NA 39: It Is Named

1.3K 106 0
                                    

Expect typos and wrong grammars.

Third Person POV...

Ito na ba ang katapusan nila. Ni Keesha na hirap na sa loob ng kulungan. Ng mga kaibigan ni Keesha. They all feel so helpless.

Si Bleu na patuloy sa pagluha. Di dahil sa sakit na nararamdaman, kundi dahil sa pagsakit ng dibdib dahil sa babaeng mahal nya na nahihirapan.

Si Grand na patuloy sa pagsakit ang buong katawan dahil sa grabeng pisikal na torture na natanggap.

Si Blast na pinipilit nalang huminga dahil sa tatlong saksak na natamo. Isa sa braso, isa sa tagiliran at isa malapit sa dibdib.

Si Frost na lumuluha dahil sa nasasaktan at nahihirapan ang pinakamamahal nyang kapatid.

Si Seah na nawalan ng malay dahil sa palaso na nasa tagiliran nya na nagtataglay pala ng isang uri ng lason.

Si Keesha na unti unti nang nauubos.

At ang Night Academy na unti unti nang gumuguho.

"HAHAHAHA! Talo na kayo!"patuloy na halakhak ni Felicidad.

Tumagal ng ilang minuto bago sila nayari. Nahulog sa sahig si Keesha. Nawala na ito sa kanyang kulungan.

Inalis na nila ang mga aparato at lumabas na si Felicidad na may malapad na ngiti sa kanyang mukha.

Keesha's POV...

Last call. Pagdilat ng mata ko ay nasa isa na kong paraiso. Sobrang ganda at ang aliwalas. Kahit sinumang pumasok dito ay di na gugustuhin pang lumabas.

"Keesha."

Napalingon ako sa pinang-gagalingan ng boses na iyon pero wala akong nakita.

"Keesha."

Ayun na naman ulet.

"Keesha."

Tumingin ako sa likod ko and there I saw him.

"Lolo."wika ko saka ako tumakbo sa gawi nya at niyakap sya.

"Kasama na kita."

Dahil sa mga katagang iyon ay natauhan ako.

"Po? P-Patay na po ako?"may halong takot sa boses na tanong ko.

"Hindi apo, ikaw ay muling nabuhay ngunit dito na sa mundong ito, kasama ako."nakangiting wika ni Lolo habang hawak ang dalawa kong kamay.

Alejandro Hanadelle.

"Lolo."binitawan ko ang kamay nya saka tumalikod sakanya.

"Bakit?"

"Ayoko pa po. Madami pa kong gustong maranasan. Babawiin ko pa ang mahikang pinamana mo Lolo. Babawiin ko iyon kay Mrs. Felicidad! Di ako papayag na mananahimik nalang ako habang sila don ay naghihirap!"

"Apo, mahal ko ang Lola mo pero alam kong ikaw ang tama. Wala kang kailangang bawiin dahil kusang babalik sayo, kung ano man ang iyo. Tandaan mo Keesha, hindi basta basta ang binigay ko sa iyo. May nakuha sya, pero mas malakas ka padin. Magtulungan kayo ng mga kaibigan mo. Keesha may hihilingin lang sana ako."

Night Academy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon