It has been three days. Three very long and boring days. Tatlong araw na rin akong hindi pumapasok at sinasagot ang tawag ni Roy.
It's official, I quit.
Hinding-hindi na ako babalik pa sa kompanya niya. Kahit ilang beses pa siya mag-sorry sa'kin katulad ng ginawa niya three days ago, ilang oras pagkatapos niya ako sabihan ng masasakit na bagay.
From: Bossbaby
I'm sorry, Inez.
Pulling myself up and swinging my legs out of the bed, I went to the kitchen to get some tea. Napalingon ako nang makarinig ng doorbell. My apartment is a townhouse type, may dalawang kwarto and solo parking lot.
Agad akong nagtungo sa gate kung sino 'man ang nagdoorbell.
"Delivery po for Inez Natasha Garcia?" sabi nang lalaki. May dala siya white rounded box na may bulaklak sa loob.
"Kanino po galing 'yan?" tanong ko kay Kuya.
Nagkibit-balikat siya. "Wala pong sender, Ma'am, e." Tumango na lang ako at kinuha ang box. Tinanong ko siya kung may babayaran sabi naman niya wala.
Pagkapasok sa ko loob sa pinatong ko sa dining table ng bulaklak na hindi ko alam kung ano. May nakita akong maliit na card na nakasingit sa bulaklak.
"I'm sorry."
I rolled my eyes when I figured out who gave the flowers. Tinapon ko 'yong card sa basurahan at iniwanan sa dining table ang tulips. Bumalik ako muli sa kitchen para kunin ang tea ko. Smelling the tea, I slowly take a sip trying not to burn my tongue.
My phone on the counter top vibrated, kinuha ko 'yon. Messages from Roy, Penny and Talia.
From: Roy
Kamusta na po kayo, Ms. Nat? Miss na po namin kayo ni Martha.
From: Penny
Hey friend, I gave ur number to my friend. Goodluck!
From: Talia Kuliling
Twinny, tatawag daw sayo si mommy mamaya. Minus 10 ka sa langit kapag hindi mo sinagot.
Kakabasa ko pa lang ng text ni Talia ay bigla nang tumawag si mommy sa'kin, naka-ilang ring bago ko sagutin.
I cleared my throat. "Hi, mommy."
[Anak, kamusta ka na? Pasensya na ngayon lang kita natawagan, ha. Ang Tita Nita mo kasi biglaang nagplano na magbusiness ng pandesalan sa may bayan. Akala ko hindi tatangkilikin ng mga tao. Pero jump pack kami kahapon sa opening.] masayang sabi niya sa'kin.
"Talaga po? Bakit naman po naisipan ni Tita na magbusiness ng pandesalan?"
[Oo, nabugnot ata sa bahay. Maliit lang naman ang pandesalan ng Tita po, anak.]
"Ano pong pangalan ng pandesalan niya?"
[Simple lang, Pandesalan ni Nita. Tapos ang logo may mukha niya na pinagitnaan ng pandesal. Mautak ang Tita mo, 'nak.] tumawa si mommy. [Saka pala, ang sabi sa'kin ng Talia na may bago kang trabaho?]
Napapikit ako dahil bumabalik sa'kin ang nangyari tatlong araw ang nakalipas. "Opo, pero balak ko na po mag-resign, mommy."
[Talaga ba?] Medyo lumakas ang boses niya. [Uwi ka na lang dito, 'nak. Nasabi na ba sa'yo ni Talia na si Tiboy binenta sa daddy mo 'yong lupa niya malapit sa farm. Kaya mageexpand tayo ng kaunti. Gusto ng daddy mo na gumawa ng flower farm at may botanist na nakuha si Flyn, gwapo at napaka maginoong binata.]
Kahit kailan talaga hindi nawawalan ng kwento ang mommy ko. [Anak?]
"Po?" tanong ko.
[Ano sa tingin mo? Dito ka na lang, kakailanganin natin ng talent mo financially para sa farm natin.]
BINABASA MO ANG
Deepest Treasured Fantasies
General FictionFrom: Linkurt Jade F. Monteclaro, CEO To: Inez Natasha A. Garcia, OOC Secretary Subject: Deepest, Darkest Fantasies Ms. Garcia, Are you up for an adventure? Regards, Boss baby GYPSY HEART SERIES #1