Pola's POV...
"Kukurutin ko talaga sa singit yang tatay nyo kapag di yan umuwi!"singhal ko habang hinihiwa ang manok na nasa plato ko.
Kumakain kaming tatlo nila Grela at Grale dito sa dining area. Gabi na at tatlong araw na ang nakalipas pero di padin umuuwi ang lapastangang si Grand.
Ni hindi man lang tumawag o kahit magtext man lang tas sabihin nyan. 'Kasama ko kabet ko, wag mo na ko hintaying umuwi'. Gano ba kahirap sabihin yon ha?
Masaya na kaming lahat. May isa nang anak sila Keesha at Bleu. Si Blast at Wendy ayon may isa na ding anak. Si Frost at Seah naman may dalawa ng anak.
Natapos na kaming kumain ng mga anak ko. Dumeretso kami sa sala dahil nagrequest sila na manood daw kami ng barbie.
Umalis din muna ko saglit dahil tumawag sakin si Wendy. Medyo bestfriend ko. Pagbalik sa loob ay umupo na ako sa tabi ng mga anak ko.
"Mommy anong oras uuwi si Daddy?"cute na cute na cute na tanong ni Grela.
Imbes na sagutin sya ay gigil kong kinurot ang pisngi nito na syang ikinangiwi ni Grale. Agad naman akonh nataranta nang mapansing naluluha na si Grela.
"Hala baby sorry!"sabi ko saka ko sya niyakap.
Narinig ko naman ang paghikbi nya hanggang sa unti unti iyong lumakas. Nagulat naman ako ng pati si Grale ay umiyak.
"Huy di naman kita kinurot ah!"sabi ko pa dito saka ko sya hinila palapit sakin para mayakap din sya.
"M-Mommy is it t-true? D-Daddy has a m-mistress?"tanong ni Grale.
Nagulat naman ako nang makita na ang lumuluhang mukha ni Grale. Pero nagulat den ako sa tanong nya.
Madalas di mo kakikitaan ng ekspresyon ni Grale at yon ang naman nya sa kanyang Daddy. Sya ang una kong isinilang kaya Kuya na tawag namin sakanya at since di naman magpapatalo si Grela, kaya Ate den ang tawag sakanya.
"No! Kanino mo narinig yan?!"mahinahong tanong ko.
Kahit kasi ako ay hindi ko alam. Kung ano na bang ginagawa nya at bakit di sya nagpaparamdam.
"Kay Y-Yaya."sagot ni Grela.
Nanliit ang mata ko pero lumaki din agad hehe. Niyakap ko silang dalawa saka ko sila hinalikan sa noo.
"Wag kayong maniniwala sa sasabihin ng iba okay? Kay Mommy at kay Daddy lang kayo maniwala palagi."sabi ko pa saka ko sila nginitian.
Sabay na umangat ang ulo nila. Napangiti ako lalo nang makita na cute padin sila kahit na umiiyak.
Kukurutin ko na sana ang pisngi nila ng bigla silang tumayo at tumakbo papunta sa garden na parang takot na takot sakin.
Natawa nalang ako dahil sa kakulitan nila. Na namana din siguro nila sakin haha.
Nang mahuli ko sila ay napahiga sila sa damo dahil sa kiniliti ko sila. Nahinto lang ako nang biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ko. Keesha's calling.
"Ate, Kuya, pasok na muna kayo sa loob. Susunod ako."sabi ko.
Tumango naman sila at nag-unahan pa sa pagpasok sa loob. Sinagot ko naman na ang tawag ni Keesha, mahirap na baka lumipad toh papunta sakin.
* * *
Grand's POV...
It's been seven years magmula nang ikasal kami ni Pola. Akalain nyo yon? Natagalan ko sy!
Kasalukuyan akong nagmamaneho pauwi sa bahay namin dito sa mundo ng mga mortal. Pakatago padin ang mahika namin at hindi parin maaaring malaman ng sinuman.
Pagkarating sa bahay ay pinark ko na ang kotse sa garahe at pumasok sa loob ng bahay, bahay namin.
"Daddy!"
Lumitaw ang matamis kong ngiti nang makita ang dalawa kong anak na naglalaro sa sala.
Tumakbo sila palapit sakin saka nila ako niyakap. I patted their heads. Lumuhod den ako para maging kapantay ko sila.
"Daddy san ka galing?"tanong ni Grela, anak kong babae.
"Daddy where have you been?"tanong naman ni Grale, anak kong lalaki.
And they're my twins.
"Daddy went on a shooting at L.A. Come on, may pasalubong ako sainyo."nakangiting sabi ko.
Iginiya ko na sila pabalik sa sofa pero nanakbo na sila don at patalon na naupo.
"Where's your Mom?"tanong ko nang mapansing walang maingay.
They just shrug while eating there own big chocolate bars. Tumayo naman ako at saglit na binilin ang dalawa sa Yaya.
Una kong pinuntahan ang garden kung saan paboritong lugar ni Pola sa buong bahay. She loves the nature.
Napangiti ako nang makita ko sya sa may tabi ng pool at mukhang may kausap sa telepeno.
Dahan dahan akong naglakad palapit sakanya.
"Babe--the fvck!"I shouted then I held my face. "Bakit ka ba--"
"Bakit ang tagal mong umuwi ha? Siguro totoo sinasabi ng mga anak mo?! May kabit ka talaga! Jusko naman Grand matanda ka na! Kala mo ba gwapo ka pa ha?! At saka may dalawa ka ng anak hoy! Mahiya ka naman sakanila! Balak mo pang dagdagan ang kapatid nila tas sa labas lang din naman mapupunta! Ano di ka makasagot?! So ibig sabihin totoo! Napaka--"
I immediately stop her from ranting through a kiss. A soft one full of love and care.
Kita ko ang panlalaki ng mata nito pero unti unti din iyong sumara at tinugon ang mga halik ko.
"The fvck!"
Napalayo agad ako kay Pola nang marinig ko iyon. Di ako nagkakamali, it was the Grale.
"Anong sabi mo?"
Naunahan ako ni Pola sa pagsasalita. Oh no, here we go again.
"Narinig ko kay Daddy yon. What the fv--"nahinto si Grale sa pagsasalita ng ipantakip ni Grela ang maliit nitong kamay sa bibig ni Grale.
In 3, 2, 1, engk!
"Ano anong nalalaman mong bata ka ha? Ang bata bata mo tapos ganyan lang sasabihin mo?! Hindi kita binuhay ng limang taon para lang sabihin mo yan! Ano ha?! Sasagot ka pa eh! For heaven's sake Grale! Don't ever say that again!"
Natulala ang kambal dahil sa sunod sunod na ratatata ng bibig ni Aling Pola.
"Mom--"
"Buset kayo!"sigaw pa ulit ni Pola.
Lumapit sya sa pwesto namin nila Grela at Grale tapos ay niyakap nya kaming tatlo.
"I just want what's best for this family."Pola whispered.
Yeah, we're not a perfect family, pero kumpleto at masaya kami and I couldn't ask for more. Sila lang sapat na sakin, pampawala ng pagod at pampangiti.
++++++++++
Kindly wait for the next special chapters, thankyou!
Happy 12.9k+ reads and happy 1k followers to me! Thankyou guys so much. I owe you all a lot, big time!
~LL
BINABASA MO ANG
Night Academy [COMPLETED]
AdventureSTARTED : April 23, 2020 FINISHED : March 27, 2021 A school which only appears at night. Noong una akala mo ay pangloko-lokohan lang. Kasi naman, maiisip mo ba na may eskwelahang sa gabi lang lumalabas? Syempre that is a super unusual thing. Pero na...