Chapter 2- Missing Celebrant

210 6 0
                                    

NAPATAYO AT masigabong nagpalakpakan ang mga manonood nang matapos ang pagsasadula ng aming grupo. Bilang team leader ng grupo, hindi ko mapigilang 'di mapaluha sa sobrang saya. Kaagad kong sinalubong ang mga ka-grupo at binigyan sila ng isang mainit na yakap. Hindi ko kasi lubos akalain na ganoon ang kalalabasan ng pagsasadula gayung kagabi pa lamang namin iyon napaghandaan.

"Good job, guys," pagbati ko sa kanila at marahang pinahid ang aking mga luha. "I'm so proud of you."

"Oy! Si Madam pres, naiiyak!" tukso sa'kin ni Aila. Kahit kailan talaga 'tong si Aila, panira. Kung hindi lang ako good mood ngayon dahil sa performance nila, naku! Kanina pa siya paniguradong nakasimangot dahil ibabato ko talaga 'tong script na ginawa ni Astrid sa noo niya.

"Oh, see? Sabi na nga ba at talagang dinamdam ni Mari ang success ng team, eh!" Aila teased again. The rest of our group burst into laughter.

"Sira!" Natatawa narin ako. "I'm just happy. What we sacrificed kasi were all worth it. Alam naman nating wala tayong sapat na oras nang ibinigay sa atin ni Sir 'yong piece, yet we accomplished what is seemingly impossible. Thank you, guys." Totoo naman, eh.

"Mari, kung hindi dahil sa inyong dalawa ni Astrid, hindi namin ito magagawa. Kaya sa inyo kami dapat magpasalamat," nakangiti namang wika ni Lou na siyang gumanap bilang Malala.

"And speaking of Astrid, nasaan na nga ba siya?" pagwawari ni Aila. Oo nga, 'no? Saan kaya nagpunta ang isang 'yon? Bakit hindi siya nanood ng play? Bahagyang nagtagpo ang dalawa kong kilay. Kagabi, grabe ang effort ni Astrid sa pagsusulat ng script. Sa tantiya ko'y isa at kalahating oras niya lang ginawa ang dula. Pagkatapos ay siya narin ang gumabay sa rehearsal. Iyon siguro ang dahilan. Baka hindi niya nakayanan ang puyat kaya pinili nalang na magpahinga.

"Siguro nagpapahinga sa bahay nila," sagot ko saka dinukot ang cellphone na nasa bulsa ng aking pantalon. "Wait, tatawagan ko muna. Hindi naman puwede na mag-celebrate tayo na hindi siya kasama 'di ba?" Agad namang nagningning ang kanilang mga mata. Obviously excited at what I've said.

Napailing na lamang ako sa naging asal ng aking kasamahan. Inilayo ko muna ang sarili mula sa kanila, nagsimula na kasi silang mag-ingay. Ayoko namang bumungad kay Astrid ang kaingayan nila. I started looking my Vice- President's icon in my phone contacts. I dialed her number numerous times but only got a 'cannot be reached' response. Bakit kaya 'di siya makontak?

"Oh, ano? Nakontak mo ba?" bungad sa'kin ni Lou na ngayon ay nakabihis na ng pangsibilyan. Ganoon rin ang iba naming mga kasamahan. Umiling ako at nagkibit ng balikat.

"Hindi, eh. Siguro sobrang napagod lang 'yon. We'll just treat her next time. So, let's go?"

"Let's go!"

Mansión de Villarosas

"NANAY EMMA, kompleto na ho ba ang mga putahi?" tanong ko sa aming katiwala na siya ring nagsisilbing pangalawa naming Ina ng aking kapatid na si Astrid.

"Oo, Delaney. Nakahain at nakahanda na ang mga ito sa buffet station," tugon niya. Ibang klase talaga 'tong si Nanay Emma, mabilis at maayos magtrabaho kahit medyo may kaedaran na.

"Salamat, Nanay Emma. May isa pa ho sana akong request," at inakbayan siya. Bumulong ako sa kanyang tainga at ganoon na lamang kung siya'y humagikhik.

"Ikaw talaga, Delaney. Haha! Oh, siya sige. Babalik na ako sa loob at ng makapagbihis na," aniya sa pagitan ng pagtawa. Tumalikod na siya at humakbang papasok muli sa loob ng bahay. Napangiti ako habang pinagmasdan si Nanay. Excited na akong makita siya na naka-swimming attire. Iyon kasi ang ne-request ko kanina sa kanya- ang magpalit, ng sa gayun ay makapag-relax na siya.

Trinity's Law And PunishmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon