Chapter 30

3.1K 47 20
                                    

I closed my eyes, knowing the silence wouldn't last. Pinunasan ko ang mga mata at pisngi ko, tiningnan ko sila. Si mommy nakatingin lang sakin, si Talia, nakahawak pa rin sa kamay ko.

Pero si daddy, matalim ang tingin sa'kin at marahas na napasinghap. "Sinong ama?"

Napayuko ako dahil hindi ko kayang sabihin na walang lalaking pupunta rito para panagutan ako at walang kikilalaning ama ang magiging anak ko.

"Anak?" sabi ni mommy na naghihintay ng kasagutan mula sa'kin.

Dahan-dahan akong umiling. "Hindi ko po-,"

Hindi ko natapos ang sasabihin dahil natuon ang atensyon namin lahat kay daddy.

"Putang i-," litanya ni daddy.

"Malik!" awat ni mommy.

Mariing napapikit at napakuyom si daddy. Huminga siya ng malalim at tiningnan ako ng matalim. "Hanggang kailan ka-"

"Malik!" sigaw ni mommy. Tiningnan ni mommy si daddy ng madiin at nakakapako, dahilan para sumuko ang daddy at lumabas ng kabahayan. Kung pwede lang magiba ang bahay namin sa lakas ng pagkakasara ng pinto ay baka nangyari na.

Sinundan ni mommy si daddy sa labas.

Niyakap ako ni Talia at pilit pinapatahan. "Shh, hindi ka namin papabayaan, pangako 'yan." Pumikit ako at dinama ang mga luhang rumaragasa sa aking pisngi.

"Ang tanga ko, Talia, sobrang tanga." yumakap ako sa kanya. Ang mga kamay niya ay humahaplos sa likod ko.

"Lahat naman tayo may katangahang nagawa sa buhay, pero hindi ba, ang mga katangahan na 'yon ang tumutulong sa'tin para matuto." pinakawalan niya ako at tinignan sa mga mata. "Tahan na, nakikita ko sa'yo ang sarili ko, ang pangit ko pala kapag umiiyak." sumimangot siya.

Natawa ako at napairap sa kanya. Tumayo kami at nagtungo sa kusina. Habang naglalakad napasulyap ako sa pinto na pinaglabasan nila mommy at daddy.

"Huwag ka na masyado mag-isip, nagulat lang si daddy sa'yo." sabi niya para pakalmahin ang loob ko. "Hindi ka matitiis ni daddy, favorite ka kaya niya." kinindatan niya pa ako.

Gabi na pero wala pa rin si daddy. Ilang oras makalipas nang pag-alis niya, umuwi mag-isa si mommy. Ang sabi niya sa'kin dumiretso raw sa farm si daddy dahil may kailangang asikasuhin.

Tumango na lang ako kahit na alam kong hindi 'yon ang dahilan. Galit sa'kin si daddy at sino nga ba namang hindi magagalit sa ginawa ko?

"Hindi pa ba matutulog, anak?" nakita ko si mommy sa may gilid ko. Nasa living room pa rin ako at hinihintay si daddy. Hindi ako titigil hangga't hindi niya ako mapatawad.

"Hinihintay ko po si daddy." sabi ko. Huminga ng malalim si mommy at niyaya ako papuntang garden. Hindi ko alam na may ganito na pala rito. Natuon ang atensyon namin sa pinto dahil sa pag-galaw ng door knob, niluwa noon si Talia na naka-pajama at may dalang unan.

"Hello, twinny." ngumiti siya sa'kin. "Sleepover muna ako rito," tumingin siya kay mommy. "Pinayagan ako ng babes ko at tulog na rin ang anak namin, 'my."

Inakbayan niya ako. "I'll spend some quality time muna with my twinny."

"Oh, sige, dalhin mo sa garden ang kakambal mo't magtitimpla lang ako ng gatas para sa inyo."

Lumabas kami sa loob ng bahay at nag-tungo sa garden, agad akong namangha.

"Zen Garden ang tawag diyan, twinny." umupo kami sa may patio at umupo sa may rattan sofa roon. "Ako gumawa niyan, partida ginawa ko 'yan noong buntis ako sa panganay ko." pagmamalaki niya.

Deepest Treasured FantasiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon