Special NA 3 : Complete

2.1K 108 9
                                    

Blast's POV...

Kainis naman si Wendy eh. Ang bagal bagal talaga kumilos. Male-late na kami oh!

Makalipas pa ang ilang minuto ay nakarinig na ko ng yabag ng paa pababa sa hagdan.

"Ano ba naman sugarpie--"

Nahinto ako sa pagsasalita ng makita ang kabuuan ng itsura nya.

Parang nag-slow motion yung pagbaba nya sa hagdan. Ang ganda ganda nya sa suot nyang beige color sleeveless dress.

"Huy!"

Nahinto ako sa pagpapantasya nang pitikin bigla ni Wendy ang tenga ko.

"Aray naman!"angil ko pa sabay hawak sa tenga ko. "Bakit ka ba namimitik? Amazona ka talaga!"

"Kanina pa kasi kita tinatawag loko ka!"sigaw den nya saka naglakad na papalabas ng bahay. "Tara na aba. Ang bagal eh!"

What?!

Napa-iling nalang ako saka sumunod sakanya palabas. Sumakay kami sa kalesa papunta sa orphan home dito sa mundo namin.

Taon taon tuwing pasko ay dito kami nagce-celebrate ni Wendy. Di kami pinalad sa anak dahil sa hindi mabuntis si Wendy. Pero di naman iyon naging dahilan ng kalungkutan namin.

Masaya ako dahil mas madami kaming bata na natutulungan. Ayoko lang yung palagi nila kong kinukulit na buhatin silang lahat, ang bigat pre!

"Nakalagay na ba lahat?"tanong ni Wendy na ang tinutukoy ay ang mga regalo at mga pagkain.

Tumango lang ako.

Actually, may pagkain naman na sa orphan home pero gusto parin naming dagdagan para sa mga bata at para mas happy sksksk.

Nagsimula nang magdrive, yung driver malamang. Makalipas ang sampung minuto ay nakarating na kami sa aming destinasyon.

Street Fighter Homes

Dito sa lugar na ito ako halos lumaki. Kung saan nagtrabaho ang nanay ko. Kung saan nagkakilala si inay at itay at kung saan ako nabuo.

"Dhie tara na."untag ni Wendy.

Bumalik ako sa reyalidad. Ngumiti ako sakanya saka tumango. Nagsimula na kaming maglakad papasok.

Sa bungad palang ng entrada ay kita na ang mga palamuti at ang malakas na tugtog pang-pasko.

"Mhie tara na."yaya ko pa.

Ngumiti naman sakin si Wendy saka kami nagtuloy papasok sa loob.

"Mams, Paps!"

Napangiti ako ng malaki nang sabay sabay na tumakbo papalapit samin mga bata. Sinimulan nila kami kulitin ang iba ay nagpapabuhat pa.

"Mga bata, hayaan nyo muna ang Mams at Paps nyo."sabi ni Nanay Merli, katiwala ng SFH.

"Nay Merli! Maligayang pasko ho!"sabi ni Wendy sabay yakap kay Nanay Merli.

"Mhie akina yang dala mo, ako na magbababa."sabi ko pa.

Tumango naman si Wendy sabay abot sakin ng mga dala nya at lumakad na palapit sa mga bata at doon nakipaglaro.

Ibinaba ko naman ang mga dala naming pagkain at regalo. Inayos ko ang mga iyon hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang batang babae na tahimik na nakaupo sa isang sulok, blangko ang ekspresyon nya at halatang walang interes sa nangyayari sa paligid nya.

Lumapit ako dito saka naupo sa tabi nya. "Hi!"

Masaya ng pagbati ko pero hindi ako nito pinansin. Tumingin lang sya sakin sabay tingin ulit sa malayo.

Night Academy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon