I woke up and the first thing that comes to my mind is pain. I closed my eyes and smother the tears.
"Anak." I saw my mommy standing in front of me. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok siguro nakalimutan kong i-lock 'yong pinto kagabi. May hawak siyang tray na may pagkain. "Kumain ka na para makainom ka ng gamot."
Lumapit siya sa'kin at pinatong ang tray sa bedside table. "Anong problema, ilang araw ka na hindi lumalabas sa kwarto mo."
I burts into crying. "Mommy, b-bakit parang wala akong karapatang s-sumaya?"
Hinaplos siya ang buhok ko. "Anak, natatandaan mo pa ba ang lagi kong sinasabi sa inyong magkapatid? Sa buhay ng tao hindi pwedeng laging masaya kailangan makaranas ka ng sakit para matututo kang lumaban." Pinunasan niya ang mga luha ko. "Anong nangyari noong nakaraang linggo?"
Umupo ako sa kama at i-kinuwento sa kanya ang lahat.
"E, 'yon naman pala, mahal ka naman pala niya at ipinaliwanag naman na pala sa'yo. Anong problema mo pa?" tanong niya.
Sasabihin ko na ba? Sasabihin ko na ba sa kanila ni daddy na..isa akong kabit.
"Gusto niyang mag-ala titanic ang lovestory nilang dalawa."
Sabay kaming dalawa ni mommy na napatingin sa may pinto. Nakatayo roon si Talia habang may hawak na papel.
"Sorry, tiningnan ko na," Tiningan niya ang papel "Jack and Rose ang ipangalan mo sa mga anak mo tutal hindi mo naman sila bibigyan ng happy ending with their dad, mas modern kasi 'yon compared sa Romeo and Juliet, Florante at Laura. Iyong mga prinsipe at princesa sa Ibong Adarna pwede mo rin magamit, tutal kailangan mo ring makantahan ng ibong 'yon para gumaling at magising sa katotohanan."
What?
Tumingin ako kay mommy. Tumayo siya at sinugod si Talia. "Walang hiya kang bata ka, bakit inunahan mo ang kapatid mo."
Umirap si Talia. "E, kasi naman, mommy. Nakakagigil e. Nariyan na ang steak ayaw pa kainin at naghahapan pa ng tuyo." lumakad siya at tumayo sa harap ko. "It's a boy and a girl." binigay niya sa'kin ang papel.
"Ginawa ko 'yan para ma-realize mo na hindi bagay sa kanila ang Romeo and Juliet, Florante at Laura, Jack and Rose, Diyos ko!" humawak siya sa tiyan niya.
"Talia," awat ni Mommy. "Hindi mo naiintindihan ang kapatid mo."
She rolled her eyes at me. "Alam kong wala akong karapatang sabihin 'to sa kanya, mommy, dahil wala naman ako sa pwesto niya pero ang sarap talaga niyang pakainin ng fertilizer para mas lalong umusbong ang utak."
Hindi ako makapagsalita dahil ang dami niyang sinabi. May kinuha siyang sobre sa bulsa ng maxi dress niya at ibinigay sa'kin. "Nakita ko 'yan sa gate, naka-address sa'yo at binasa ko na rin."
It's a floral envelope and it smells like a flower. I opened it and gasped in surprise.
From: Floricel Mae Basco
To: Inez Natasha Garcia
"Huwag mo awayin ang kapatid mo, Talia." sabi niya at nagpaalam na pupunta sa kusina. Birthday kasi ngayon ni Aunty.
Ilang minuto na akong nakatitig sa letter na hawak ko. Ang daming mga katanungan na naglalaro sa isipan ko, pero bahala na. My heart pounds in my chest as I read it.
Hi Inez Natasha,
I don't know how will I address you so I will call you na lang Inez because that's how Linlin used call you.
I'm Floricel but you can call me Flor. If you're reading this I'm probably inside a small jar. I mean my ashes. Yes, I'm dead already. But don't be scared kasi I wrote this when I'm still alive. Magulo ba? I'm sorry.
BINABASA MO ANG
Deepest Treasured Fantasies
General FictionFrom: Linkurt Jade F. Monteclaro, CEO To: Inez Natasha A. Garcia, OOC Secretary Subject: Deepest, Darkest Fantasies Ms. Garcia, Are you up for an adventure? Regards, Boss baby GYPSY HEART SERIES #1