"Sinagot mo ang CEO noong isang araw? Ang lakas ng loob mo!" Bulaslas ni Shiela habang tumawa.
Sir? Isa sa mga nalaman ko rin na ako lang ang tanging empleyado dito na sinabihan niya ng "Don't call me Sir". Majority of the employees here are calling him "Sir". Kung ano mang dahilan niya ay hindi ko alam, tanong niyo na lang sa guardian angel ko.
Hindi niya ba alam na kailangan ko pa-iexercise yung dila ko para mabigkas ng ayos 'yong mahaba niyang surname? Kaya talaga kapag kinasal ako mas gusto ko sa chinese para tipid lang.
Kho, Sy, Tan.
I sit comfortably eating burger and fries. Tinawagan ko ang extension niya kanina pagkabalik namin ng demonyito sa office. Niyaya ko si Shiela kumain dahil gutom na gutom na ako.
"Deserved niya 'yon." sabi ko. Kinuha ko yung second burger na inorder ko at sinimulang kainin.
"Famous ka nga sa department namin." She took some fries and dip it in the sauce. "Gusto nga ng mga ka-workmates ko ilagay 'yong picture mo sa wall ng department namin 'tas alayan ng kandila."
"Wala akong pakialam kung sisantihin niya ako," I told her. Slowly, I just realized my purpose. I look up and check on Shiela who's now sipping on her drink. Kaya ka na rito para sa kaibigan mo, Tasha. "Pero magpapakabait na ako."
She smiled. "Wala sa bokabularyo mong maging mabait. Alam naming mga kaibigan mo 'yan." Umayos siya ng upo. "Oo nga pala anong plano ni Penny sa birthday niya?"
Penny is one of our friends. Her family runs a pharmaceutical business. We're actually six in the group. Pero ngayon lima na lang kami because of Eli. We met during college, Penny likes to call it "College Sweethearts" my friends are my family. Minus ang kakambal kong si Talia dahil saling pusa lang naman siya sa'min. Tumambay lang naman siya sa gazebo dahil doon sa crush niya.
"Hindi ko alam kung nada Pilipinas na siya o nasa Italy pa." sagot ko sa kanya. Nagpaalam kasi siya sa'min na three months ago na aasikasuhin siya sa Italy.
"Sa tingin mo makakapunta si Sister Audey? Suggest ko na lang kay Penny na sa Masbate na lang tayo magcelebrate para makasama natin siya." sabi ko.
"Tanga, masusunog ka roon," She laughed again. Trip na trip talaga niya na pagtawanan ako. Kung hindi ka lang importante sa'kin kanina pa kita binuhusan ng juice riyan.
"Sunog din si Milly Jane," I said then sipped on my juice." I doubt kung papayagan 'yon ng nanay niya-este girlfriend niya pala."
"Stop it, masaya siya kay Pristine. Supportahan mo na lang."
I will fucking never. Like never ever. Sa usapang Pristine si kaming dalawa lang ni Aimee ang nagkakasundo.
I cleared my throat. "Kamusta ka naman?"
Her eyes narrowed. "Hindi ka ba napapagod? Araw-araw na lang pagpasok mo, extension ko agad ang tinatawagan mo para itanong sa'kin 'yan. Chill, ayos lang ako. Masaya ko sa work ko."
I just gave her a nod. Wala akong mapapala rito kay Shiela dahil magaling itong isang 'to magtago ng emosyon. Conceal, Don't Feel, Don't let them know ang motto niya sa buhay.
"Oo nga pala, may bagong item about sa CEO," Huminga siya ng malalim. "There's a rumor na .." My phone buzzed on the table. A strange feeling bubbled in my chest when saw a familiar email on my indox.
Subject: Follow up on the Annual report and Return Investment
I threw my phone on the table. Ayaw ko na magbasa pa ng email na 'yan dahil masisira lang lunch ko.
"Tasha," Shiela called. "Ayos ka lang? Bakit pinagpapawisan ka?"
She wasn't able to finish what she's about say when her phone buzzed. Kinuha niya sa bulsa niya at binasa. Her lips formed an "O" and she put her right hand into her mouth. Tumingin siya sa'kin at nakakalokong tumawa. "Anong ginawa mo?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Deepest Treasured Fantasies
General FictionFrom: Linkurt Jade F. Monteclaro, CEO To: Inez Natasha A. Garcia, OOC Secretary Subject: Deepest, Darkest Fantasies Ms. Garcia, Are you up for an adventure? Regards, Boss baby GYPSY HEART SERIES #1