Chapter 12- Slap of a Bitch

177 4 0
                                    

MULI KAMING pumasok sa Unibersidad de Bonaventura Esperanza. Gaya ng mga nakaraang araw, pinagtitinginan at pinagbubulungan na namin kaming dalawa ni Trinity. Ano ba'ng problema ng mga taong 'to?

"Trinity, ba't ganyan ang mga tingin nila sa'tin?" pabulong kong tanong sa'king katabi na hindi man lang naiilang sa mga titig sa'min ng aming mga kaklase.

"Huwag mo na silang pansinin, Delaney. Ang bilin ko sa'yo, huwag mong kalimutan," paalala niya sa'kin. Dahan-dahan naman akong tumango kahit nakakunot ang noo. Hindi ako sigurado kung kaya ko bang balewalain ang nakakasunog nilang mga titig.

"Something's bothering you. Basta tandaan mong huwag kang makikipag-usap kahit kanino," muli na naman niyang paalala. Nagbuga ako ng hangin.

"Hindi ko 'yon nakakalimutan, Trinity," paglabi ko't hindi pinapahalatang nakikinig sa mga bulong-bulongan. "Pero 'di ba dapat din tayong makipag-usap? Sa ganoon ay hindi sila magkakaroon ng sapantahang maaaring ako- tayo ang dumudukot at pumapatay sa mga estudyanteng inisa-isa natin?"

Umekis ang kanyang kilay. Napalunok ako. Basang-basa sa ekspresyon niya ang bugnot sa narinig. Nagitla ako nang mahigpit niyang hinawakan ang aking balikat at malakasang pinaharap sa kanya.

"Ano'ng sabi mo? Baliw ka ba, ha, Delaney?" asik niya at lalong hinigpitan ang hawak sa'king magkabilang braso. Lihim akong napangiwi. "Sa tingin mo ba magdududa sila sa atin? Hindi! Hindi sila magdududa sapagkat-"

"Is there a problem, Delaney?" interference by one of our classmates. Dagli niya akong binitiwan at tumikhim, nagkunwaring walang nangyari. Umayos ako ng upo at hinarap ang aming kaklase.

"Nothing," paniningkit ko. Hindi ko kasi siya kilala, eh.

"Delaney, are you okay?" nalilitong tanong ng babae sa'kin. Kumurap-kurap naman ako agad. Hindi ko pala namalayang nakatitig na pala ako sa kanya.

"Yes, I'm okay," tugon ko. "May kailangan ka ba?"

"N-nothing, just wanna check on you. Wala ka kasi for two days and..." nauutal na wika ng aming kaklase sabay kamot sa batok. "A-and there were news kasi about sa pagkawala ng limang students sa University natin kaya-" Napangisi ako dahilan upang matigilan siya. Agad akong nagsalita.

"You're thinking I had something to do with that. Is that what you're trying to say, huh?" Bigla kong naramdaman ang paghawak ni Trinity sa'king pupulsuhan. She's restraining me from making unnecessary things.

"N-no! I-t's not like that, Delaney," iling ng babae't napaatras. Doon na ako sumambulat ng tawa. Iwinakli ko ang kamay ni Trinity. Binalingan ko siya't ginawaran ng isang walang dapat ipag-alalang tingin.

"S-sige balik na ako sa upuan ko." The woman returned to her seat and I stopped laughing. Umalis narin si Trinity at umupo sa permanenting upuan sa pinakalikod na bahagi ng hilera.

While waiting for our professor, I opened my white bag and took the cellphone that we confiscated. It was Kenneth's, based on the name written on the personalized case of the device. Since there was no one else around me, no one might see what I am holding. Wala kasi atang gustong tumabi sa'kin, eh. The cellphone did not have biometrics or password which made me grin from ear to ear.

"Delaney! Delaney Cosette Villarosas, where are you?"

I flinched at the loud outcry of the lady who had just entered the classroom. She was wearing mini-skirts, tube with blazer on top, platform pump shoes and thick makeup on her face. Tss. What a spiteful woman. I rolled my eyes and get back checking the photos in the phone gallery.

"You bitch!" Namanhid ang pisngi ko. Rinig na rinig ko ang pag-alingawngaw ng batingaw sa'king tainga na dulot ng biglaan at malakasang pagsampal ng sinuman. Nanatiling nakatikwas ang aking ulo. Hindi ko kasi alam kung ano'ng gagawin o iasal. Ano'ng naging kasalanan ko?

Trinity's Law And PunishmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon