Expect typos and wrong grammars
Keesha's POV...
Bumalik na ko sa gymnasium ng oras na para sa Dual Battle. Si Seah at Frost na ang lalaban. Nasa labas pa sila dahil may naglalaban na sa loob ng holographic room.
Si Nora ang nanalo sa singles. No wonder, halata naman den kasi, ang mga strength users ay natural na ang lakas sakanila.
"Club B wins!"announce ni Frost saka lumabas ang mga naglaban.
Sumunod ng pumasok sina Seah at ang Club B na nanalo. Suot na nila ang mga ginawa ni Frost na device para sa magaganap nilang laban.
Seah's POV...
Pumasok na kami ni Frost sa loob. Medyo kabado ako kasi first time kong lalaban sa ganitong klaseng event.
Inanunsyo na ni Grand na simulan na ang laban pero wala ni isang gumalaw sa amin. Para bang ine-examin muna nila ang mga magiging galaw namin.
Tila hangin na lumampas sakin si Jeff, kalaban namin, Speed magic user. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay di ko naiwasan ang ginawa nyang suntok, akala ko ay tatama iyon sakin pero nahinto ang suntok. Don ko lang nakita na naka-freeze na pala sya.
Nakita ko ding sumugod si Chels, mula den sa club B. Agad akong nakaiwas saka kumuha ng pwersa para patamaan sya ng sipa na di nya nagawang iwasan.
"Mygosh! Couple to couple!"sigaw ng kung sino mula sa labas. Kanya kanyang bulungan at chismisan ang lahat ukol sa isyu na yon.
Oo, nababalitaan ko na magjowa si Chels at si Jeff pero ang alam ko rumored o kaya M.U lang sila.
Magjojowa pa magbebreak din naman tsk!
Nakita kong nalulusaw na ang yelo kay Jeff kaya naman kinuha ko ang chance na gawing water ball ang yelo na nalusaw saka pinatama kay Chels.
Lumipas ang minuto, nananatili kaming hingal, kulay kahel na ang suot ko samantalang pula na kay Frost. Konti nalang ay muubusan na kami pero parang di man lang napapagod ang dalawang toh.
Nauna na silang sumugod ngayon. Mano manong labanan ang ginagawa namin. Kami ni Chels, si Jeff at si Frost.
Ramdam ko ang tensyon na nagmumula sa labas. Mukhang pati sila ay kinakabahan sa magiging laban at resulta nito.
Dahil sa nadistract ako dahil don kaya nasipa ako ni Chels sa sikmura. Bago ako matumba ay nakita ko ang pag-usbong ng patulis na bato sa likod ko.
Rock Type, yon ang magic ni Chels. Akala ko ay tatarak na sa likod ko ang bato. Naghintay ako ngunit isang malamig na bagay ang nagpatigil sakin mula sa pagbagsak.
Kita ko ang hirap ni Forst habang pinipigilan ang paglapit ng kutsilyo sa kanyang mukha.
Agad akong tumayo. Saka sinipa si Jeff palayo kay Frost.
Gamit yelo na ginamit ni Frost sakin kanina ay binilog ko iyon saka pinatama sa ulo nila. Di ko na iyon inalis don, hanggang sa mapaluhod sila at magpapadyak. Nagmamakaawa para sa kanilang buhay.
A sudden eager came to me. Parang, parang gusto ko na tong tapusin. Lalo ko pang hinigpitan ang kapit ng tubig sa kamay ko. Napahiga na silang dalawa at nagkaka-kawag ng mahina.
Nahinto lang ako ng may biglang humila sakin palayo at palabas sa holographic room.
"What were you thinking?! You almost killed them!"sigaw ni Frost sa mukha ko.
And then my senses went back. Don ko lang narinig ang ingay ng hiyawan. Ang mga pinag-gagagawa ko sa loob at ang pagbulyaw sakin ni Frost.
"I-I wasn't thinking."sabi ko saka yumuko.
Nagulat nalang ako ng maramdaman ko ang mga bisig ni Frost na yumakap sakin.
"Don't make me worry like that again or I might locked you inside my room."sabi nya saka bumitaw sa pagkakayakap at tinalikuran na ko.
I was left dumbfounded about that situation. Frost...
.....
Keesha's POV...
Matapos ang cringe na pangyayaring yakapan ni Seah at Frost, ay naghanda na kami dahil kami na susunod na lalaban.
As usual, nauna paden ang Club B at C, kami ang mahuhuli. Pero sa huli ang Club B ang nanalo sakanila.
Nasa loob na kami ng holographic room. Nakapwesto na ang bawat isa sa amin at anumang oras ay maaari ng umatake.
Opponent Number 1, Flora, Plant magic user. Opponent Number 2, Erica, Rain magic user, Opponent Number 3, Luisa, Sand magic user. Flora, Erica, Luisa, also known as the triplets.
Trio battle. The most intense one. I can't use fire magic as of now, and that's there advantage.
Sabay sabay na sumugod ang tatlo kaya agad kaming naalarma. Bigla nalang nagkaron ng ulap sa itaas, sumulpot den ang mga vines sa paligid. Bumuhos ang ulan kaya't lalong lumaki ang mga vines. Bigla nalang may lumitaw na maliit na ipo-ipo ng buhangin kung saan nakasakay ang tatlo.
Agad na nagtanguan si Bleu at Blast, anong gagawin nila? Aba malay ko!
Tumakbo si Bleu kasabay ni Blast habang gumagawa ng fireball samantalang bola ng hangin kay Bleu.
No, they can't do that.
Agad akong nag-teleport papunta sa harap ng dalawa saka ginamit ang Earth magic para ikulong kaming apat, ang triplets at ako sa ginawa kong rock barrier.
Sobrang tahimik dito sa loob. Nawala den ang mga binuo ng triplets kanina kaya ngayon ay nakikipag-titigan ako sakanila.
"Ang tapang mo den pala."Luisa
"Mag-isa ka lang girl!"Flora
"Tara na at ng matapos na toh."Erica
"Let's fight this sh*t and get over this."iritang pahabol ni Flora.
"Ikaw nga mukha sh*t kumuda ba ko?"banat ko naman sakanila.
Parang nagulat pa sila kaya naman sabay sabay nila kong sinugod. Agad akong ginamit ang fire magic para pakuluin ang lava na nasa ilalim ng lupa, saka ko bumuo ng water barrier sakanila para di na sila makalabas.
Kita ko ang paggamit ni Flora sa mga halaman para sipsipin ng vines ang tubig.
I won already.
Nagpalabas ako ng maliit na apoy sa daliri ko saka iyon pinapunta sa vines dahilan ng pagka-sunog non.
Kasabay ng pagiging tupok ng vines ay ang pagtumba ng triplets. Nawala na ang mga binuo ko.
Rinig na ang sigawan sa labas. Nakita ko pa si Bleu at Blast na lumapit sakin at doon na umitim ang buong paligid.
++++++++++
Been busy lately with the modules and online classes. Bare with me guys HAHAHA
~Lorreyyyn
BINABASA MO ANG
Night Academy [COMPLETED]
AdventureSTARTED : April 23, 2020 FINISHED : March 27, 2021 A school which only appears at night. Noong una akala mo ay pangloko-lokohan lang. Kasi naman, maiisip mo ba na may eskwelahang sa gabi lang lumalabas? Syempre that is a super unusual thing. Pero na...