Chapter 13- Tattoo

168 4 0
                                    

I SAT down next to my still in coma best friend. I took his left hand and placed it on my cheek. Dinama ko ang malahininga niyang init saka nagpakawala ng isang malalim na hininga.

"Lucas, please wake up. I missed you so much," I whispered. Kakaalis lamang ng doctor matapos ipaalam sa'kin ang resulta sa mga obserbasyon sa kasalukuyang kalagayan ng aking kaibigan. Ayon dito, hindi parin daw tukoy kung kailan magigising o magigising pa ba si Lucas, which made me felt uneasy. Hindi ko kakayanin kung pati ang matalik na kaibigan namin ni Astrid ay mawawala. Hindi ako papayag.

"Lumaban ka Lucas, ha? Tuparin mo ang pangako mong hindi ako iiwan, na mananatili ka lang sa tabi ko," I lazily
said while caressing his forehead. "Bilisan mo naman ang pagising mo. Ilang linggo ka na rin kasing natutulog, eh, hindi ka pa ba nagsasawa?"

I lowered my hand and rested it on his pale jowl. I can feel my chest tightened and my lips trembled. I wanted to cry
but I know it'll be useless. No matter how hard I cried or even I cried over a bucket, Lucas' state would not change. All I can do is wait for him to be awake.

"Pangako pagising mo, may sasabihin ako sa'yo," wika ko sabay tayo. "Aalis
na ako, Lucas. Babalikan nalang kita kapag may libreng oras ako, paalam," sabay halik sa kanyang noo.

I shut the door and leave the ward. Hindi pa man ako nakalayo nang tumunog ang ringtone ng aking cellphone. I took the cellphone out of my bag to see Trinity is calling. l answered her.

"Trinity."

"Where are you?"

"Heading back home, why?"

"Hurry up! There's something you badly need to see."

"Okay, I'll be there," sabay putol sa tawag at muling binalik sa bag ang aparato. Nagmamadali akong lumiko pakaliwa upang mag-shortcut ngunit agad ring napabalik. Itinago ko ang
sarili sa isang pader nang makita ang dalawang lalaking paparating sa'king kinaroroonan.

"Sir, room 210 siya naka-confine." Napasingap ako sa narinig. 210, iyon ang ward ni Lucas! Ano'ng sadya ng mga taong 'to sa'king kaibigan? Naningkit ang aking nga mata. Mataman ko silang tinignan. Ang mga suot nila, tindig, at boses ay hindi pamilyar. Sino ang mga lalaking 'to?

"Bantayan mo ang paligid. Siguraduhin mong walang makakakita sa'kin. Ikaw na ang bahala dito. Bibisitahin ko lang ang magaling kong pinsan." Tuluyan ng nakapasok sa silid ang lalaki. Cack! Bakit walang sinabi sa'kin si Lucas tungkol sa pinsan niya?

Agad akong napasandal sa pader nang lumingon sa'king direksyon ang lalaking naiwan sa may pintuan. Ilang sandali lang ay muli akong sumilip. Nakatoon na ang pansin nito sa kabilang direksyon kaya nakakuha ako ng pagkakataon na muli itong pasadahan ng tingin. Baka sakaling may makita akong hint kung sino nga sila.

Holy shit! Tinakpan ko agad ang aking bibig nang makita ang tattoo sa leeg ng lalaki. Ang markang iyon, alam kong nakita ko na ang markang iyon. Hindi ako nagkakamali, kapareho iyon sa mga markang nasa leeg ng mga pinatay ni Trinity. This is not good!

"Are you okay, Delaney?" Nagitla ako nang may nagsalita sa'king likuran. Agad kong hinarap ang sinuman at nakita ko ang isang matandang lalaki. "Bakit ka nandito? Aalis ka na ba? Tapos mo na bang bisitahin si Lucas?"

Pinagmasdan ko ang nakasalamin na matandang lalaki. May hawak itong itong itim na tungkod na may pilak na hawakan, at sa hawakang iyon ay may nakaukit na tila isang agila. Napakamot ako sa ulo.

"L-lolo," nahihiya kong wika. "Pasensya na ho, kailangan ko na kasing umuwi sa bahay, eh. Naalala ko kasing may gagawin pa pala ako doon." Ngumiti sa'kin si Lolo.

"Ganoon ba, hija. Oh, siya sige, mag-ingat ka."

"Sige po, Lolo." Tumalikod na ako't agad rin namang napahinto. Kailangan kong ikompirma sa kanya kung may pinsan nga ba sina Lucas. Hindi ako mapapanatag hangga't 'di ko malaman kung totoo ba o hindi ang narinig ko kani-kanina. "Uhm, Lolo?"

Trinity's Law And PunishmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon