Expect typos and wrong grammars.
Warning : Includes violating and physical fightings.
Jok lang di naman masyado.
Keesha's POV...
Matapos kong umalis sa school grounds ay dumeretso na ko sa likod ng lumang building. Why? I miss physical fights.
And yes tama kayo. I'll cut class. Di naman na bago sakin yon. Habit at hobby na den tawag don.
Pagdating doon ay nakita ko na, sila? Pero akala ko one by one lang? Mga tao nga naman, hindi talaga patas kung lumaban.
"Pa-espesyal ka naman masyado."sabi nung nasa unahan.
Leader siguro nila. Mas matangkad at mas malaki sya sakin, but what the heck! I don't even care.
"Porke sirkulatora ka na yumayabang ka na."sabi pa ng isa sakanila.
What?
Kelan pa ko naging sirkulatora? Last time I checked hindi ko tinggap ang responsibilidad na binibigay nila sa kin.
"Puro satsat pa eh. Ano lalaban pa ba KAYO?"diniinan ko talaga ang salitang kayo.
Walang kaso at di naman na bago sakin ang mga di marunong tumupad sa usapan. Mas may thrill.
At kung bakit nyo tinatanong bat padin ako nakikipag-away? Ang sagot ay wala lang trip ko lang. Ayos na kami ng pamilya ko at ang gaan na din ng pakiramdam ko pag kasama ko sila.
"Bakit? Natatakot ka na ba?"tanong ulit nung leader nila.
"Naranasan ko nang mamatay, ngayon pa ba ko matatakot?"
Totoo naman yon. Unang beses na kong humiwalay sa mundong ito pero alam kong di pa kami tapos. May laban pa kong kailangang labanan. At may mga tao pa kong gustong bantayan.
"Simulan nyo na nga. Para isang klase lang mamiss ko."inaantok pang sabi ko.
Sumugod na yung leader nila ng suntok pero inilagan ko lang iyon. Naririnig ko pa ang hangin sa bawat suntok nya.
"So fast but too stupid."sabi ko saka sya sinuntok sa sikmura saka ako umikot at sinipa sya sa panga kaya bahagya syang tumalsik.
May sumunod naman agad na dalawang lalaki parehas nila kong sinusuntok pero ni isa ay walang nakakatama sakanila.
"Dalawa na kayo di padin kayo makatama."sabi ko pa.
Hinila ko parehas ang braso nila saka sila inikot at pinag-untog bago sila ihagis papunta sa tumatayo nilang leader na agad ding natumba dahil sa pagtumba din nung dalawa.
May sumunod uling dalawa pero pagtakbo palang nila ay sinipa ko na ang isa sa sikmura at sinuntok naman sa mukha ang isa.
Nagulat naman ako ng may dalawang lalaki na humawak sa dalawa kong kamay. May isa pang lumapit sakin, sa harapan ko.
"Napakayabang mo."sabi pa nito.
Pagkasabi nya non ay binigyan nya ko ng isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi. Agad kong nalasahan ang dugo na nasa labi ko.
BINABASA MO ANG
Night Academy [COMPLETED]
AdventureSTARTED : April 23, 2020 FINISHED : March 27, 2021 A school which only appears at night. Noong una akala mo ay pangloko-lokohan lang. Kasi naman, maiisip mo ba na may eskwelahang sa gabi lang lumalabas? Syempre that is a super unusual thing. Pero na...