"Nice to meet you po, Ms. Nat," The intern greeted me. Kanina sinabi sa'kin ni Roy may intern na mag-sit in sa'kin for a month.
"Hello, Martha," I greeted back. Roy handed me her profile an hour before she was introduced to me. Her papers are really impressive and to add more honey on the pancakes, she's a consistent dean lister and running for Magna Cum Laude.
Mukhang hindi ko ata kakayanin ang utak ng batang 'to.
I started my day going through the emails. I forwarded the necessary ones and start making notes on what has to be done with the ones that I can handle.
Tinuro ko ang lahat kay Martha at hindi naman ako nahirapan sa kanya.
"Okay, nakukuha mo naman na." masayang sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya sa'kin. "Magaling po kasi kayo, Ms. Nat."
I continue with my tasks and organize all items that have been scanned, placing them in the correct files and relabeling everything in my boss schedule so it actually makes sense. Gusto siya kasi color coding and lahat.
"May nag-send po ng email. Revision for tomorrow's presentation." sabi ni Martha habang nasa harap ng computer.
Lumapit ako sa kanya. "Gusto mo ba i-try?" Tanong ko.
Tumango siya. Kinuha ko 'yong file sa may shelf at added documents sa pedestal. Umupo ako sa tabi niya. "Buksan mo 'yong attachment." Ginawa niya 'yong inututos ko. "Compare mo lang 'yong nakalagay sa documents sa presentation." Nakapag-draft na naman ako 'nong isang araw. Kaya wala ng masyadong i-rerevise.
Habang ginawa ni Martha 'yon, binuksan ko ang laptop. Hindi ko pa kasi tapos'yong pinapagawang "turnaround stories" at bukas na niya kailangan 'yon. Bakit ko pa kasi 'to ginagawa e, wala naman akong mapapala sa kanya. Humingi kaya ako ng vacation leave? Pero wala naman akong pupuntahan.
Nang mag-lunch time ay niyaya ko si Martha sa malapit na fastfood chain. Wala kasi si Roy. Actually, silang dalawa ng boss ko wala dahil na roon sila sa LuXe may important meeting daw. Kaya masaya ang araw ko dahil wala ang demonyito.
"Bakit accounting ang kinuka mo, Martha?" tanong ko sa kanya habang kumakain.
"Mahilig po kasi ako sa numbers, Ms. Nat." masayang sagot niya.
"Parehas pala tayo." Accounting ang kinuha ko dahil mahilig ako sa math. Hindi naman ako ganoong kagaling na student masipag lang kahit maraming kalokohan. Si Penny ang matalino at nag-top sa Board Exam for CPA's.
"May thesis ka na ba? About saan?"
"Mayroon na po, Ms. Nat. About po sa capital structure and intangible assests. Pero hindi ko pa po alam kung quali o quanti ang gagamitin ko." sabi niya pa.
Tumango ako. "Ang naaalala ko ang thesis ko noong college, about profitability, liquidity and leverage ng private institutions." I smiled at her. "Hindi ako magaling pero kung may matutulong ako mag-sabi ka lang. Bestfriend ko 'yong Top 2 ng CPA Licensure exam, pwede tayo humingi ng tulong sa kanya."
My phone vibrated and took it out of my pocket. Penny send a message sa chatroom namin.
pennycruz: Guys, I'm so sorry if walang paramdam for almost 3 months. Babawi ako lets party and get drunk tonight
shieladelarosa: private room pls luv u
millyjane: ....
pennycruz: sama mo si pristine millyUminit ang ulo ko ng makita ang chat ni Penny na isama 'yong babaeng malinis.
aimeereyes: night shift ako e
pennycruz: ay sad
millyjane: hindi raw makakasama si tine
aimeereyes: ay okay na pala ako na cancel walang census
millyjane: [side-eye emoji], [side-eye emoji]
BINABASA MO ANG
Deepest Treasured Fantasies
General FictionFrom: Linkurt Jade F. Monteclaro, CEO To: Inez Natasha A. Garcia, OOC Secretary Subject: Deepest, Darkest Fantasies Ms. Garcia, Are you up for an adventure? Regards, Boss baby GYPSY HEART SERIES #1