"You what?" I asked Shiela.
Lunch time ngayon at tinawagan ako ni Shiela para sabay daw kaming mag-lunch. Sa totoo lang wala akong balak pumasok ngayon dahil sa nangyari kagabi. Pero wala naman akong magagawa at kailangan kong harapin ang nagawa kong katangahan.
Matuto ka kasing mag-mute ng ayos, Tasha.
May close door meeting ang Boss ko kaya buong araw ko siyang hindi makikita. Kapag close door tanging board committe at directors lang ang kasama.
"Resign. Nag-resigned na ako, Tasha, three weeks ago." sabi niya. "I already send my thirty days resignation notice. Approved na. Nag-rerender na lang ako hanggang katapusan." Tumingin siya sa'kin. "Babalik na ako ng Ilocos."
Isang linggo na lang pala. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin?" my stomach clenched when I heard that. "Bakit? Bakit ka uuwi?" malungkot 'kong tanong sa kanya.
"Alam ko kasing magwawala ka," She send me a long pained look. "Nabuksan 'yong kaso after 15 years, Tasha. May lumabas na witness," Her voice cracked. "Kailangan ko tulungan sina Tita at Lora."
Mapait 'ko siyang nginitian. Masaya ako na nabuksan ang kasi namatagal na niya hinihintay at pinagdarasal pero hindi mapagkakaila na nalulungkot ako dahil 'yong kaibigan ko....kaibigan ko na nakasama ko ng halos sampung taon.
Binato niya ako ng tissue. "Huwag ka ngang mag-drama riyan. Ang pangit mo at hindi bagay sa'yo." sabi niya pa.
Nginitan ko siya at nag-isip ng ibang paraan para ibahin ang topic namin. "Bakit ka pala umalis bigla kagabi?"
"Wala ako sa mood uminom e. Tsaka may pasok ako ng maaga." sabi niya pagkatapos nguyain 'yong california maki. Sa isang japanese restaurant ako niyaya ni Shiela. "Kamusta na pala kayo ng boss mo?"
Nginitian ko na lang siya dahil ayaw 'kong maalala ang katangahan ko kagabi.
Nang matapos kami ni Shiela ay bumalik na agad kami sa office. Pagkalabas ko pa lang ng elevator ay bumungad na sa akin ang boses ni Martha. Sumilip ako sa may cubicle at nakita ko silang dalawa ni Roy na kumain ng ice cream. As usual from lezzetli's.
"Ms. Nat, tama lang po pala ang dating niyo. Kain po tayo ng ice cream." alok niya sabay abot ng ice cream sa'kin. Kinuha ko 'yon at umupo sa tabi ni Martha.
"Ms. Nat, wala po ba tayong gagawin ngayong araw?" tanong sa'kin ni Martha.
"Wala naman. Kung gusto mo pwede mong gawin 'yong thesis mo." sabi ko sa kanya.
"Thank you, Ms. Nat." Ramdam ko ang titig ni Roy sa'kin, parang may gusto siyang sabihin.
He cleared his throat. "Ayos lang po ba kayo, Ms Nat?" tanong niya.
Tumango ako agad. "Oo naman. Nakatulog ako ng mahimbing kagabi kaya nalimutan ko na ang lahat." Lies, sinungaling ka, Tasha. Hindi ka nakatulog kagabi kakaisip ng palusot mo sa boss mo dahil sa katangahan mo.
"Mabuti po kung ganoon." sabi niya sabay kain ng icecream nang matapos ay nagsalita siya muli. "Narinig po kasi ni Sir Lin si Rio noong isang araw na pinaguusapan ka kasama ng mga team mates niya from accounting. Ang sabi po niya pumayag raw po kayong makipag-date sa kanya."
Kumunot ang ulo ko. "Hindi ako pumayag at wala akong natatandaang pumayag ako."
"Alam po namin ni Sir Lin 'yon, Ms. Nat." Tinitigan niya ako ng maiigi. "Ayaw lang po ni Sir Lin na pinaguusapan ka ng iba. Kaya ako na po ang humihingi ng paumanhin kung ano 'man po ang nasabi niya sa'yo kahapon."
"Bati na kami." sabi ko sabay ubos ng ice cream.
"Talaga po, Ms. Nat, kung ganoon hindi ko na po gagawin 'yong favor niyo." sabat ni Martha.
BINABASA MO ANG
Deepest Treasured Fantasies
General FictionFrom: Linkurt Jade F. Monteclaro, CEO To: Inez Natasha A. Garcia, OOC Secretary Subject: Deepest, Darkest Fantasies Ms. Garcia, Are you up for an adventure? Regards, Boss baby GYPSY HEART SERIES #1