"Secretary?" Shiela asked.
I just gave her a mocking look. Siya naman talaga ang may dahilan kung bakit ako nag-resign sa previous work ko at nag-apply sa company kung na saan siya.
She covered her mouth to muffled a chuckle.
Yumuko ako at kinalma ang sarili ko. "Isa pa, i-papalamon kita sa evil spirit."
Bumulaslas siya ng tawa. "Sorry, Secretary? I mean," napahawak siya sa tiyan at patuloy na tumatawa. "You don't even like being controlled. Usually or most of the time, ikaw ang laging in-control at ayaw mong inuutusan. Tapos secretary?"
Gustong-gusto ko sabihin sa kanya na, ikaw naman ang dahilan kung bakit ako nag-apply doon. Kung hindi ka umalis sa apartment natin at nag-resigned sa work mo online. Wala akong ganitong klaseng problema.
Tumayo ako at kumuha ng tubig sa fridge dahil kailangan kong lumaklak ng malamig na tubig para magising ang kalamnan ko. Bwisit, secretary? I glanced at Shiela's direction at tawa pa rin siya ng tawa.
Kasi naman, Financial Accountant ang in-applyan ko!
Dear Inez Natasha A. Garcia,
I am pleased to extend the following offer employment to you on behalf of Monteclaro's Group of Companies. You have been selected as the best candidate for the secretarial position. Congratulations!
My forehead crease while reading the letter. Secretary? Financial Accountant ang in-applyan ko e.
I glanced at the HR consultant. "Sigurado po ba talaga kayo?" I asked.
"Saan po?" sabi niya habang nagtatype sa computer. Kanina ko pa siya kausap pero hindi niya ako tinitingnan, busy ata siya.
"Sa Secretarial post po. Financial Accountant po kasi ang inapply-an ko eh."
Finally, the consultant looked at me and review the letter. "Ah, opo sure po 'yan Ma'am. May nakuha na po kasi silang accountants yesterday, secretarial post po yung hiring nong nag-apply kayo."
"Hah? E, sabi sa'kin nong interviewer Financial Accountant ang kailangan nila."
"Ahh, ganon po ba?" the consultant made an unsure face and scratched her head. "Baka po na-misinformed lang po kayo."
"Sorry Miss, wala kasi akong experience maging secretary. Financial Analyst 'yong previous job ko." I said frustratedly. Totoo naman wala akong idea kung anong ginagawa ng secretary. Inuutusan lang ata 'yon na magtipla ng kape at mag-type e. Ayaw ko ng ganoon gusto ko may numbers.
"Ma'am, 'yan po kasi yung sabi ng HR Director." alanganing sabi niya.
"Wag kayo magalala Ma'am," nakangiting sabi niya. "Mas maganda yong benefits ng secretarial post. Mas malaki sweldo compare sa Financial Accountant." Bribe pa more.
"Sino ba magiging Boss ko?"
"Sa office of the president po kayo, kay Mr. Monteclaro yung CEO." sabi niya.
Sa totoo lang, hindi ko naman kailangan ng pera dahil halos parehas ng offer nila sa akin at sa previous job ko as a Financial Accountant. My only reason is Shiela. She's been carrying a deep-cut shitty wound since childhood and this kind of set-up will never work on her.
"Aalis ka na sa apartment natin?" gulat kong tanong sa kanya.
She stops folding her clothes and looked at me. "Oo, nag-resign ako sa International School."
She's an online english teacher at Bettoove International School. Few months after our graduation ay nag-rent kami ng apartment and we've been living together for six years. "Ano? Resign? Paano ka magbabayad ng rent sa bagong pagtutuluyan mo at paano ka? Saan ka kukuha ng pera pang gastos mo araw-araw? Dito ka na lang sa apartment. Ako na ang bahala sayo kahit wag ka na magtrabaho."
BINABASA MO ANG
Deepest Treasured Fantasies
General FictionFrom: Linkurt Jade F. Monteclaro, CEO To: Inez Natasha A. Garcia, OOC Secretary Subject: Deepest, Darkest Fantasies Ms. Garcia, Are you up for an adventure? Regards, Boss baby GYPSY HEART SERIES #1