NA 11: Armor Suit

3.1K 187 0
                                    

Author's note po ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Charot lang pala HSHSHSHS

Keesha's POV...

Tatlong araw na ang nakalilipas at puro training nalang ang ginagawa namin. Hindi na kami nagkaklase kasi nga nagte-training kami tsk.

"Keesha baka gusto mong mamahinga?"tanong ni Seah habang nakaupo sila malayo sa gawi ko.

Patuloy lang akong nakikipaglaban sa virtual enemies dito sa VR(virtual room). Hanggang sa matalo ko na silang lahat.

Pawisan akong naglakad pabalik sa kinaroroonan nila saka kinuha ang bimpo ko saka pinunasan ang sarili ko.

Umupo ako sa sofa saka isinandal ang katawan ko don at pumikit.

Pagod na ang katawan ko dahil maghapon kaming nagpa-practice dahil nalalapit na ang COTL at bawal kami magaksaya ng anumang oras.

"Magandang gabi mga estudyante."napalingon kaming lahat sa pumasok na si Sir Lethist.

"Magandang gabi po Sir!"sabay sabay nilang bati sabay tayo.

"Ngayong gabi ay gusto kong ipakita nyo naman sakin ang inyong mga armor suit na magpapakilala sa inyong pagkatao."wika ni Sir Lethist saka nya sinet ang VR na parang sa isang fashio show.

Seriously?!

"Isa isa kayong lalakad dyan para sa documentary at para na din sa magiging front at back cover ng ating official magazine para sa mga estudyantd na nagnanais pumasok sa Night Academy."paliwanag ni Sir habang nakatingin samin. "Magpalit na kayo."

Lumabas na agad ako saka nagpunta sa Cr at doon na nagtransform ng aking armor suit. Pagkayari ay bumalik na ko sa VR at hinintay na sila doon.

Pumwesto na ko sa likod ng mini stage saka ko nakita si Sir Lethist na may kasamang studyanteng photographer.

Nagsidatingan na din ang mga kasama ko suot ang kani-kanilang armor suit na aaminin ko ay nakakamanghang tingnan dahil sa mga disenyo non dagdag pa ang hubog ng kanilang katawan.

"Grand Faustel"lumakad na palabas ng stage si Grand dala paden ang kanyang seryosong mukha.

Kulay brown ang suot nyang armor. May suot syang headpiece na kulay brown din. Nakaukit sa kanyang suot ang mga puno at halaman kasama na ang mga hayop which is sakop ng Earth magic. Sa dalawang braso nya ay may bracelet na medyo may kalakihan na kulay brown. At sa dalawang kamay nya ay may hawak syang arnis na mukhang luma na pero matibay.

"Next, Blast Santerra."muling tawag ni Sira mula sa speaker.

Lumabas na ang all smile na si Blast pero bago iyon ay kinindatan nya pa ko.

Yaks!

Lumabas na sya suot ang kulay pula nya armor suit. Mas lalong nadepina ang kanyan katawan dahil doon. May suot syang headpiece sa ulo nya na may parang apoy. Nakaukit din sa kanyang armor ay nagliliyab na apoy. Sa kanang kamay nya ay hawak nya ang kulay silver na espada na syang nag-aapoy, tunay na apoy.

Night Academy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon