"My affections and wishes are unchanged; but one word from you will silence me on this subject for ever."
I gave the second batch of popcorn in bowl to Shiela, kinuha niya 'yon at binalik ang atensyon sa pinapanood niyang movie. As soon as we landed in Manila, sabi niya sa apartment muna siya dahil bukas na ang flight niya papuntang Ilocos.
I lift a gaze on the TV para manood ng "Pride and Prejuice", naalala ko rati ito ang favorite na panoorin ni Eli at Milly Jane sa condo naming dalawa ni Talia noong college.
"Find a man who will look at you the way like Mr. Darcy looks at Elizabeth." Milly Jane exlaimed, while looking at Eli.
Ngumiti si Eli. "Tagalog, please?"
"But I have an accent, it doesn't sound right." Malungkot na sabi niya kay Eli. Inabot niya ang bowl kay Talia na nakaupo habang nakikinood din. "Ate Talia, popcorn, please?"
Nakangiting kinuha ni Talia 'yon at nag-init ng popcorn. Nakakainggit ang buhay nila parang hindi sila mga estudyante samantalang ako narito sa mesa at kumukulot ang utak sa Taxation.
Bakit nga ba ulit ako kumuha ng Accounting?
"Balang araw makakahanap din tayo ng Mr. Darcy ng buhay natin." Kinikilig pa na sabi ni Eli.
"Yes!" sabi ni Milly Jane.
"Mga batang 'to, imbis na pag-aaral ang inaatupag ay paglalandi. Magsipag-aral nga kayo't damayan ang hirap ko!" sabi ko at tinawanan lang nila ako, mga bastos.
"Life will give you beauty but it will also give you pain," Ngumiti ng mapaiit si Shiela. "Iyan ang laging sinasabi ni Eli."
Humiga siya sa kama. Kinuha namin ang cushion sa dati niya kwarto at nilagay namin sa living room para comfortable kaming manood.
"I still think of her, every single day," sabi niya. Huminga ako ng malalim at humiga sa tabi niya.
"Kahit ako, kung alam ko lang na ganoon na pala. Sana kinausap ko siya, sana may nagawa akong paraan." guilt is filling in my gut.
Shiela placed her hand on top of mine. "It wasn't your fault."
"Ako ang huli niyang kasama." A swift shadow from the past flashed on my face.
"Kung mayroon 'man na sobrang nasaktan sa pagkawala ni Eli, si Milly Jane 'yon. Kaya ako, labag 'man sa loob ko ay tinaggap ko si Pristine, dahil masaya si Milly."
I felt irritable and unhappy when I heard that name. "She's a bad news, Shie. Hindi ko alam kung bakit hindi niyo nakikita 'yon ni Penny."
"They love each other."
I know nothing about love, pero para sa'kin hindi pagmamahal 'yong halos hawakan ka na sa leeg at bantayan at kalkulahin lahat ng kilos mo. Mas okay pang tawaging nanay si Pristine imbis na girlfriend.
Pinili kong i-tuon ang mga mata ko sa TV.
I woudn't tell you, you have bewitched me, body and soul and I love you. I never wish to be parted from you from this day on.
I have to admit that the first time I watched this, I didn't think he was attractive or romantic at all. Napaka-seryoso niya at walang connection sa kanilang dalawa ni Elizabeth. Masyado niyang pinakomplikado ang story, e, kung sinabi na lang niya na gusto niya 'yong babae, hindi sana tatagal ng dalawang oras ang storya nila.
Hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit standard ng mga babae si Darcy.
"Ma-mimiss ko kayo kapag umalis na ko, lalo ka na." malungkot na sabi niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Deepest Treasured Fantasies
General FictionFrom: Linkurt Jade F. Monteclaro, CEO To: Inez Natasha A. Garcia, OOC Secretary Subject: Deepest, Darkest Fantasies Ms. Garcia, Are you up for an adventure? Regards, Boss baby GYPSY HEART SERIES #1