained my eyes in the dark. When I could finally able to see, I moved ahead.

Pinto. Isa na namang pinto ang tumambad sa’kin sa dulo ng mahabang hagdanang iyon. I rolled my eyes and sighed in annoyance. Pinto na naman? Sa inis ay sinipa ko ito. Agad itong nasira dahil sa karupukan. Napamura ako habang pinoprotektahan ang mga mata sa silaw ng liwananag. Totoo ngang masakit kapag nasanay na ang mga mata sa dilim at bigla nalang itong malantad sa liwanag. Iba’t-ibang kulay ang nakikita ko, letse!

Trinity's Law And PunishmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon