Last update for this day. Thankyou for reading and enjoy!
Btw, COTL is pronounced as kowtel.
You may encounter wrong grammars and misspelled words.
Seah's POV...
Nandito kami ngayon sa VR hindi para magpractice kundi para maipaliwanag ni Sir Lethist ang magiging theme ng COTL(Clash Of The Legends) ngayong taon.
Nakaharap sya sa amin habang kami ay nakaupo sa may sofa. Isa isa kaming tiningnan ni Sir bago sya nagsalita.
"As you all know. Ginaganap ang COTL sa buwan ng agosto ika-labing lima. Ito pa lamang ang pangalawang beses na mangyayari ito. Una noong nakaraang taon."panimula ni Sir. "Anim na eskwelahan ang maglalaban-laban para masungkit ang Legendary Trophy. Hindi lamang pagkapanalo ang makukuha nyo dito. Maaari pa kayong makakuha ng iba pang privileges gaya nalang ng karagdagang kapangyarihan mula sa nakakataas."
Napanood ko ang unang laro ng COTL pero hindi ko alam na may iba pang makukuha maliban sa trophy.
"Alam nyo naman na isang clash ang COTL. Dito mapapatunayan kung sino nga ba ang pinakamalakas na eskwelahan. Titingalain kayo, tayo kung sakaling tayo ang manalo."seryosong sabi ni Sir.
"Bakit nga ba kailangan pang patunayan kung sino ang pinakamalakas? Pantay naman lahat ng tao."sabat ni Blast.
"Dyan ka nagkakamali. Nagsimula ang COTL noong nakaraang taon dahil nalaman nila na matagal na pala kayong nabubuhay. Ang element guardian."sagot ni Sir sa tanong ni Blast.
"Fire."Blast.
"Earth."Grand.
"Water."Me of course.
"Ice."Frost
"Wind."Bleu
Napatingin kaming lahat kay Keesha dahil tahimik lang itong nakatingin kay Sir Lethist.
"Unidentified magic."wika ni Keesha.
"Ang unidentified magic ang pinakamalakas sa lahat. Maraming nagtangkang umangkin sa kapangyarihan na ito kung kaya't ninais ng mga taga-ibang eskwelahan na makuha ang kapangyarihan specifically si Keesha. Kaya sya nilayo ng mga magulang nya ay dahil na mismo para maiwasan ang digmaan sa pagitan ng mga eskwelahan. Kaya imbes na digmaan ay nagdesisyon nalang sila na idaan sa paligsahan kung saan ang makukuhang kapangyarihan ay manggaling mula sa unidentified magic guardian."mahabang paliwanag ni Sir habang titig na titig kay Keesha.
Tahimik lang na nakikinig si Keesha kaya nagpatuloy na sa pagsasalita si Sir Lethist.
"Ang COTL ngayon taon ay gaganapin sa Pharoa Academy na tatlong bayan ang layo mula sa Night Academy."sabi ni Sir saka nagsimulang magsulat sa blackboard sa likod nya. "Meish, Yurika, Pharoa, Reshia, Drasca at Night Academy ang maglalaban laban."
Isinulat lahat ni Sir ang binanggit nyang pangalan saka isa isa itong binilugan.
"Solo, Duel, Team clash, Sports, Academics, Inventing, at ang huli ay ang palakasan ng kapangyarihan."isinulat iyon ni Sir sa gitna ng mga pangalan ng eskwelahan saka binilugan ng malaki. "Yan ang category ng clash. Lahat kayo ay maaassign sa iba't ibang klase ng laro kung saan kayo ang magiging representative ng grupo. Ang kaibahan lang ay hindi kami pwedeng pumili ng manlalaro at sasabihin lang nila ang tunay na laro sa kasagsagan na ng clash. Kaya biglaan ang magiging pagpili nyo ng magiging panlaban nyo."
BINABASA MO ANG
Night Academy [COMPLETED]
AdventureSTARTED : April 23, 2020 FINISHED : March 27, 2021 A school which only appears at night. Noong una akala mo ay pangloko-lokohan lang. Kasi naman, maiisip mo ba na may eskwelahang sa gabi lang lumalabas? Syempre that is a super unusual thing. Pero na...