Chapter 29

3.1K 57 26
                                    

Minsan naisip ko ang pagiging tanga ba ay normal lang na paulit-ulit na nangyayari sa buhay o nasobrahan lang talaga ako?

"Mukhang malalim ata ang inisip mo, ineng?" I glanced at the rear-view mirror and saw Kuya Manong looking at me.

Ngumiti ako sa kanya. "Opo, marami akong iniisip, Kuya." sabi ko sabay tingin sa labas. Wala pa ring pinagbago ang San Antonio.

"Huwag ka mag-alala, hindi ka pababayaan ng San Antonio mahahanap mo ang katahimikan na kailangan mo rito." sabi pa niya. Kaninang pagsakay ko sa taxi niya sinabi ko agad na hindi ako marunong magbisaya, buti na lang marunong siya magtagalog.

I bit my lower lip, gusto kong sabihin sa kanya na sana nga ganoon ang ibigay sa'kin ng bayan na 'to. The last time I was here, sakit at kahihiyan ang pinaramdam sa'kin ng San Antonio.

Napahawak ako sa tiyan ko, Kaya natin 'to, anak.

Diba nga ito ang iyong gusto?
O, ito'y lilisan na ako
Mga alaala'y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon

I smiled bitterly when that song came on the radio. Ibabaon ko na lang at kakalimutan ang lahat dahil kailangan kong maging matatag para sa anak ko.

Minsan siya'y para sa iyo
Pero minsan siya'y paasa
Tatakbo papalayo
Kakalimutan ang lahat

Hindi ako tatakbo, kakalimutan lang kita. Kakalimutan ko lang ang lalaking minahal ko. Habang papalapit kami ng papalapit sa subdivision, mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang kalagayan ko.'

Mommy and Daddy, nagtanim po ako at after nine months pa lalabas ang bunga.

Mommy and Daddy, masyado po akong natuwa sa math kaya may plus one akong kasama pero plus 283 days pa bago niyo makita.

O pwede ko rin naman sabihin ang katotohanan sa kanila, Mommy and Daddy, nagmahal po ako, ginawang kabit at nabuntis.

"Neng, narito na tayo sa may subdivision niyo," sabi sa'kin ni Kuya Manong. "Hindi na po ba natin ipapasok ang taxi sa loob?"

Kumuha ako nang pambayad sa bag ko at inabot sa kanya. "Ayos na po rito, Kuya. Salamat po."

Bumaba ako nang taxi at pinagmasdan ang subdivision, sabi ni Talia, marami na raw nagbago sa subdivision. Mukha nga dahil bago na ang guard house at may magagandang bahay na sa loob, dati kasi puro lumang bahay.

"Maayong hapon. Saan po sila?" tanong ni Manong sa'kin nang pumasok ako sa gate.

"Maayong hapon po Kuya, sa Narra street po."

Tiningnan ako ni Manong at kumunot ang noo. "Ma'am Talia?" tanong niya. His head titled, mukhang inaaral niya ang mukha ko. "Ma'am, paano ka nakalabas e, kakapasok mo lang?" Tumingin siya taas at paligid. "Ma'am, ang aga mo naman manakot."

Napangiti ako ng alanganin. "Ah, Kuya, kakambal niya ako." Tinitigan niya ako ulit. "Anak po ako ni Tanya at Malik, pamangkin din po ni Aling Nita."

"Ay, patawarin mo ako, Ma'am. Bago lang po kasi ako rito. Ngayon lang kita nakita." pinapasok niya ako at nagprisinta na tatawagan daw niya sina Mommy para ipaalam ang pagdating ko. Sabi ko 'wag na lang kasi susupresahin ko sila.

Mixed emotions ang nararamdaman ko habang naglalakad. I crossed my fingers, sana mapatawad nila ako sa panibagong kahihiyan na idudulot ko. Huminga ulit ako ng malalim nang namalayang kanina pa pala ako sa tapat ng gate ng bahay namin.

It's just the same house, mukhang wala namang pinabago bukod doon sa bagong tamin na tulips sa harap ng bahay namin at bagong pinturang gate at bahay.

"Ay, yawa!" I was starled when I heard a woman screaming. "Ateng, may balikbayan sa gate!" I glanced around, para hanapin ang boses na 'yon.

Deepest Treasured FantasiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon