Chapter 20

4.2K 45 3
                                    

"Thank you po Mommy and Daddy," masaya kong sabi sa kanila. Kakapasok ko palang ng entrance sa may company nang bigla silang tumawag.

[Paano ka magcecelebrate riyan? Aalis ba kayo ng mga kaibigan mo?] tanong sakin ni mommy.

I pressed the elevator button. "May pasok ko ngayon, bukas po ako magcecelebrate kasama sila."

[Sige tatawagan ka namin ng daddy mo mamaya ha. Ingat ka, anak. I love you!]

I put my phone inside my bag and step inside the elevator. I stare at the numbers avove the door as they go up with each floor. Hindi ko alam kung bakit excited ako.

"Happy Birthday po, Ms. Nat." Bungad sa'kin ni Roy nang makalabas sa elevator. Sinalubong niya ako ng yakap.

"Thank you, Roy." masayang sabi ko sa kanya.

"Half day po pala si Sir Lin, Ms. Nat." sabi sa'kin ni Roy. "Wala naman po siyang iniwan na gagawin. Kaya pwede po tayo magcelebrate ng birthday niyo."

Medyo may kirot na gumuhit sa'kin nang malaman 'yon. "Ganoon ba? Sige, treat ko kayong dalawa ni Martha sa lunch." sabi ko sabay tungo sa cubicle ko.

Sumabay siya sa'kin. "Hindi po makakapasok si Martha, mukhang natuluyan na siya."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Anong natuluyan? May nangyari bang masama sa kanya?

He crossed his hands. "Nako, hindi po, pumunta pa 'yong intern coordinator nila rito para sabihin na may sakit po siya."

Nakahinga ako ng malalim. "Akala ko naman may nangyari na sa kanya."

Apat na araw na kasing masama ang pakiramdam niya, mukhang common colds lang. Sana gumaling na siya agad. I placed my bag on the chair and took my phone out.

Madaming notifications from instagram and private messages.

Milaiajane: Happy Birthday, Ate Tasha
PennyDelaRosa: Happy birthday bestie
Shielacruz: Happy Birthday tasha may you achieve all the things that you desire
AimeeFrancisco: Happy birthday demonyita

Natuwa ako nang makita ang mga birthdays wishes nila.

Tashagarcia: Thank you. Busy ako now. Pero let's have a dinner tomorrow. Treat ko.

I opened instagram app and saw the picture that Talia tagged me. Compilation of our baby picture, during our elementary, highscool and college graduation pictures at 'yong picture namin noong wedding niya. I was her maid of honor.

isellenatalia: Happy Birthday Twinny, I hope you have an amazing day and you deserve everything nice in this world. I love you more than the process of photosynthesis.

Nagpost din ako ng picture naming dalawa, Kinder picture at during pre-nup niya.

ineznatasha: Happy Birthday, Talia! I x2-lxly + y2 <1 you

Oh, maintindihan mo sana 'yan.

The whole day at work was just light. I answer the emails that came in, and forwarded the important to my Boss. Nang mag-lunch nilibre ko si Roy, medyo malungkot dahil wala si Martha at kaming dalawa lang dito sa floor.

"Ms. Nat, hindi na raw po papasok si Sir Lin," I looked up and met Roy's worried face. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang emosyong pinakita niya sa'kin, pinili ko na lang huwag pa alamin.

My stomach knotted and I picked up my phone. Tiningnan ko ng maigi 'yong notification. Napangiti ako nang mabasa 'yon.

From: Boss Baby

I'll be in your apartment at 8pm, let's celebrate together.

My heart sang with delight. Hindi na ako mapaghintay umuwi para magprepare.

Deepest Treasured FantasiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon