Chapter 34

5.7K 141 34
                                    

"Weird." bulong ko habang kanina pa sumisilip sa bintana sa may living room. When I woke up about an hour ago, the last thing I expected to find was an empty house.

Si Aunty, Talia at ang anak niya ang kasama ko. Wala si mommy dahil may pinuntahang birthday ng kaibigan niya.

Wala rin siya..

Huminga ako ng malalim, a feeling of dread sinks in as I roam around the house furtively to look for him. Isang linggo na ang nakakalipas nang pumunta siya dito, totoo ang sinabi niya dahil araw-araw siyang narito sa bahay namin. Hindi ko naman siya pinapansin at hindi rin siya makalapit sa'kin.

"Good morning, breakfast is ready." sabi niya habang nilalagay ang mga pagkain sa dining table.

"Siya ang nag-luto niyan, mathenikgirl." bulong sakin ni Aunty.

"Oh, anak, halika na. Pinagluto ka ni Linkurt ng agahan." masayang sabi ni Mommy.

Every morning starts with the same. He will prepare my breakfast and make sure that I took all my vitamins and medicine. Madalas nasa living room siya with his laptop, working probably. Minsan naman tinutulungan niya si Aunty at si mommy na magluto. Minsan kausap si Talia o si Marco. Pero madalas nakabantay sa'kin.

"Is she okay?" he asked worriedly to Aunty. Medyo masama ang pakiramdam ko kaya nagpakuha ako ng blood pressure kay Aunty.

"Okay, naman siya, Ikuha mo na lang siya ng tubig." Nang makaalis siya ay bumulong sa'kin si Aunty. "Kinikilig ka lang kaya masama ang pakiramdam mo." bumaba ang tingin sa tiyan ko. "Masaya lang ang mga anak niyo dahil narito ang tatay nila, at mas lalo silang matutuwa kung kakausapin mo siya."

Buong araw ay nasa entertainment room lang ako, minsan nasa garden. Pero kagaya ng sinabi ko kung nasaan ako ay lagi siyang nakamasid.

"Connected."

I was startled when I heard a karaoke music on at mas lalo pa akong nagulat nang biglang may kumanta.

"Sa akin pag iisa, pangarap ka sa twina, laging kang nasa isip sinta maging sa pagtulog ko.."

Nakita ko si Talia na may hawak na bluetooth microphone at sintunadong kumakanta. "O giliw ko
Miss na miss kita, sanay lagi kitang kasama,

"O giliw ko miss na miss kita gusto ko sana'y makayakap ka," nakatingin siya sa'kin habang kumakanta.

"Pag di nakita ay nalulungkot na di ko kayang nag iisa," nag-twerk pa at tumingin kay Aunty na nakataas ang kamay at sumasayaw. "Sabayan mo ko, Aunty. 1, 2, 3 O giliw ko, miss na miss kita sanay lagi kitang kasama, O giliw ko, Miss namiss kita gusto ko sanag makayakap ka,"

"Easy-han mo lang, bungkalgirl, baka mapaanak ka ng wala sa oras." saway niya nang sintunadong nag-soprano si Talia.

Napahawak siya sa tiyan. "Kunyari pang walang paki, e, hinahanap hanap din. Denial ang kakambal ko, dre," she used the same tune but she changed the lyrics.

Napailing na lang ako at nilayasan ko siya, nagtungo ako sa kusina at kumuha ng maiinom.

"Wala ang hinahanap mo, sinama ni Kuyang sa sabungan." pasimpleng sabi ni Aunty.

"Hindi ko po siya hinahanap," sabi ko.

"Ah," tumango-tango si Aunty. "Kaya pala panay silip ka sa labas."

Napaiwas ako ng tingin at kumuha ng makakain sa ref. "Nagluluto pa lang ako, kumain ka muna ng prutas dito." Pumunta ako sa dining table at kumuha ng orange sa mesa. Nagpaalam sa'kin si Aunty na lalabas muna para kumuha ng pangsangkap sa sinigang niya.

Deepest Treasured FantasiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon