Sorry sa super duper late update again. Medyo busy lang saka nawawala mga ideas ko about sa stories kaya natatagalan. Sorna kasi
Expect typos! Enjoy reading!
Third Person POV...
Agad nyang tinapon ang hawak na sigarilyo nang may makita na padating. Agad nya iyong inapakan saka sumipol at tumingin sa malayo.
"Kamusta?"tanong ng dumating saka tumayo sa tabi nito.
"Mabuti naman. Magsisimula palang kami. Wag kang mag-alala kasi gagawin ko ng maayos ang trabaho ko mapalaya mo lang mga magulang ko."sabi ng babae saka ito lumayas sa rooftop at iniwang tumatawa mag-isa ang lalaki.
Enjoy your last few days...
Seah's POV...
"Oh my God training na ba talaga?!"sigaw ko habang excited na nakaupo sa sofa dito sa meeting room.
"Good evening Guardians."panimulang bati ni Sir Lethist.
Bumati naman kami pabalik sakanya saka sya tumayo sa aming harapan.
"Papakilala ko na ang isa pa sa magiging member nyo."humarap sya sa pinto saka sumigaw. "Come in!"
Agad na bumukas ang pinto at iniluwa non ang isang medyo matabang babae. Itim ang hanggang balikat nitong buhok saka may suot na salamin.
"Ehhh?"
"She is Medist, a healer."pakilala ni Sir saka sya lumapit dito. "Makakasama nyo sya sa training nyo kasi nga wala lang. Let's go to the virtual room then we'll start your training after 5 minutes."
Lumabas na si Sir kaya naman sumunod na kami sakanya. Pagpasok sa loob ng virtual room ay ang malamig na hangin mula sa aircon ang naramdaman ko.
"We'll start with Bleu. Please go to the center so we can watch you properly."wika ni Sir Lethist.
Pumasok kami sa isang kwarto na may plastic window kung saan tanaw namin si Bleu na nagwa-warm up.
May pinindot si Sir na pulang button sa gawi nya at unti unting nagbago ang paligid.
Nasa isang bahay sya na nasusunog. Tila nagulat pa si Bleu ng makita iyon.
"Ah Sir, diba dapat ako yuny nandon kung fire--"
"Let him do this one."
Nanahimik nalang ako saka tumutok kay Bleu na ngayon ay matiim na nakatitig sa unti unti nang kumakalat na apoy.
Sa loob ng bahay ay may biglang lumabas na kung anong hayop na napalilibutan ng apoy. Agad syang lumayo ngunit hinabol sya nito.
Gumawa ng tornado si Bleu saka sya sumakay doon upang sya ay makalipad.
Sunod naman ay gumawa sya ng mas malaking tornado at hinigop noon ang apoy kaya naglaban ang apoy at hangin saka ito hinigop pabalik ni Bleu papunta sakanya kaya nawala na ang apoy.
BINABASA MO ANG
Night Academy [COMPLETED]
AdventureSTARTED : April 23, 2020 FINISHED : March 27, 2021 A school which only appears at night. Noong una akala mo ay pangloko-lokohan lang. Kasi naman, maiisip mo ba na may eskwelahang sa gabi lang lumalabas? Syempre that is a super unusual thing. Pero na...