Chapter 16- The Next Quarry: A Police Official

166 4 0
                                    

BAGO KO sinuot ang puting antipas ay napatungo muna ako. Nangilid ang mga luha sa’king mata. Nagtiim ang aking panga habang nilalabanan ang sariling maiyak ng tuluyan. Hindi ko maalis sa isipan ang naging katanungan ni Delaney sa’kin kagabi.

“Sino ka? Sabihin mo sa akin kung sino ka!”

Hindi ko siya nagawang sagutin ‘pagkat nawalan siya ng malay pagkatapos. Minabuti ko na lamang na ayusin ang kanyang pagkakahiga’t umalis na rin sa kuwarto kalaunan. Ayaw ko naman siyang makaharap kinaumagahan kaya nagpasya akong umalis nang maaga upang ipagpatuloy ang aming nasimulan.

I’m sorry, Delaney. As painful as it was to think that she didn’t even have a petty memory of me, I couldn’t do anything right now. Alam kong may tamang oras sa lahat ng bagay. Kaya darating din ang panahon na maalala ni Delaney kung sino at ano ako sa buhay niya.

Muli akong nag-angat ng tingin at puno ng determinasyong sinuot ang puting maskara. Ito na ang pagkakataon para sa tatlong magigiting na alagad ng batas na patunayang ‘trabaho’ lang ang kanilang ginagawa at ganoon din ang sa akin.

Exactly a month ago,
The night after Delaney almost killed Kenneth’s ex-girlfriend

I was busy checking the pictures in Kenneth’s phone gallery. Inutusan kasi ako ni Delaney na tignan ang lahat ng nasa cellphone ng binata, nagbabakasakaling may makuha kaming kahit anong impormasyon. Kanina pa sumisingaw ang aking tainga at ilong dahil puro nalang mukha ng lalaki ang aking nakikita.

Patuloy lang ako sa pag-swipe at muntik ng sumuko sa inis. Pipindutin ko na sana ang exit button nang hindi sinadyang mapindot ng aking hinlalaki ang isang album. Doon humilera ang iba’t-ibang litrato ng mga kalalakihan.

Agad nagsalubong ang aking mga kilay. Namumukhaan ko ang mga ito. Dali-dali kong kinuha ang mga dokumentong hawak ko sa kasalukuyan. Tinignan ko ang mga ito’t inihambing sa litratong nasa aparato. Malutong akong napamura. Tama nga ang hinala ko. Ang mga pangalan at larawan nila’y nasa listahan ng panggagahasa’t pagpatay kay Astrid, maliban sa tatlong pulis na nakatayo malapit sa lalaking paniguradong ‘boss’ ng grupo.

Sino kaya ang mga ito? May koneksiyon kaya ang mga alagad ng batas na’to sa krimeng nangyari kay Astrid? Napaisip ako. Saka ko naalalang may sinabi si Delaney tungkol sa mga pulis na matamang nakatingin sa kanila noong minsa’y nagpunta silang dalawa ni Lucas sa presinto’t nakausap ang ngayo’y namayapang pulis na si SPO1 Alberto Victor. Damnit! I need to pay close attention to this. Something’s not right.

Present

Out of uneasiness, I spent two consecutive nights monitoring the three police officials. Nahuli ko sila sa pangalawang gabi ng pagmamanman ko. Pumunta sila sa isang mamahaling restaurant, doo’y nakipagkita’t nakipag-usap sila sa isa sa mga pumatay kay Astrid na si Jameson Baja. Iyon ang dinagdag ko sa ebidensyang aking nakuha mula sa mga sent and received messages pati na sa call history ni Kenneth upang mapagtibay ang hinalang may kinalaman nga sila sa krimen.

Halos sumabog ako sa galit nang malaman iyon. Kung sino pa kasi ang kinikilalang tutulong sa mga tao’t magpoprotekta sa kanila’y sila pa ang kadalasang sangkot sa mga krimen. Ganoon na ba talaga karumi ang batas? Ang hustisya lang ba’y para lang sa mga taong mayayaman at makapangyarihan? Paano naman ang mga kagaya namin nina Delaney at Astrid? Puwes, kung ganoon, then it is time for them to know how disastrous it is when an outlaw settled her own law and punishments.

“Sino ‘yan?” tugon ng isang babae matapos akong kumatok ng tatlong beses sa pinto ng bahay nito.

“I’m looking for SPO2 Ramil Cervantes.” Hindi tumugon ang babae sa likod ng pinto. Ilang minuto rin ang aking hinintay bago ako pinagbuksan.

Trinity's Law And PunishmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon