NA 37: History

1.5K 106 0
                                    

Expect typos and wrong grammars.

Keesha's POV...

Here we are at the headquarters together with Blast's mom. Dito muna sya pinatuloy hangga't di pa tapos lahat ng kaguluhan.

Lahat sila kumakain sa dining table, ako, nasa library. To search, about Pharoa. Di ako pwedeng sumugod ng wala akong alam.

Nakaupo ako sa single sofa habang hawak ang librong bigay ni Sir Lethist. Hiningi ko ito kanina kay Sir.

History of The Districts

Basa ko sa cover title ng libro. Pinunasan ko iyon saka hinipan para maalis ang alikabok na nasa harap.

Pagbukas ko ay amoy itong luma. Halatang matagal nang di binubuksan.

Sa unang pahina ay nakalagay kung sino ang sumulat ng bawat pahina at kaalamanang nasa loob ng libro.

Pumunta agad ako sa unang section. Pinakamayang distrito sa mundo ng mahika.

History of Night Academy
Isinulat ni : Mr. Alejandro Hanadelle

As I discovered Night Academy. Madaming ipinagkaloob ang nasa itaas. Ginabayan nya ako.

Ayon sa buong araw at gabi ng pagsusuri ko. Ang eskwelahang ito ay galing sa ilalim ng tubig na lumulutang at lumalabas lamang tuwing pasado alas sais ng gabi at mawawala din kapag alas singko na ng umaga.

Dahil sa patuloy kong pagsusuri. Pinasok ko ang loob nito at bumungad sakin ang rebulto ng isang diyosa na may asul na katawan. Tila ba sya ang Diyosa ng gabi. Kay ganda pagmasdan ng eskwelahan. Hinintay kong umabot ng alas singko ngunit mali pala ang desisyon na iyon.

Kapag ikaw ay naiwan sa loob ng Night ay mananatili ka na sa ilalim ng tubig hanggang sa mawalan ka ng hininga maliban na kung taglay mo ang mahika ng tubig o ang hindi pa nadidiskubreng uri ng kapangyarihan.

Ako at si Seah.

Ayon din sa kasulatan na nahanap ko sa isa sa mga pasilyo ng eskwelahan, ang Night Academy ay mananatiling nakatayo hangga't nabubuhay ang tagapangalaga ng mahika ng tubig at ang di pa nadidiskubreng uri ng kapangyarihan.

Ako at si Seah. Importanteng pundasyon ng Night Academy. Ibig sabihin pag nawala si Seah, ang Night Academy ay mawawala na at lulubog na sa lawa habang buhay.

Nilipat ko sa ibang pahina ang libro at inihinto iyon sa pahina na hinahanap ko.

History of Pharoa
Isinulat ni : Felicidad Malicia

Ito na ang hinahanap ko. Kailangan kong malaman ang lahat ng pwede kong malaman para sa ganon ay parang wala kong alam.

Ang Pharoa ay isang bayan na malapit sa kabihasnan, sagana sila sa lahat. Pagkain, inumin at sandata. Ngunit isa lang ang may kulang sakanila. Sapat na proteksiyon at kapangyarihan.

Ang mga tao sa Pharoa ay nagiging mga hayop na din lalo na pag sila ay nagugutom o nagagalit. Ilang beses ng nasakop ang Pharoa dahil sa kakulangan sa kapangyarihan. Ngunit patuloy sila sa paglaban, isa na nilang proteksiyon sa sarili ay ang pagpapagutom sa kanilang mga sarili ng sa ganon ay makalaban sila kahit walang sandata.

Night Academy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon