Endure. Endure. Endure.
’Yan lang ang umiikot sa utak ko.
Simula kanina hindi pa ako nakakatulog. Ang mga kasama ko dito, humihilik na nang malakas, mukhang kumportable na sila. Ako? Hirap pa ring mag-adjust. Ang tigas ng kutson, parang may insekto pa yata. Di ako mapakali.
Suot ko ’yung Balenciaga hoodie at Chanel cap. Baka makatulong mag-ikot-ikot. Dahan-dahan akong kumilos para hindi magising ang lahat.
Umupo ako sa harap ng barracks... tanaw na agad ang field. Past midnight na siguro, kaya walang tao.
Hindi ko rin magamit ang cellphone. Ito yata ’yung pinakamahirap I-adjust... walang updates sa mundo.
Napatitig ako nang makita kong papunta si Yndra sa field, cargo pants lang at puting camisole.
Wala rin akong magawa, kaya pinanood ko lang siya. Lumapit pa ako at naupo sa damo. Siguro naman hindi niya ako mapapansin.
Lagi ba siyang nagte-training nang ganito ka-late?
Kaya siguro may abs siya.
Ni hindi ko napansin kung gaano ako katagal nakatulala.
“I know you’re there.” Umupo siya sa bench, pawis na pawis.
Napakagat ako sa labi pero lumapit na rin at naupo sa tabi niya.
“You should be in your barracks... sleeping.”
“I-I’m lost!” depensa ko. “Can’t sleep, okay? Malay ko ba na may pa-show off ka rito.” Umirap ako.
“Matulog ka na,” utos niya habang nagpupunas ng pawis.
Huminga ako nang malalim. “Can I borrow your phone? Please?”
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Anong gagawin mo sa phone ko?"
"Mag-uupdate sa Instagram."
Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin.
“Fine. Sanay lang akong mag-phone bago matulog, okay?”
“I don’t care. Mag-adjust ka.”
Ah, as usual, cold and heartless, pero naalala ko ’yung bilin ni Tito... sumunod sa utos ng babaeng yan.
Pero imbes na bumalik ako sa barracks, nanatili akong nakaupo sa damo. Sinundan ko lang ng tingin ’yung mga galaw niya habang nag-uunat, nag-squat, at parang walang kapaguran sa pagtakbo paikot ng field.
Sa totoo lang... ang hot niyang panoorin.
Pero hindi ’yun ang sadya ko.
Endure. Endure. Endure.
Nagbalik na naman sa isip ko ’yung iniwan niyang salita kanina.
Tumingin siya sa akin habang pinipiga ’yung towel. “You’re still here?”
“Wala naman akong curfew,” sagot ko. “At tsaka, I find your nightly show quite entertaining. You’re like a fitness influencer na walang camera.”
Hindi siya tumawa. Gulat? Oo. Amused? Definitely not.
Nag-criss-cross ako ng legs sa damo. “So... lagi ka ba talagang gising ng ganito ka-late?”
“Usually.”
“Ah. Para saan? Di ka ba napapagod?”
“Sanay na katawan ko.”
“Hmm.” Tumango-tango ako na parang seryoso talaga akong interesado. “And bakit ka nagsusuot ng camisole tuwing training? Hindi ka ba mababastos? Ang daming lalaki dito?”
