"HEY, HOW are you?" tanong ko kay Almira habang hinahawi ang mga tuyong dahon sa ibabaw ng kanyang lapida. Matapos akong maghapunan ay nagpaalam na agad ako kay Nanay Emma, naalala ko kasing kaarawan pala ng namayapa kong girlfriend. Pinapasabi ko na lamang sa kanya ang aking pangangamusta kay Alunna kahit alam kong hindi nito gugustuhing naririto kami sa Pilipinas.
"I'm sorry if I forgot your birthday," despensa ko saka inilapag ang isang kahon ng cake, chocolate at flowers. "I missed you, Almira. Sorry din kasi hanggang ngayon, kahit matagal na panahon na ang lumipas, hindi parin nagbabayad ang may gawa niyan sa'yo." It's been 8 years since that horrible day of our lives happened. Almira went missing for 24 hours at nang matagpuan siya, she's already dead. Biktima rin siya ng rape at brutal na pagpatay.
Preskong-presko parin sa'king alaala ang hitsura niyang halos 'di na makilala. Everything way back then were hellish. Hindi matanggap ng nakakatandang kapatid Almira na si Amarie ang kanyang pagkamatay kaya she went out seeking for revenge. She gone mad actually, pinapatay ang sinumang tambay sa kanilang lugar. Doon na nagsimulang masira ang pangalan at reputasyon ng kanilang pamilya.
They blamed me for everything. Kung hindi ko raw hinayaang umuwi si Almira mag-isa noong gabing 'yon, 'di sana hindi siya nagahasa't napatay. Hindi nila pinakinggan ang side ko. I didn't let Almira to drive for herself. I was too drunk that night dahil birthday party namin ni Lucas. All boys were drunk ganoon din ang iilan sa mga babae. I asked our maids na ihanda ang mga kuwartong gagamitin nina Almira at ng iba. Akala ko everything went fine. Si Almira pa nga mismo ang naghatid sa'kin sa room ko and she even help me to feel comfortable sa pagtulog. Hindi ko alam na that will be the last time na makikita ko siyang buhay.
"Akala ko lahat makukuha sa pera, Almira. Akala ko, 'pag pera na ang pinapagalaw, pati hustisya ay mapapadaling makamtam. Pero bakit hanggang ngayo'y wala paring nagbabayad sa nangyari sa'yo?" Almira's family already gave up on pursuing justice and fled to Japan. Tinanggap nalang nila ang nangyari sa kanya which is unacceptable for me. An'dali nilang sumuko kaya nawalan narin ako ng gana. I thought 'yon na 'yon, not until nabalitaan namin ni Siraque ang nangyari kay Astrid na kaparehong-kapareho sa nangyari kay Almira.
That incident returned the ardent feelings of Siraque that he still had. He decided right away to resume the investigation of Almira's case. Pinsan kasi niya si Almira sa mother's side at malapit sila sa isa't-isa. Sinabi rin niya sa akin na iimbestigahan din niya ang nangyari kay Astrid. He conducted the investigation on his own which made him have a full plate. Hanggang sa tinawagan niya ako't pinapasunod na dito sa Pilipinas. I know he already disinterred something that has to do with the cases of Almira and Astrid. I knew him. Kaya nga hindi na ako makapaghintay na makausap siya. But to my disappointment, I could no longer keep in touch with him. I don't have any idea where in the bloody hell is he now.
I flinched when the thunder roared freakishly. I looked up at the restless sky and sighed knowing that it might rain.
"I badly need to go now, bye." I immediately leave the place. Hindi pa man ako nangangalahati sa daan patungo sa naka-park kong sasakyan ay wala ng patid ang pagbuhos ng malakas na ulan. Damnit! Naisin ko mang sulungin ito't piliting makaabot sa kotse sa lalong madaling panahon ay wala akong magawa. Magiging basang-sisiw lamang ako kung ganoon. Wala akong choice kun'di ang sumilong sa isang waiting shed 'di kalayuan sa kasalukuyan kong kinaroroonan.
Sa loob ng mahigit sampung minutong paghihintay sa pagtila ng ulan ay may naaninag akong isang babae na nakatungo habang yakap-yakap ang sarili. Naglalakad siya papunta sa'king sinisilungan. Sa tulong ng ilaw ng mga posteng malapit sa kanya ay nanlaki ang aking mga mata. 'Di ko mapigilang kabahan. Hindi ko kasi inaasahang sa pagkakataong gaya nito ay muli kaming magkikita.
"Delaney!" pagtawag ko sa kanya ngunit parang wala siyang narinig. Nagpatuloy lang siya sa mabagal niyang paghakbang na alam kong lalong nagpapalala sa lamig na kanyang nararamdaman panigurado. Tss. Hindi na ako nagdalawang-isip pa't tumakbo na papunta sa kanya.
BINABASA MO ANG
Trinity's Law And Punishments
Misterio / Suspenso[PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE] Limang taong nakapiit si Trinity sa lugar na hindi tukoy kung saan ang pagdurusa ay walang hanggan. Dahil sa sakit at galit na nadarama ng isang babaeng kilala sa pangalang Delaney ay natawag siya nito't n...