Chapter 21

3.5K 48 6
                                    

"It's Rhinovirus and you're also anemic." The doctor told me. Tiningnan ko si Aimee dahil hindi ko maintindihan 'yong doctor sa OPD clinic.

Lumapit siya sa'kin at bumulong. "Huwag ka mag-alala hindi ka pa mamatay."

Inasikaso ako ni Aimee pagkapunta namin dito sa hospital kung saan siya nagtratrabaho na pagmamay-ari ng father ni Milly Jane.

They test my blood and request for a chest xray as well. Medyo natatakot ako sa hospital dahil hindi naman ako laman ng hospital noong bata. Buti na lang at hindi ako pinabayaan ni Aimee, may natatago rin palang kabaitan 'tong babaeng to. Iba talaga kapag na-engaged. Sana all.

"I'll prescribe you some anti-viral drugs, antihistamines and nasal decongestants." sabi ng doctor habang nagsusulat sa prescription pad.

She explained to me the dosage and directions on how to take the drugs. Pagkalabas namin ng OPD, dumiretso agad kami sa pharmacy para bumili ng gamot. Malaki ang hospital ng St. Therese Haven, pang-world class.

Ang sabi sakin ni Penny, nasa top five raw 'to na teaching school sa buong asia at may mga foreigners na pumupunta pa rito para mag-residency.

"Kailangan kapag na-spray mo sabayan mo ng pag-inhale tapos takpan mo 'yong kabilang ilong mo." sabi sakin ni Aimee habang naglalakad. "Naiintindihan mo ba?"

Tumango na lang ako dahil sobrang sakit ng ulo ko. Start na ng shift ni Aimee kaya hindi na niya ako mahahatid. Magtataxi na lang ako.

"Tinawagan ko si Milly Jane, pupunta siya sa'yo bukas para i-check ka."

Tiningnan ko siya para magprotesta pero tinapik na lang niya ang braso ko at pinangdilatan pa ako ng mata. "Salamat." sabi ko sa kanya at sumakay na ng taxi.

Nang makauwi ako ay hindi na kinaya ng mga paa ko para makapunta sa kwarto kaya sa sofa na lang ako humiga. I took a deep breath and dozed off.

The loud banging on the door had me jumping out of the couch. Dahan-dahan akong tumayo. "Milly? Ikaw ba 'yan?"

Ang sabi ni Aimee after three days pa siya.

When I opened the door, it wasn't Milly. "Anong ginagawa mo rito?" I covered my mouth then coughed.

"Can I come in?" He lifted three paper bags. "Soup and fruits."

I opened the door and he strolled in. "What's wrong? Nag-pacheck up ka na ba?"

Tumango ako. "Rhinovirus." Kinuha ko 'yong binili namin ni Aimee na mga gamot at nagtungo sa kwarto ko. Umupo ako sa kama at kinuha 'yong nasal decongestant.

"What's wrong?" tanong niya habang tumayo sa harap ko. Naka-suit siya galing ata siyang office pero ang pagkakaalam ko foundation day ngayon. Tumingin ako sa may orasan, napahaba ata tulog ko kanina dahil eight o' clock na ng gabi.

I was struggling with the bottle. Nakalimutan ko na 'yong sinabi ni Aimee. Sisinghutin ba 'to o spray lang?

"Let me," Kinuha niya sa kamay ko at lumuhod sa harap ko. "This one?" he pointed my right nostril. Tumango ako "Cover the other one, then breathe in." Ginawa ko ang sinabi niya sa'kin. A menthol and clammy liquid strike my sinuses.

Inulit niya 'yon sa kabila. "You good?"

Tumango ako. "Bakit ka nandito?"

He leaned in and touched my forehead. "Roy told me you're sick. I was worried."

I let out a low chuckle. "You ghosted me."

His eyebrow furrowed, tila nawalan ng kulay ang mukha niya. "I'm sorry something important came up." Umiwas siya tingin sa'kin. "Kumain ka na?"

Deepest Treasured FantasiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon