NA 14: A Birthday To Remember

2.8K 176 5
                                    

Surpise! Meron pang isa kasi lab ko kayo uwu!

Expect typos and wrong grammars!

Grand's POV...

July 11. A simple day as usual.

Naggayak na ko para sa pagpasok ko. It's already 5:00pm at isang oras nalang ay start na ng klase. Nakahiga padin ako sa kama habang pinagmamasdan ang disenyo ng kisame.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko naisipang tumayo para mag-ayos na para sa pagpasok. Ilang minuto lang den ako nagprepare saka ko kinuha ang mga gamit ko at lumabas na.

Nagsimula na kong maglakad patunong Night Academy. Ang lungkot at ang lamig ng atmosphere ngayon. Tila ba ay nais pa kong damayan saking lungkot.

Agad akong napahinto sa paglalakad ng makarinig ako ng kaluskos mula sa likod ng mga puno. Hindi ko alam kung ano ito pero naging alerto ako.

Ilang segundo lang ay bigla nalang may tumalon na lobo patungo sa direksyon ko. Ginamit ko agad ang mahika ko para gumawa ng rock barrier para hindi ako maabutan ng lobo.

"Malas."bulong ko ng makita na hindi lang iisa ang lobo. Tatlo ito at malalaki pa.

Akmang tatakbo na ko ng may humarang den na dalawang lobo sa harapan ko. Bale lima na lahat ng lobo na nakapalibot sakin.

Agad kong pinakiramdaman kung sino ang unang susugod. Agad akong kumuha ng malaking tipak ng bato saka iyon pinalutang at ibinagsak sa nagtangkang umatake na lobo. Agad itong naging abo at lumipad sa malamig na hangin.

Sunod kong kinontrol ang ugat ng mga puno at saka sinakal ang dalawang lobo. Mas hinigpitan ko pa ito hanggang sa hindi na gumalaw ang dalawang lobo at unti unti ng naging abo.

Hinarap ko ang dalawang natitirang lobo. Nanakbo sila palapit sakin ngunit bago makalapit ay pwersahan kong binitak ang lupang tinatahak nila at doon nahulog ang dalawang natitirang lobo.

"No sweat."nakangiti pang sabi ko bago nagpatuloy sa paglalakad patungong Night Academy.

---

Nakaupo na ko saking silya habang nakikinig sa aking guro. Syempre biro lang kasi iniisip ko talaga ang mga lobo.

Paano sila naging abo?

Iniisip ko talaga kung paano naging abo ang mga lobo gayong dapat ay maglalaho lamang sila na parang bula.

Natigil ang pagiisip ko ng biglang tumunog ang bell. Ibig sabihin ay oras na para sa hapunan. Alas otso na ng gabi at halos lahat ng estudyante ay patungong cafeteria pero iba ang direksyon ko.

Tinahak ko ang daan patungong rooftop kung saan tanaw ko ang mga bituin at lalo na ang buwan.

Ngunit bago ko pa marating ang rooftop ay sumalubong sakin si Blast na tumatakbo patungong direksyon ko.

"Grand pinapatawag ka ni Dean. Pumunta ka daw sa dean's office now na."hinihingal na sabi ni Blast.

I sighed heavily. Mukhang matatagalan pa ang pagrerelax ko. But it can wait. Ang dean ang di makakapaghintay hahaha!

Night Academy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon